Kabanata 7 - Panunukso

3.4K 97 1
                                    

MANDIE'S POVS:

"Are you nervous?"

"No." Mariin na pagtanggi ko kahit ang totoo ay kinakabahan nga ako. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung Siya mismo ang nakasalo ng bride's garter, na walang kahirap na lumanding sa pwesto nito.

"Good. Then, I'll put this on." Sabi nito sa malalim na boses.

Lumuhod ito sa harap ko at kahit ayaw ko man ay inihakbang ko ang isang paa ko sa harap nito. Dahil nakadress ako hanggang tuhod ko ay nakalantad agad ang hita ko. May ipagmamalaki naman ako sa kutis ko.

Tumingala ito sa akin bago nito dahan-dahan na ipinapasuot sa paa ko ang garter. Sa unang paglapat pa lang ng palad nito sa balat ko ay napakislot ako sa kakaibang pakiramdam na ayokong ipahalata.

Seryoso itong nakatitig sa paa ko na unti-unting pumapaitaas sa hita ko. Nakita nito ang pagkislot ng hita ko nang dumapo na doon ang palad nito.

Tumingala ito ng seryoso sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. Una na akong napaiwas dahil ayokong mahalata na may something sa amin.

Kung bakit naman sa Kaniya napunta ang garter, eh seryoso lang itong nakaupo sa lamesa nito. Kung bakit naman kase doon nagawi ang garter, kaya kahit ayaw man nito dahil may fiance na nga ito ay pinilit pa din ng groom na ito ang magsuot ng garter sa akin dahil nga ito ang nakakuha.

Sa dami ng mga kalalakihan kanina na dinumog ba naman ang unahan para lang makuha ang bride's garter ay sa Kaniya pa iyon napunta.

Kaya ang fiance naman nito ay hindi maipinta ang mukha na nanlilisik ang tingin sa akin. Hindi ko naman ito pinapansin. Bahala ito sa buhay nito dahil wala akong pakialam dito.

Umayos na din ito ng tayo na sinabayan naman ng hiyawan na inunahan pa talaga ng boses ni Trich, nangingibabaw ang hiyaw nito at ganun din sina Sonia. Pinandilatan ko nga mga ito pero tinutukso lang ako.

"So, wala bang kiss diyan para sa susunod na bride and groom?" Segunda naman na tukso ng emcee na lalong nagpahiyaw sa mga bisita.

"So?" Pag-untag sa akin ng lalaking ito. Nangingibabaw ang taglay na kakisigan sa mga kalalakihang bisita dito, maski groom nga walang-wala ang appeal dito. Napakagwapo nito sa suot na pormal suit nito.

Hindi nga maiwasan na mapapatingin ang lahat ng mga kababaihan na nandirito. Agaw pansin ang kakisigan at maski ako ay napahanga nga din. Maswerte ang fiance nito.

"So? What do you mean?" Pagtataray ko naman para itago itong paghanga ko. Baka kase mapansin nito.

"Saan mo gustong halikan ko?" May accent ang pagtatagalog nito. Sa tangkad at kulay bughaw na mga mata nito ay may lahing foreigner.

Medyo nakangisi ang mukha nito na ako lang 'yata ang nakakita. Natatabunan naman ng tangkad nito ang pwesto ng fiance nito mula sa akin. Kaya hindi ko makita ang reaksyon, sana makita ko kung paano ito manggalaiti sa inis.

"Saan mo ba gusto? I'm all yours." Nang-aakit na tudyo ko kahit hindi naman ako lasing. I'm flirting with him. Gusto kong makita ang reaksyon nito at hindi nga ako nagkamali.

Saglit itong natigilan pero ngumisi din ng makahulugan sabay lapit nito saka hinawakan ang baba ko. Pinisil nito ng medyo may diin na kinaawang ng labi ko. Labing nahalikan na nito.

"Naalala mo ako?" Bulong nito.

"Kahit lasing ako ay tandang-tanda ko ang pagmumukha mo." Bulong ko din.

"So, tandang-tanda mo ang namagitan sa atin?" Patuloy pa nito.

"Tandang-tanda ko ang bawat ungol natin." Hindi naman ako papahuli sa panunudyo nito habang magkatitigan kami ng malapitan. Mahina itong napatawa sa sagot ko. Nakakahalina ang tinig nito at mabangong hininga.

Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon