Kabanata 38 - Kahinala

2.9K 83 0
                                    

CAIOUS' POV'S:

"Hey, baby. Are you fine now? Magmumog ka muna bago uminom ng tubig." Pag-alala ko habang panay ang haplos sa likod niya. Inabot ko ang tubig sa kaniya at kinuha naman nito saka nagmumog bago uminom.

Umagang-umaga ay nagduduwal na naman siya. Actually, it happened it every morning. Natural lang naman siguro ito sa buntis ang magkaroon ng morning sickness, ayon na din sa sinabi ni Mandie kaya panatag ako. Pero ako pa din ang nahihirapan para sa kaniya, kung kaya ko lang ipasa sa akin ang nararamdaman niya ay ginawa ko na, but I'm here to take care of her, and to our soon child.

"Salamat. Ayos na ako." Sabi niya bago tumayo at lumabas na ng banyo habang inaalalayan ko siya.

"Huwag ka ng pumasok ngayon. Nagsabi na ako sa pinsan ko na aabsent ka dahil masama ang pakiramdam mo. Magpahinga ka na lang muna dito." Utos ko habang inaalalayan ko siyang maupo sa kama at inihiga, hindi naman ito komuntra.

Dalawang araw matapos ang medical mission ay medyo masama na ang pakiramdam nito. Dala siguro ng mahabang biyahe kaya napagod ang katawan niya. Kinumutan ko siya nang makitang nakaidlip na ito. Ang bilis lang din niyang makatulong.

"I love you, baby. Sleep well." Hinagkan ko ang noo niya at labi bago ako lumabas. Naghanda na lang din ako ng kakainin niya mamaya paggising niya. Mag-iiwan ako ng notes at nandito naman si Aaron kaya panatag ako na iwanan siya.

Ayoko man sana siyang ewan ay hindi pwede dahil kailangan na ang presensya ko doon sa office ko. For sure, more bunch of documents were waiting on me.

Umalis na ako matapos ang mahaba kong paalala kay Aaron. Pagkarating sa office ay tambak nga sa lamesa ko ang pipirmahan ko. Nag-angat ako ng tingin nang may kumatok bago pumasok si Karen na may nbabahalang tingin sa mukha nito.

"Sir, excuse me."

"What it is, Karen?" I asked while signing the document in front of me.

"Mayor Cruise wants to see you, Sir. He's outside and waiting your permission, Sir?"

Umigting ang panga ko pagkarinig ng sinabi nito. Ano na naman kaya ang ginagawa ng matandang iyon dito? Gusto na naman bang bawiin ang anak nito? But hell if I do that! No way that I give Mandie to him.

"Let him in."

"Yes, Sir." Hindi pa nakakalabas si Karen nang bigla naman pumasok ang matanda na may seryosong tingin. Sinarado na lang ni Karen ang pinto nang lumabas na ito.

"Where's my daughter? Ilabas mo siya!" Dumagundong ang galit nitong boses. Nag-angat ako ng tingin at balewalang tinaasan ito ng kilay. Napapailing ako dahil posturang-postura ang ngiti nito sa madla at di-makabasag ng pinggan, but here in front of me, he's ready to kill me. That plastic attitude of him.

"Oh? You have a daughter, Mr. Mayor? Sa pagkakaalam ko kase tinakwil mo na ang anak mo? Kailan ka pa nagka-interes sa anak mo, it because you sold her to that old manwhore?" Kalma lang ako pero nanggagalaiti na ako sa galit.

Mas lalo naman nagalit ang mukha nito. Pigil na pigil ito na kwelyuhan ako kaya nakalisik lang ang mga mata nito. Hindi talaga ito titigil hangga't hindi ito nasasaktan, kahit anong pilit pa nito ay never nitong makukuha si Mandie mula sa akin. She's mine only.

"Wala kang pakialam sa gagawin ko sa anak ko! Ibigay mo siya sa akin o gusto mo pa talagang idaan ito sa korte?" Pagak akong natawa sa biro nito. Akala siguro nito matatakot ako?

Si Caious Hunstman matatakot? Huh! What the fucking joke!

"I don't care whether you take this on the court or where the fucking court as long as you make sure to beat me, Mr. Cruise. Dahil wala pa man sa korte ang kalaban ko ay nililigpit ko na ang landas? Gusto mo din ba isiwalat ko ang mga dumi mo sa munisipyo? I can do that in one flip of my finger, Mr. Cruise." Puno ng panganib kong sabi na kinatigil nito at lunok pero nakalisik pa din sa akin.

Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon