MANDIE'S POVS:
"Mandie, ayos ka lang? Parang sinakluban ng langit ang mukha mo ngayon ah. May problema ba?" Agad na tanong ni Daniella nang mapatingin siya sa gawi ko.
Nasa locker room kami at nag-aayos para sa pagpasok namin ngayon. Sakto na naabutan ko siyang nag-aayos ng sarili niya.
"May masamang espirito kase na umaaligid sa bahay ko at iniistorbo ako. Kaya eto, bad mood." Inis na sagot ko habang inaayos ang buhok ko. I made it ponytail before wearing my white shoes. Inilagay ko naman sa loob ang ginamit kong dollshoes.
"Iyong lalaki ba kahapon? Akala ko husband mo iyon?"
Literal na mabilis ko siyang nilingon.
"Of course not! Hindi ko iyon asawa, no. Sadyang iniinis lang ako ng lalaking iyon tapos inaasar ng mga walang kwentang bagay." Pagdepensa ko habang inaayos na ang I'd ko.
I'm now ready for my night shift duty. I was assigned to the Pediatrics Department
"Totoo ba na hindi mo iyon asawa? Gosh, ang gwapo niya at super tangkad! Obviously na super yaman din ayon sa kilos at pananamit nito." Kinikilig na sambit ni Daniella.
Ako naman ay napailing sa sinabi niya. "Yup, hindi ko iyon asawa. Naligaw na baliw lang iyon kahapon." Sabi ko saka lumabas na ng locker.
Sumunod naman ito sa akin. "Hindi naman baliw ang lalaking iyon. Super hot at gwapo nga eh, sarap yakapin at halikan. Kung hindi mo siya asawa edi akin na lang siya, Mandie! Type ko kase ang tangkad nito at awra."
Bigla akong napahinto nang marinig iyong sinabi niya. Napapihit ako saka tinaasan siya ng kilay. Ewan ko pero parang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Basta, hindi ko alam kung bakit.
"Magkakagusto ka sa baliw na iyon? Huh, sinasabi ko sa iyo Daniella na babaero iyon at ubod ng manyak kaya layuan mo ang lalaking iyon. He's not worth of your liking." Ewan ko kung saan nanggaling ang mga sinabi ko na basta na lang lumabas sa bibig ko.
My god! Nagseselos ba ako?!
No way! Wala nga kaming relasyon ng lalaking iyon eh. Bakit naman ako magseselos? No! Hindi maaari na magselos ako ng dahil lang sa Caious na iyon. Totoo, babaero nga iyon.
"Asus! Are you jealous?" Tukso nito na lalong kinataas ng kilay ko.
Deny it! "Hindi ah! Wala nga kaming relasyon, magseselos pa ako?" Inirapan ko siya at tumalikod na para maglakad sa building ng Pediatrics.
"Wala daw, eh bakit namumula ka? Aminin mo, nagseselos ka eh!" Tukso pa nito sa akin habang sumabay na ito sa lakad ko.
"Eh, hindi nga!" Pagdeny ko ulit. "I'm not jealous, okay?" Pagklaro ko.
"Okay, ikaw nagsabi niyan. Pero pagnakita ko si Mr. Handsome ay malaya akong landiin siya. Kaya Mandie huwag kang magalit sa akin, ha? Type ko talaga siya, eh." Kinikilig na sabi nito. "Crush ko 'yata siya."
Napaikot naman ang mga mata ko pero umiling din. "Nope. I won't get mad at you." Hindi bukal sa loob ko ang binitawan ko.
"What's his name nga pala?" Tanong na naman nito. Malapit na talaga akong mainis sa babaeng ito.
Friendly naman ito at mabait kaya nakagaanan ko ng loob pero makulit din pala ang isang ito, like Trich. Medyo maarte din ang isang ito. She's a rich kid, that's why.
"Caious." Simpleng tugon ko.
"Caious? Wow! Hot and cool ng name niya. Bagay na bagay sa tindig niya!" Bulalas na tili nito at nagdidreaming pa habang malapad ang ngiti.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor
RomansaHUNSTMAN 3rd GEN. SERIES CAIOUS HUNSTMAN Mandie Cruise is the daughter of a mayor, known as a spoiled brat daughter. Laman din ng bar gabi-gabi, kaya naman pinutol na ng ama niya ang laman ng credit card niya dahilan para humantong sa pagtatakwilan...