Kabanata 32 - Suportado

3.1K 86 3
                                    

CAIOUS' POV'S:

"Damn old man! I won't let you hurt my woman!" Nanggagalaiti kong mura habang nagpapalitan ng putukan sa mga tauhan ni Gordon.

Ang gagong matandang Gordon na isang senador at may maimpluwensyang angkan ay walang takot sa kagaya ko. Hindi nito alam ang kinakalaban nito. Ang gagong matanda lang naman ang ibinuryo ni Mr. Cruise para kay Mandie. Isang matandang senador na debursyado sa asawa dahil sa pagkababaero nito.

That old bastard man have a lot of issues. Nasasangkot ito sa mga ilegal na gawain, paggasta sa kaban ng bayan at pagmomolestiya sa mga menorde-edad. Nadadawit din ang pangalan nito sa ilegal na gaming operation dito sa bansa. Pero dahil sa connection at yaman ng pamilya nito ay nalilinis ang mga issue dito.

"Boss! Buhay pa ito!" Pinuntahan ko ang isang tauhan ko habang may inaapakan itong tauhan na nakahandusay sa sahig.

"Sabihin mo sa boss mo na magharap kami at hindi ko siya uurungan. Sabihin mo din na hindi niya makukuha si Mandie dahil ibabaon ko siya ng buhay sa hukay. Iparating mo iyan sa gago mong boss!" Sinipa ko ang sugat nito sa tiyan bago ewan. "Kayo na ang bahalang magligpit sa mga bangkay nila." Utos ko sa mga tauhan ko na agad tumalima.

"Masusunod, Boss!"

Sumakay ako ng kotse at pinaharurot iyon sa pribado kong bahay na tanging mga pamilya ko lang ang nakakaalam. Habang nasa daan ay tinawagan ko muna ang pinsan ko.

"Hey, coz! Napatawag ka?" Bungad nito sa kabila. Kausap ko si Connor gamit ang headset ko habang nakatutok ako sa unahan.

"Mandie is pregnant." Excited kong sabi sa tuwa. Napaubo naman ito sa kabilang linya pero tumikhim din.

"Wow! Congrats, coz! Another Hunstman to the family, huh. So, bakit napatawag ka? May nangyari ba sa kaniya?" Tanong nito na kinailing ko naman na para bang nakikita ako nito. Pero napagalaw ang panga ko sa galit sa nangyari kanina.

Damn it! Muntik ng mapahamak ang mag-ina ko. I was reckless.

"Walang may nangyari pero muntik na. Niresbakan kami ng mga tauhan ni Gordon, ang matandang senador na ibinugaw kay Mandie ng ama niya para pakasalan ang matanda. Pero hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Magkamatayan na pero hindi ko ibibigay si Mandie. Ang mag-ina ko." Galit na pagngit-ngit ng ngipin ko.

I really want to kill that old manwhore!

"Do that, coz. Protect your family. Nandito lang kami sa likod mo, in case you need our help. Handang tumulong sa iyo ang pamilya natin. Huwag mong sarilinin ang problema, ayokong mawalan ng gwapong pinsan ha? Think twice before you act. Saan ngayon ang mag-ina mo? Huwag na muna siyang pumasok dito sa hospital." May pag-alala sa tono nito.

"They're safe. Nasa private place ko sila. Papunta ako doon." Tugon ko.

"Okay. Just take care and I'll help you what I can. Bantayan mong maigi si Mandie at ang kalusugan niya, especially huwag ma-stress, coz. Saka delikadong tao iyan si senador Gordon. Maimpluwensya ang angkan niyan." Paalala nito na lalong kinatiim ng mukha ko sa galit at pag-alala para kay Mandie.

"Huwag lang magpahuli ang matandang iyon dahil papatayin ko siya kapag sinaktan si Mandie. I'll hunting him until to his death." Banta ko bago nagpaalam kay Connor.

Ilang oras akong bumiyahe bago ako nakarating sa lugar. Automatic nagbukas ang tarankahan ng mataas na gate bago ako umusad sa loob. Ilang metro pa ang tinatakbo ng kotse ko sa gitna ng mga nagtataasang puno. Sa magkabilang gilid ay nakatanim ang iba't-ibang uri ng gulay at prutas na ang iba ay nahuhulog na sa lupa.

Actually, this place is my sanctuary as well as my place for my hobby. Mahilig kase akong mananim ng mga gulay at prutas na namana ko pa 'yata kay Lola Erinmay. Mahilig kase iyon magtanim kaya iyon nga siguro.

Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon