Note: Please bear with my typos and grammar in all chapters!
_________________
MANDIE'S POVS:"Hoy, Mandie! Ang swerte mo naman!" Pagkuha pansin sa akin ni Nurse Rizza na kinataka kong napatitig sa pwesto niya.
"Huh? Bakit?"
"Eh, day off mo bukas! Makakapagpahinga ka ng maayos. Sulitin mo na ang tulog mo." Sabi pa nito at kung hindi nito tinuro ang chart na nasa gilid namin ay hindi ko pa malalaman na may day off nga ako.
Nakalist doon ang pangalan ko sa mga magdeday-off bukas. Napangiti tuloy ako dahil tama nga si Nurse Rizza na susulitin ko ang tulog ko. Kanina nga lang ay nasira na ang oras sana ng pagtulog ko dahil sa buwisit na Caious na iyon. Nakakainis siya. Panay ba naman ang tawag sa akin kaya ini-off ko na ang cp ko.
"Oo, susulitin ko ang pahinga ko." Sabi ko at nagpunta na sa rota ko.
Pagdating sa isang private room ay kumatok ako bago binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang isang nakasimangot na batang lalaki na inirapan pa ako pagkakita sa akin.
"Hi, good evening. I'm here to check on you." Nakangiti kong paglapit sa kaniya. Nakasandal ito sa bed nito habang nakaiwas ang tingin sa akin. Kahapon pa masungit ang isang ito pero naiintindihan ko ang sitwasyon nito kung bakit ito nagkakaganito.
Hindi naman ito naglumikot nang suriin ko siya. Tahimik lang ito pero masama naman ang tingin sa akin matapos ko siyang mainjectionan. Kaya napa-peace sign pa ako.
"Are you happy na lumpo ako?" May galit at damdam sa boses nito. Nawala agad ang ngiti ko at napalitan ng seryosong mukha habang umiiling.
"Hindi ako masaya o kinukutya ka na lumpo ka. Ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko para pagaanin din ang loob mo. Alam ko na masakit para sa iyo ang mawalan ng isang paa pero para naman sa kaligtasan mo ang pagputol ng isa mong paa. Diba, ayaw mong mawala at ewan ang mga magulang mo at kapatid?" Hindi ito nagsalita at umiwas lang. "Kaya kung gusto mo pang mabuhay at gumaling ay maging matatag ka at lumaban para sa sarili mo. Hindi iyong nawawalan ka na ng pag-asa. May isa ka pa namang paa na gagabay sa pagtayo mo at high tech na ngayon ang teknolohiya para makagawa ng aesthetic na paa. Rich naman kayo kaya kayang bilhin iyon ng magulang mo. Basta ang mahalaga ay magpagaling ka, okay?"
Panenermon ko sa batang ito. Alam na nito ang mga sinasabi ko dahil 12 years old na naman ito. Binatilyo at may pag-iisip na.
Hindi ito nagsalita at umiwas na naman ng tingin sa akin. Napabuntong-hininga ako at lumabas na nang masiguro kong ayos naman ang kalagayan nito. Kasunod na silid naman ang chineck ko hanggang sa matapos ako. Bumalik ako sa lamesa ko pero nagulat ako kung sino ang mabungaran ko na kinakausap ngayon nila Rizza sa lamesa namin.
"Oh! Nandito na pala ang asawa mo, Mr. Caious!" Bulalas ni Rizza nang makita ako.
Napalingon tuloy sa akin ang magaling na lalaki. Akma itong lalapit sa akin nang mabilis naman akong tumalikod at tumakbo. Narinig ko ang pagtawag nito sa ngalan ko pero hindi ako tumigil sa pagtakbo ko.
"Mandie!" Pag-tawag nito sa pangalan ko nang makita niya ako. Kaya sa gulat ko ay nabuksan ko ang pintong kinasasandalan ko na isang storage room pala, nilock ko agad ang pinto.
Pero napapitlag ako sa gulat nang katukin nito ng may lakas ang pinto.
"Mandie! Open the door! What happened? Bakit tinataguan mo ako?"Sunod-sunod na tanong nito habang pilit na binubuksan nito ang seradura. Tinataguan ko nga ito dahil sa nakita ko kanina sa isang diyaryo doon sa labas. Hindi ako nagkakamali doon.
Kuha ang litrato nito na pumasok sa isang condominium unit building. Sa pagkakaalam ko ay isang exclusive condominium unit iyon sa Taguig. Kung pumasok ito doon ay siyempre may kinatagpo itong babae. Hindi naman kase doon ang unit nito.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor
Roman d'amourHUNSTMAN 3rd GEN. SERIES CAIOUS HUNSTMAN Mandie Cruise is the daughter of a mayor, known as a spoiled brat daughter. Laman din ng bar gabi-gabi, kaya naman pinutol na ng ama niya ang laman ng credit card niya dahilan para humantong sa pagtatakwilan...