CAIOUS' POVS:
"Fuck you, cuz! Why are you harassing my Nurse?" Pagsuntok sa balikat ko ni Connor, na hindi naman malakas habang pangisi-ngisi naman akong nakaupo dito at nakahilig.
"She's my wife. So I kissed her." Balewalang tugon ko. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang maalala naman ang inis nito sa mukha kanina.
Damn it! I'm miss her terribly.
Yeah, I'm crazy. Pinanghawakan ko na talaga ang naging biro nito kaya wala na itong magagawa pa. Eh, sa talagang tinamaan niya itong puso ko. Sayang nga at hindi ko siya naangkin noong unang kita namin.
But I'll make her mine alone.
"Fuck you. You already have a fiance, right? Don't say you'd cancelled the wedding? Damn you, cuz!" Panay naman ang mura ng pinsan kong ito na kinailing ko na lang.
Umayos ako ng upo sabay seryoso ng mukha ko. Nanggagalaiti ako sa galit kapag nakikita ko ang eksenang iyon. Wala naman akong planong pasundan ang fiance ko pero naghihinala na ako sa mga kilos nito. Handa naman talaga akong magpakasal pero ginago ako nito kaya pagpasensyahan na.
"I caught her having sex with her manager. They did it many times. So, I broke up with her." Umigting ang panga ko sa galit. "I'm now single. Certified bachelor, but already TAKEN." Nakangising pagtatama ko.
"Crazy." Naiiling na tugon naman ni Connor.
"Yeah right. Mabuti na lang nahuli ko ang pangangaliwa ng babeng iyon. Binulag talaga ako ng libog ng katawan ko to the point na magpapakasal ako sa maling babae." Umiigting na naman ang panga ko.
Pagkatapos ng kasal ni Brent ay doon na ako naghinala sa mga kinikilos nito. Mabuti na din siguro na hindi na matutuloy ang kasal dahil ayoko din naman sa ugali nito. Siguro sex lang talaga ang habol ko dahil sa maganda nitong katawan na isang model, kaya ako magpapatali sa babaeng iyon.
But maybe, I don't love her. Just lust.
"Oh, that's a bad habit. Sa totoo lang ay ayoko din sa fiance mo na iyon. Kahit ang asawa kong si Yasmine ay ayaw sa pag-uugali nun. Hindi na kami komontra pa sa gusto mo na magpakasasal kase baka nga mahal mo ang babaeng iyon, but I'm happy for now kase hindi na matutuloy ang kasal mo doon. You made the right decision, cuz." Pagtapik nito sa balikat ko bago umayos ng upo.
"I know, but let's not talk about her. Let's talk about my wife." Napakurap ako nang mahina itong tumawa habang umiiling sa akin.
"Wife? Kasal ba kayo, cuz?" Pang-aasar nito.
"No, pero malapit na." Nakangising sagot ko na lalo naman kinatawa nito, napapahampas pa ito sa lamesa nito.
"Hindi pa pwedeng manligaw muna bago ka magsabi na asawa mo? Feel na feel mo pa na sabihin iyon sa harap ni Miss Nurse na hindi na nga maipinta ang mukha." Dagdag nito matapos tumikhim at pinahupa na ang pagtawa nito.
"Cuz, hindi na uso ang ligawan ngayon. Sa henerasyon ngayon ay dapat tuhugin muna bago pakasalan para wala ng kawala at mas babakuran mo para wala ng may umagaw. Gets mo? Diba, iyon din naman ang ginawa mo sa asawa mo?"
Ako naman ngayon ang napangisi sa mukha ng pinsan ko. Binato niya ako ng ballpen nito na agad ko naman nasalo. Ang sarap din asarin ng pinsan kong ito. Kung iba siguro ako ay baka kanina pa ako bumulagta sa sahig mula sa suntok nito.
"Gago ka, cuz! Huwag mong isali ang asawa ko dito. We're happily married now with our unborn child. Ikaw, umayos ka dahil tauhan ko ang iniistorbo mo." Pagduro na banta nito sa akin pero hindi naman ako natinag, bagkus ay pangisi-ngisi lang.
"Well, wala kang magagawa dahil tauhan mo ang nagustuhan ko. Dito nagtatrabaho ang Asawa ko kaya araw-araw mo akong makikita dito, cuz " Pang-aasar ko pa na lalo nitong kinaasim.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor
RomansaHUNSTMAN 3rd GEN. SERIES CAIOUS HUNSTMAN Mandie Cruise is the daughter of a mayor, known as a spoiled brat daughter. Laman din ng bar gabi-gabi, kaya naman pinutol na ng ama niya ang laman ng credit card niya dahilan para humantong sa pagtatakwilan...