Kabanata 39 - Paarakan

3K 96 0
                                    

WARNING!(MATURE SCENES!SPG!🔞)

________________
CAIOUS' POV'S:

"Oh, fuck! A-akayatin ko po ba ang mataas na punong iyan? Sa taas at nipis ng punong iyan ay kayang-kaya ko ng patumbahin ng mga kamay ko, pero ang katawan ko? Nah, I'm not that crazy enough to sacrifice my life just to have that fucking Golden Papaya! Oh, damn it!" Himutok na bulalas ko habang asar na napapasabunot sa buhok ko.

Mahina naman napatawa si Manong. Ang nagmamay-ari ng nag-iisang puno ng Golden Papaya! Lentek! Dito pa ako dinala sa Pangasinan!

"Matanda na din kase ako Hijo kaya hindi ko na kayang akyatin. Hindi ko naman pwedeng putulin kase swerte sa pamilya namin ang punong ito." Paliwanag ni Manong Ansing na kinawalan ko na ng pag-asa.

"Sige Manong ako na po ang bahalang dumiskarte sa punong ito. Salamat."

"Naku, kung naglilihi ng Golden Papaya ang asawa mo Hijo ay may tyansang kambal o triplets ang magiging anak niyo." Napapihit ako ng mariin kay Manong, nakasalubong ko ang nakangiti nitong mukha.

"Anong ibig mong sabihin, Manong?" May namumuong galak sa mukha ko. Damn! Magiging kambal o higit pa ang magiging anak namin ni Mandie?! What a blessings for me! Sana nga.

"Matagal na panahon din kase nang may pumarito na isang lalake para bumili ng bunga ng punong ito. Pagkalipas ng pitong buwan ay bumalik siya para sabihin sa akin na kambal daw ang magiging anak nila ng asawa niya. Kaya ayon, swerte daw ang makakalihi ng bungang ito, ayon din sa kwento ng lalake." Kwento nito habang nakatitig sa puno ng Golden Papaya. Napakataas nito at hitik ang bunga na kulay yellow nga.

"Ibig din bang sabihin na magiging kambal din ang magiging anak namin ng asawa ko po, Manong?" Wala pa man ay sobrang galak ko na makita ang magiging anak namin ni Mandie.

"Siguro Oo, pero base na din sa kwento ng lalake ay may tyansa na iyon nga Hijo. Sige na, simulan mo na ang pag-akyat ng puno para makarami ka ng kuha, Hijo. Salamat na din sa pera mo. Mauuna na ako." Paalam nito at lumakad na. Naiwan naman akong may galak pero nang dumako ang tingin ko sa puno ay napapamura na naman ako.

Damn it! Pero para sa baby ko ay titiisin ko ang hirap para sa paglilihi niya. Sarap na sarap ako habang ginagawa ang anak namin kaya ako naman ngayon ang pinapahirapan ng mahal ko. Buhay ng magiging ama na.

FOR HOW MANY fucking hours, nakangiwi ang mukha ko habang nagmamaneho pauwi ng bahay. Sino ang hindi mapapangiwi kung puno ng galos ang mga braso ko? Lentek! Muntik pa ako matigok dahil sa nipis ng punong iyon. Buti na lang at ingat na ingat ako sa buong bigat ko. Nasa likod ng compartment ko ang mahigit sampong Golden Papaya na nakuha ko, kapalit ng sampong libo na binayad ko kay Mang Ansing.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa front mirror ko at biglang napakunot noo nang mapansin ang isang van na nakita ko nun sa labas ng kompanya ko. Kinutuban ako pero hindi naman nagpahalata baka sakaling mahalata ng mga ito na alam kong sinusundan nila ako. Humigpit ang hawak ko sa manibela habang kinukuha ang baril sa compartment ng kotse ko.

Tinawagan ko agad ang mga tauhan ko na agad naman rumisponde sa kinaroroon ko. Marahas kong iniliko ang kotse ko sa kabilang daan dahilan para bumilis ang pagsunod ng van. Kasabay din nun ang sunod-sunod na putok ng baril sa kotse ko, napangisi lang ako ng hindi agad tumagos ang mga bala sa kotse ko, may oras pa akong mailayo ang mga gago sa kinaroroon ng bahay ko. Malapit na sana ako kung hindi ko agad napansin ang pagsunod sa akin. Muntik na.

I have no choice but to on the automatic driver, bago ko binuksan ang itaas ng bubong at lumusot saka inarakan ng putok ang van na sumusunod sa akin. Napangisi ako nang makabaril ng isa, pero sunod-sunod din nila akong pinapaarakan ng mga armalite nila.

Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon