Caious - (Keyos)
MANDIE'S POVS:
"Haist sayang at hindi nakadalaw si Caious." May himig na lungkot sa boses nito bago pumasok sa loob. "Bye, Mandie! Ingat ka sa pag-uwi at sana makadalaw na dito si Caious!" Pagkaway ni Daniella mula sa bintana habang nakasakay na ito sa kotse nito.
Naiiling na napakaway din ako dahil sinali na naman nito sa usapan ang lalaking iyon. Atat na atat lang? Nakakainis na ang babaeng ito. Umagang-umaga ay pangalan ng lalaking iyon ang bukang-bibig.
"Ingat ka din sa pag-uwi." Pahabol ko ng istart na nito ang engine bago iyon pinausad hanggang sa lumabas na nga ito ng exit. Lumabas na din ako.
Nasa bungad pa lang ako ng exit nang may biglang bumusina sa kabilang daan na kinaangat ko ng tingin doon. Nangunot ang noo ko pagkakita sa taong nakabungad sa bintana ng kotse habang nakangiting kumakaway.
"Hi, baby! Good morning!"
Literal na napanganga ako dahil sa sinigaw talaga nito iyon, kaya naman mabilis kong tinawid ang kabilang side. Masama ang tingin na sinalubong ko ito sabay linga sa paligid at buti na lang ay wala pang masyadong may dumadaan.
"Anong ginagawa mo dito? Kay aga-aga sumisigaw ka diyan. Wala ka bang trabaho o wala ka lang magawa sa buhay mo?" Inis na pagtataray ko.
Habang ito naman ay cool lang na nakatunghay sa bintana. Magulo pa ang buhok nito at kakagising lang 'yata pero nakaformal suit na ito at wala sa ayos ang nectie at nakabukas na butones. Pero napakagwapo pa din kahit na minadali lang nito ang pag-aayos nito sa sarili. Wala man lang ba maipintas dito? Kainis talaga.
"Yes, I have work. YOU, my baby." Pagngisi na sabi nito na kinaawang na naman ng labi ko pero napairap din.
"Baby, lapit ka may something sa mukha mo." Pahabol pa nito na agad ko naman kinapa ang mukha ko."Ano iyon?" Sabi ko habang kinakapa ang mukha ko. Wala naman kakaiba.
"Basta lapit ka, hindi mo kase maabot iyon. Sige ka, baka magsisi ka kung hindi ko iyan makuha." Patuloy nito. Nagtataka man ay lumapit na lang ako at baka nga hindi ko maabot. "Yumuko ka para maabot ko."
Utos nito kaya yumuko naman ako at pumikit pa dahil medyo malapit ito. Pero nagulat ako nang kabigin niya ang batok ko sabay lapat ng mainit na bagay sa labi ko. Akma akong papalag pero nahuli nito ang beywang ko at humigpit ang kapit nito sa batok ko.
He kissed me for about 30 minutes. Nang pakawalan niya ang labi ko ay habol ko ang paghinga habang nanlilisik ang mga tingin ko dito.
"Y-you... Pervert!" Tanging lumabas sa bibig ko at nakatakip pa sa labi ko. Pangisi-ngisi naman ito na lalo kong kinainis. Naisahan ako dun ha!
"That's my morning kiss, wife. Get in, ihahatid kita sa bahay mo." Inirapan ko lang ito at hindi pinansin nang lumakad ako sa sakayan ng tricycle. Malapit lang naman ang apartment ko pero pagod na talaga ako kung maglalakad pa, baka mahimatay pa.
Naramdaman ko ang pagsunod nito sa akin pero hindi ko na pinansin. Pupunta muna pala ako ng grocery para bumili ng mga kailangan ko sa bahay. Wala kase akong stock ng mga pagkain doon, may extra pa naman akong pera na hiniram kay Trich.
Akma akong papara ng isang tricycle na madaanan ko nang bigla na lang may humawak sa braso ko at kinaladkad ako nito sa kotse.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Nakakainis ka a! Alam mo ba na harassment na itong ginagawa mo? Kay aga-aga nanggugulo ka!"
Galit na pagpumiglas ko pero hindi ito natinag at binuksan ang pinto sa unahan saka ako pinasok sa loob. Naisara agad nito ang pinto at narinig ko ang paglock bago ito mabilis na kumabila sabay pasok nito sa loob.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor
RomanceHUNSTMAN 3rd GEN. SERIES CAIOUS HUNSTMAN Mandie Cruise is the daughter of a mayor, known as a spoiled brat daughter. Laman din ng bar gabi-gabi, kaya naman pinutol na ng ama niya ang laman ng credit card niya dahilan para humantong sa pagtatakwilan...