MANDIE'S POVS:
"Hoy, Mandie Cruise! Siguruduhin mo lang na huwag kang malalasing kung ayaw mong ingudngod kita sa lupa, naiintindihan mo?!" Sigaw na warning sa akin ni Trich na ilang beses na iyon ipinaalala. Tanging pagtango lang ang naisasagot ko dahil ayoko ngang maglasing, ayokong ingudngod ako sa lupa.
"Oo na po, Mama!" Ganting sabi ko na sinamahan ng pagngisi. Umirap naman ito. Naalala ko ang nangyari kanina at gusto kong magtanong pero hindi na baka pagalitan naman ako.
Sa pagkakaalam ko ay mahigit dalawang taon naman ang kaniyang relasyon sa boyfriend nito, kaya tiyak na ilang beses na nila iyon ginawa. Sadyang ako lang itong NBSB. Nakakainggit ang babaeng ito na nakatikim na ng sex, sana ako din kagabi kaso napurnido pa.
"Che!" Pag-irap nito sa akin. Dumating Sina Carol at Sonia na inihatid pa ng dalawang lalaki na kapareha nila dito sa lamesa namin, pawang nakangiti sa isa't-isa at halata naman na naglalandian sa mga tinginan nila.
Kung bakit kase binabantayan ako ni Trich. Hindi tuloy ako makalandi!
Sige na, sila na ang may love life. Tatahimik na lang ako na hindi pa nakakaranas ng sex. Kung sana may nangyari kagabi edi naranasan ko iyon. Kung bakit napurnada pa e.
"Hi, guys! Sabi nitong si Brent ay fiesta sa kanilang bayan kaya inaanyayahan tayo na pumunta. Ano sasama ba tayo sa bayan nila?" Bulalas ni Sonia nang makaupo sila sa mga bangko nila. Naupo din ang mga partner nilang lalaki na ngayon lang yata nila nakilala.
"Hoy, Sonia! Kakilala mo lang sa lalaking iyan at pumapayag ka na sumama sa bayan nila?" Asik naman nitong si Trich na katabi ko.
"Sinabi ko lang nga diba kung papayag kayo? Kilala ko na itong si Brent noong high school ako kaya mapagkakatiwalaan siya, diba Brent?" Paliwanag ni Sonia bago balingan ang lalaking katabi nito na tumango naman at nakangiti sa amin.
"Yeah. Wala naman akong balak ng masama o may binabalak na masama sa inyo. Gusto ko lang din kase na makabonding itong si Sonia. Alam niyo na, mangangamusta. Ayos lang kahit isama niyo ang mga boyfriend niyo para may kasama kayo." Maayos na saad nito at sa tono ng pananalita nito ay wala namang balak na masama.
"See? Kakilala ko si Brent kaya alam ko na safe tayo." Segunda pa ni Sonia.
"Sa linggo na ang fiesta sa amin kaya bukas din ay maaari na tayong lumuwas para makapamasyal din kayo sa bayan namin. Ililibot ko kayo sa magagandang tourist attractions na pinagmamalaki namin." Saad nito na tila pinagmamalaki nga ang bayan nila. Kita sa mukha ang saya eh.
"Sasama ka ba, Beshy?" Hinarap ako ni Trich. Walang pag-alinlangan na tumango agad ako. Kase sa totoo lang excited na nga ako na makita ang bayan nila Brent.
Nais kong makalanghap ng sariwang hangin at magliwaliw na kahit iyon lang ay mawala panandalian ang galit ko sa mga magulang ko. Kahit saglit lang ay mawala ang problema ko.
"Sure. Bakit hindi? Gusto ko naman makalanghap ng sariwang hangin at magliwaliw sa bagong kapaligiran, diba? Minsan lang mangyari ito kaya sulitin na natin hangga't nandiyan pa." Sabi ko na agad naman nilang kinatango at sumang-ayon na din.
KAYA kinabukasan ng umaga ay naghahanda na kami ng mga gagamitin namin para sa pagstay doon kila Brent. Si Trich lang pala dahil wala naman akong mga gamit.
Gusto ko sanang kunin ang mga damit ko sa bahay ay ay hindi naman ako nakapasok dahil pinagbawalan na akong lumapit pa doon, kung bakit kase umalis agad ako nang hindi man lang nagdala ng gamit. Kaya sinisi ko din ang sarili sa kapabayaan ko.
Edi sana nagdala man lang ako kahit mga damit ko. Ang dami pa naman doon na ang iba ay hindi ko pa naisusuot at bago pa. Sayang talaga.
Pinahiram na lang ako ni Trich, ang iba ay ibinigay na lang niya sa akin nang may maisuot naman ako.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor
RomanceHUNSTMAN 3rd GEN. SERIES CAIOUS HUNSTMAN Mandie Cruise is the daughter of a mayor, known as a spoiled brat daughter. Laman din ng bar gabi-gabi, kaya naman pinutol na ng ama niya ang laman ng credit card niya dahilan para humantong sa pagtatakwilan...