MANDIE'S POVS:
"Mandie? Mandie Cruise?" Bigla akong napahinto sa paglalakad ko bago nilingon ang tumawag sa akin.
Agad nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang taong tumawag sa akin."Brylle!" Hinarap ko ito at nilapitan naman ako nito. Nagulat pa ako dahil bigla ako nitong niyakap. "H-hey!.."
Natigilan ito at bigla naman kumalas saka nakangiting napatikhim sa harap ko. Brylle Paloma was my classmate and internship-partner during our college training. Ilang buwan din kaming nagkasama noon sa isang Hospital na tinitriningan namin. Mas lalo pa itong gumwapo at gaya ko ay nakasuot din ito ng pang hospital na uniform.
"How are you? Dito ka ba sa Hunstman Hospital nakaduty?" Hinagod nito ang uniform ko bago tumingin sa unahan kung saan nakatayo ang building ng hospital.
"Yup. Pero baguhan pa lang ako at mahigit isang linggo pa lang nagsisimula." Proud kong sabi na kinangiti nito. "Ikaw? Saang Hospital ka naman nakaduty?"
"Sa Quirino Hospital ako doon sa kabilang kanto lang." Turo nito sa kabilang kanto kung saan ilang metrong nakatayo doon ang building ng Quirino Hospital. Nasa list din iyon sa mga magagaling na hospital.
"Wow! Ang lapit lang pala. Matagal ka na ba doon o baguhan lang din?" Hindi ko maiwasan na matuwa sa galak dahil pareho kaming nakapasok sa magagaling na mga hospital.
Noong nagtitraining pa kami ay nagkukwentuhan kami kung makakapasa ba kami sa nursing exam o makakapasok ba kami sa magagaling na hospital. Ngayon ay nakapasok na kami sa mga pangarap naming hospital. We're lucky to fulfilled our dreams and profession.
"Actually, baguhan din ako. Magdadalawang buwan pa lang. Kamusta ka? Night shift din pala ang duty mo. Ako kase papasok palang at may binila lang ako diyan kaya napadaan ako dito. Buti na lang dumaan ako kase nakita kita." Sabi nito na kinatango ko.
"Bumili kase ako nitong tubig kaya lumabas ako. Naiwan ko kase ang tumbler ko sa bahay sa pagmamadali ko. Actually break ko ngayon eh." Paliwanag ko habang itinitaas ang mineral water na hawak ko.
Naaalerto naman si Aaron na may kausap sa phone nito habang nakatingin sa amin ni Brylle. Binaba na nito ang cp nito habang naglalakad ito sa kinaroroon namin.
"Madam, pumasok na kayo sa loob." Seryoso nitong saad na animo'y pinapalayo ako mula kay Brylle. Si Brylle naman ay nangunot ang noo at nagtataka ang mukha na palipat-lipat ang tingin sa amin.
"Do you know him?"
"A-ah... Oo." Pagtugon ko.
"Your father is a mayor. So kailangan mo nga ng bodyguard para sa security mo." Tumango na lang ako.
"Madam, pumasok na po kayo. Baka mas domoble ang galit ni Boss at mananagot ako." Ulit ni Aaron na kinangunot ko ng noo. Boss? Si Caious ba ang tinutukoy nito? Si Caious ba ang kausap nito sa phone kanina?
"Ah, sorry Brylle. Papasok na ako sa loob. Ikaw din baka ma-late ka sa duty mo." Paalam ko na sinang-ayunan naman nito. Kinuha pa muna nito ang number ko bago ako lumakad.
"Madam, sana hindi mo binigay ang number mo." Si Aaron na sinusundan ako pahatid sa entrance.
"Bakit naman hindi? Classmate ko naman nung college si Brylle at magkasama sa internship namin noon. Kilala ko ang lalaking iyon." Paliwanag ko pero hindi pa din sang-ayon si Aaron.
"Kahit na, Madam. Si Boss lang dapat ang pagkatiwalaan mo." May kahulugan ang sinabi nito. Tumigil ako sa paglalakad at saka hinarap ito.
"Si Caious ba ang kausap mo kanina? Ano naman ang sinabi mo?" Curious kase ako kung ano ang binalita nito sa Boss nito. Mainam ng malaman ko. Nang buksan ko kanina ang phone ko ay marami itong missed calls. Ini-off ko kase ang cp ko para walang istorbo
Alam ko naman kase na kapag tumatawag ito ay mang-aasar lang iyon sa akin. Malakas ba mangtrip.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor
RomanceHUNSTMAN 3rd GEN. SERIES CAIOUS HUNSTMAN Mandie Cruise is the daughter of a mayor, known as a spoiled brat daughter. Laman din ng bar gabi-gabi, kaya naman pinutol na ng ama niya ang laman ng credit card niya dahilan para humantong sa pagtatakwilan...