Kabanata 8 - Pag-aari

3.8K 97 2
                                    

CAIOUS' POVS: [KEYOS]

"Sasakay ka ng Ferris wheel?" Naaliw kong tanong at hindi mawala ang ngisi sa labi ko nang makita ang ticket na hawak nito.

"So what? Pakialam mo sa gusto ko!" Mataray na sagot nito sabay tulak sa akin dahil nakahawak pa din ako sa beywang nito. Damn it! Ang lambot ng katawan niya.

Tandang-tanda ko din ang mainit na tagpong iyon sa amin at muntik ko na sana siyang maangkin kung hindi lang niya ako sinukahan at mawalan ng malay. Kaya nagpigil ako.

Pero hinding-hindi ko makalimutan ang babaeng ito na tanging nagbigay buhay sa natutulog kong pagnanasa at init ng katawan. Iyong kakaibang pakiramdam na kahit pagtitig ko lang sa kaniya ay tumitigas na ako.

I have lots of bedded women, but all of them never tried to give me satisfaction. Iyong ibayong sarap na matatawag kong ulit-ulitin ko ang pag-angkin dito. Iyong sarap na dadalhin ka sa kaluwalhatian.

She's the only woman who can do this to me.

Kahit ang fiance ko na ilang ulit ko ng natikman ay hindi ko naranasan iyon. Hindi ko nadama ang ganoong sarap sa piling nito, kahit sabihin pa na magaling ito sa kama. But still, she can't satisfied my manhood.

Kay Mandie Cruise lang.

Kaya pinangako ko sa sarili na kapag nakita ko siyang muli ay hindi ko na pakakawalan pa. She's mine. Kahit bitawan ko ang fiance ko ay gagawin ko para makuha lang ito.

Uminit pa talaga ang ulo ko nun nang sabihin nito na hindi ko na siya ulit matitikman pa. Damn it! Hindi mangyayari iyon kahit kailan. You are Mine, Mandie Cruise. Mark my words.

"Sasamahan kita. Gusto ko din sumakay sa iyo——" Marahas na nilingon niya ako. "I mean, sa ferris wheel." Pagtatama ko kahit ang totoo ay gusto ko nga siyang sakyan.

"Huwag na at baka magkainitan na naman kami ng fiance mo." Pagdiin na tutol nito. Pero ngumisi lang ako.

"Pagod ang fiance ko kaya malaya ako." Kahit ang totoo ay iniwan ko talaga ito sa hotel na okupado namin.

"Okay. Then, mind your own business."  Mataray na may inis sa boses nito.

Napapatitig ako sa pang-upo niya habang kumikimbot iyon sa paglakad niya. Kay lambot ng katawan niya at hindi maitago ang pamumukol sa harapan ko. He's hard. Damn it!

"But you are my business, baby." Panghahamon ko. Nilingon naman niya ako at tinarayan muli. Ang sarap niyang asarin at nanggigigil ako.

"Baka ibusiness ko din ang pagmumukha mo nang hindi na pagkainteresan ng fiance mo?" Pagtaas kilay nito at pinakita pa talaga ang maliit na kamao nito. Namumula na din ang pisngi sa inis. "Then, iwanan ka tapos maghahanap iyon ng mas gwapo!"

Pananakot pa nito na akala mo naman magagawa nitong manakit. Lumapad pa tuloy ang pagkakangisi ko dahil nakakagigil talagang asarin.

"Pwede mo naman gawin iyon basta ikaw ang sasalo sa akin. Kapag nasalo mo na ako ay hindi ka magsisisi dahil sa bukod na malaki ay magaling din mag-paungol. Umungol ka nga diba?"

Sagot ko naman at hindi nagpatinag sa nakakamatay na tingin nito. Nais ko tuloy tumawa nang pandilatan niya ako at padabog na lumakad. Hindi ko tuloy napigil ang tawa ko.

Shit! Ngayon lang ako tumawa ng ganito. Ang sarap talagang asarin ito.

"Kapag hindi ako natiis sa pang-aasar mo ay makikita mo ang hinahanap mo!" Gigil na banta nito dahil panay naman ang sunod ko sa kaniya habang hindi mawala ang ngiti ko.

Lumihis na din tuloy ang direksyon nito sa pilahan na nais sumakay sa ferris wheel dahil sa akin. Hindi ko alam kung saan siya pupunta dahil diretso ang lakad nito. Napapalunok pa tuloy ako sa katawan nito na sinusundan ko bawat galaw ng balakang nito. Sarap halikan.

Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon