CAIOUS ' POV'S:
"How are you, bud? Marami ka pa din bang ka fling or may pamilya ka na?" Kamusta sa akin ng kaklase ko nung college. Nagkita kami dito sa labas ng parking lot kung saan ginanap ang lunch break meeting ko sa isang investors ko. Sakto naman na lumabas ito mula sa loob ng resto.
"I'm taken, bud." Tugon ko na kinangisi nito. He's Videl Ramos. Naging kasama ko sa lokohan noon at pangbabae.
"Naks! Congrats, bud! Pang forever na ba 'yan? Nung college days natin kase sabi mo laruan mo lang ang mga babae sa kamay mo at never kang magpapatali sa isang relasyon. What happened now to Caious Hunstman?" Pang-aasar pa nito na kinailing at ngisi ko lang sabay buga ng usok ng yosi ko. Mandie's not around so I'm free to smoke, just this day.
"Tinamaan ng pana ni kupido, bud." Napahalakhak ito sagot ko.
"Woah! Nakakatakot pala mapana ni kupido. Habang hindi pa ako pinapana ay sulitin ko na din ang pangbabae ko. Baka isang araw ay magaya ako sa 'yo, bud." Umiiling na sabi nito saka tinapik ang balikat ko.
Nakita kong naiinip na ang babaeng kasama nito sa loob ng kotse nito sa nakabukas na side mirror. She's a foreign woman with beauty and maybe his fling, as he said a while ago. He'd love to flirt with girls as same with me on our college days.
"If you found your Soulmate nothing is impossible, bud. You'll get crazy like hell." Nakangiti kong bitaw habang naglalaro sa utak ko ang mukha ni Mandie. Damn it! I miss her terribly.
"As what I saw in your eyes right now." Narinig kong bitaw nito. "Nga pala, bud. Nakita ko din ang dalawang kaklase natin dito at alam mo ba na mag-asawa na sila ngayon?" Patuloy nito na kinibit-balikat ko.
"I don't know them." Natawa ito sa sagot ko.
"Wala ka naman kaseng pakialam noon at babae lang ang inaatupag mo. Pero sina Richard at Arcelita na aso't pusa noon ay mag-asawa na ngayon. Kakasal lang nila kahapon at dito sa Germany ang honeymoon nila. Kahapon nagkita kami sa isang resto at doon ay nag-aya sila na magbar. Ano sama ka? I'm sure they'll glad to see you. Nakafling mo si Arcelita noon, right? But the two of you had been a good friends then."
Bumuga ulit ako ng usok bago ko tinapon sa trash can ang yosi sa gilid ko bago ito ilingan. Tomorrow is my last day here in Germany. Atat na atat na akong umuwi para makita ang baby ko. Binabaliw ako ng pagkamiss ko sa kaniya. I want to kiss her badly.
"I don't know if I can. I have dinner meeting of one of my investor at 6 o'clock pm." Paliwanag ko.
"Makakahabol ka, bud. Alas otso naman ang sabi ng dalawa sa isang bar malapit lang dito sa hotel. You should go, bud. Bale reunion na lang din iyon ng mga classmate natin." Pagpilit nito na kinatango ko na lang.
"Text me the address. Same number." Agad naman itong napatango at tinapik pa ako sa braso bago na ito magpaalam. Naiinis na ang babae sa kakahintay sa loob ng kotse nito.
Pumasok na din ako sa kotse ko at pinasibad ang kotse sa location ng restaurant kung saan kami magkikita ng investor ko. Narito ako dahil sa ipapatayo ko ngang isang branch ng condominium building sa Makati.
LAGPAS alas siyete din nang matapos ang dinner meeting namin ng investor ko na isang German. Natanggap ko kanina ang mensahe ni Videl kaya doon na ang punta ko. Habang nasa biyahe ako ay panay naman ang tawag ko kay Mandie pero out of coverage. Nasa duty na siguro siya at naka off ang phone niya. Kahit may bodyguard siya ay nag-aalala pa din ako. Iba pa din kung nasa tabi ako.
Pagdating sa exclusive na bar ay agad akong nakita ni Videl. Iginaya niya ako sa isang VIP room. Nakaupo na doon ang dalawa at nagkamustahan nang makaupo ako.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor
RomanceHUNSTMAN 3rd GEN. SERIES CAIOUS HUNSTMAN Mandie Cruise is the daughter of a mayor, known as a spoiled brat daughter. Laman din ng bar gabi-gabi, kaya naman pinutol na ng ama niya ang laman ng credit card niya dahilan para humantong sa pagtatakwilan...