Kabanata 34 - Nagulat

3K 89 0
                                    

MANDIE'S POV'S:

"Ayan, good girl. Malapit ng mawala ang fever kase uminom ka ng gamot. Saka magpahinga ka at huwag ng hahawak ng phone kase nakakabulag iyon kung madalas kang nagpeplay ng games. Masama iyon sa mga mata at hindi ka gagaling kaya iwasan mo ang magphone, okay?" Malumanay kong sabi sa batang pasyente habang tumatango naman ito at agad na binigay sa Mommy nito ang cp.

"Thank you, nurse Mandie. Buti napapayag mo, sa akin kase matigas ang ulo niyan at hindi talaga ibibigay ang cellphone. Kung sapilitan ko naman kunin ang cellphone ay todo ang iyak kaya ayan, nakatutok lagi sa  phone at laro ng laro. Marunong na ngang magdownload ng games." Pagkukwento nito at hinaplos ang buhok ng anak na ngayon ay nakaidlip na. Napailing naman ako.

"Masama po talaga sa kalusugan ang laging nakababad sa phone, lalo pa at limang taon pa lang siya. Mga gadgets din po ang dahilan kung madali silang mahawa ng sakit, lalo pa at lagi silang nakababad doon at nakalimutan na ang magpahinga." Mahaba kong paliwanag bago na ako nagpaalam.

Pabalik na ako station nang may tumawag sa akin. Si Shin sa likuran ko na may nag-aalalang tingin.

"Girl! What happened to your apartment? Nadaanan ko kahapon na sira ang mga bintana at pinto ng apartment mo? Ayos ka lang ba? Ilang araw ka din nawala sa duty mo kaya dumaan ako doon kahapon para sana kamustahin ka pero naabutan ko ang apartment mo na ganun ang ayos. Anong nangyari?" Sunod-sunod na tanong nito na kinahinga ko naman ng malalim. Hinila ko siya sa isang sulok at hinarap.

"Ayos lang ako at tungkol doon sa apartment ko ay may namaril na hindi ko kilala." Paliwanag ko at hindi na sinabi kung sino ang may pakana.

"Ha? Bakit naman nila gagawin iyon? Wala ka namang kaaway diba?"

Agad na umiling ako. Kahit alam ko naman kung sino ang nasa likod ng pamamaril ay ayoko ng bigyan pa ng alalahanin si Shin. Ayaw nga din sana akong pagtrabahauin ni Caious dahil nga sa buntis ako at laging masama ang pakiramdam pero tumanggi ako, kase kaya pa naman ng katawan ko. Ilang araw na din akong absent sa duty ko at pinaalam naman iyon ni Caious kay doctor Connor.

"Wala. Salamat sa concern mo, Shin. Huwag ka ng mag-alala dahil ayos lang ako." Marahan na pagngiti ko. Napairap naman itong tinampal ang braso ko at saka napanguso. Napangiti ako kase ang cute ng inasal nito.

"Ilang araw din kaya na namiss ko si babe Aaron! Girl, tinamaan na talaga ako sa kaniya. Love na love ko na 'yata eh!" Natigilan ako pero mas napangiti na lang din ulit kase pansin ko nga na gustong-gusto nito si Aaron.

"Ang tanong, gusto ka din ba? Napakaseryoso ng taong iyon at mukhang wala sa panlasa niya ang magkagusto sa iyo e. Himala na lang siguro." Mas napaismid ito sa sinabi ko at nagpapadyak pa ng isang paa.

"Kainis ka, girl! Whatever, basta! Love na love ko si Aaron and that's final! Aakitin ko siya at hindi ako titigil hangga't hindi nakukuha. Alam mo girl, first time kong mahulog ng ganito at kung papalarin ay si Aaron ang first boyfriend ko." Nagningning ang mga mata nito habang may kilig na ngiti sa mukha, iniimagin 'yata nito si Aaron sa utak nito. Napailing na lang ako.

"Good for you kung mahuhulog si Aaron sa pang-aakit mo, Shin. Good luck!" Pangtutukso ko at inaya na ito na bumalik na kami sa Station.

"Bukas na pala ang medical mission, girl. Nakapag-empake ka na? Ako kase handang-handa na ako para gumayak bukas. Super excited kase first time ko sa medical mission at makapunta sa Ifugao!" Biglang bulalas sa tuwa.

Napatigil naman ako sa paglalakad dahil ngayon ko lang naalala ang date para sa gagawing medical mission. Bukas na pala iyon at hindi ko pa nasasabi kay Caious. Dala ng nangyaring pamamaril ay nakaligtaan kong sabihin iyon. Siguro mamaya na.

Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon