MANDIE'S POVS:
"Gusto ko man sana magpa-iwan dito at hintayin ka mamaya pero may flight ako mamayang alas tres ng umaga. I have business deals in Germany. Mamimis kita, baby." Sabi nito bago hinapit ang beywang ko saka bumulong sa tenga ko na kinainit ng mukha ko, at dama ko pa ang mainit na mabango nitong hininga, mas kinilabutan ako.
"C-caious..." Pag-utal kong sabi at lihim kong nakagat ang dila ko.
"Mamimis ko din ang ungol mo sa ngalan ko. Damn! I don't want to leave but I can't. Magtatalaga ako ng isang bodyguard ko para bantayan ka." Sabi pa nito habang panay ang himas ng palad nito sa tiyan ko. Siyempre napapaigtad ako sa kiliti pero nagtatakang binalingan ito ng tingin.
"Huh? Para saan naman ang bodyguard? Hindi ko kailangan ng bodyguard." Pagkontra ko pero nakita ko ang pag-iling nito.
Mabuti na lang din at medyo madilim dito sa hallway kung saan kami nakapwesto. Kakalabas lang namin mula sa restaurant na kinainan namin at dito niya ako hinila para lang yakapin nito na para bang ilang taon niya akong hindi nakita.
Minsan talaga nakakaramdam ako ng takot sa pagka-possessive ni Caious. Ewan ko basta kakaiba ang aura nito. Kahit na minsan ay makulit ito, flirty din kung makayakap sa akin, may araw din sobrang sweet nito sa akin, at minsan naman ay seryoso nito na para bang nakagawa ako ng masama na ikinagalit nito. May sa topak nga 'yata si Caious. Nakakatakot ito.
"For your own protection, baby. Wala ako sa tabi mo kaya panatag ako kung may magbabantay sa galaw mo. Sa schedule ng trabaho mo ay hindi ako panatag at ikaw lagi ang inaalala ko. Your safety is my first priority in everything." Seryoso nitong sabi na mariin nakatitig sa mga mata ko.
Ang malalim at karagatan niyang mga mata ay medyo naiilawan ng liwanag na mula sa poste na nagbigay lalo ng kinang sa magaganda niyang mata. Nakakaakit tingnan kaya wala sa aking sarili at parang nahipnotize ako na nag-angat ng isang palad at pinaraanan ng daliri ko ang dalawa niyang mata. Napapikit ito sa ginawa ko at dinama pa ang mga daliri ko.
Napapitlag ako sa gulat nang makarinig kami ng sirena ng ambulansya na papasok sa emergency room kaya nabawi ko ang palad ko mula sa mga mata niya at medyo napaatras pa ako sa gulat.
"S-sorry..." Nakagat ko ang labi ko sa hiya at pagkailang. Ngumiti naman ito ng matamis pero nakakaloko iyon.
"Do you like my face or my eye color?" Tanong nito na kinataas ng kilay ko. Siyempre hindi ko sasabihin na pareho kong gusto ang mukha at mga mata nito, nakakahiya kaya. Alangan naman na sabihin ko? Never!
"Wala kaya sa sinabi mo. May muta ka kaya pinalis ko." Pag-irap ko pero bumalik din ang tingin ko nang may maalala ako. "Iniiba mo ang usapan e. Hindi ko kailangan ng bodyguard at wala naman may mananakit sa akin dahil wala naman akong may sinaktan na tao. Saka aabalahin mo pa ang oras nung tao kakabantay sa akin at kaya ko naman ang sarili ko."
Paggiit ko dahil hindi naman talaga nito kailangan na bigyan ako ng bodyguard. Sa totoo lang ay kaya kong proteksyunan ang sarili ko dahil nung high school ako ay in-enroll ako ni Dad sa isang Martial Arts Training sa isang mall kaya may alam din ako sa self defense. Siguro dahil sa isang public servant si Dad na maraming kaalitan o kaaway na mga katunggali nito sa politika na kung lumaban din ay patayan. Hindi ako inosente para hindi malaman ang dumi sa politika.
Dadanak ang dugo makuha lang ang inaasam na tagumpay. Bilang isang public servant ay nakabaon na sa lupa ang kalahating katawan mo. Si Dad ay sinigurado na makakaya kong proteksyunan ang sarili ko.
"Tsk. Iniiba mo ang sagot sa tanong ko. Pero totoo na inaalala ko ang kaligtasan mo, Mandie. Sa ayaw at paggiit mo ay magtatalaga pa din ako ng bodyguard mo. I want your safety before going out the country. Huwag ka ng komontra, baby." Pagdiin nito at muli akong hinila sa beywang ko sabay hawak nito sa baba ko.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor
RomanceHUNSTMAN 3rd GEN. SERIES CAIOUS HUNSTMAN Mandie Cruise is the daughter of a mayor, known as a spoiled brat daughter. Laman din ng bar gabi-gabi, kaya naman pinutol na ng ama niya ang laman ng credit card niya dahilan para humantong sa pagtatakwilan...