Kabanata 12 - Makulit

3.3K 101 2
                                    

MANDIE'S POVS:

"Trich, babayaran talaga kita kapag nakasahod na ako. Salamat talaga dito, ah. Ikaw na lang kase ang mahihiraman ko ng pera. Naubos na din ang pera ko sa wallet." Sabi ko habang nakahawak sa sobre ng pera na hiniram ko sa kaniya.

"Ano ka ba, beshy. Siyempre bestfriend kita kaya walang problema sa akin. Kung bakit kase lilipat ka pa eh kasya naman tayo dito sa unit ko. Huwag ka na lang kaya umalis, beshy? Malulungkot ako dito at wala ng magluluto ng masarap sa akin, eh."

Kuwa'y malungkot na pag-iinarte nito na kinailing ko.

"I need to, nakakahiya ng magstay pa dito sa unit mo. Trich, it's time naman na maranasan kong mamuhay ng mag-isa at kumayod ng mag-isa. Hindi sa lahat ng oras ay aasa ako sa iyo. Gusto kong maranasan kung paano kumita ng pera gamit ang sarili kong sikap. Saka hindi naman ako mag-aabroad at dito lang, kaya may time pa din tayo na magbonding." Mahaba kong paliwanag na kinatango naman nito bago ngumiti.

"Tama ka nga, besh. Masarap talagang gastahin ang pera kung galing mismo sa pinaghirapan mo. Well, ako, ayokong dumanas ng hirap kaya naman sinusunod ko lahat ng gusto ng parents ko. And I'm grateful for having a good parents." Napatigil siya at nag-aalalang napatingin sa akin. "I'm sorry, besh."

Umiling naman ako. Right. Trich is super blessed to have a such parents. Mga negosyante ang magulang ni Trich at nag-iisa din na anak. Kabilang sa pagmamay-ari nilang negosyo ay ang isang Mall sa Makati, at may ilang branches na din ng Restaurant nila ang nakatayo sa buong Pilipinas.

"It's okay. Nakakainggit ka nga dahil mabait ang mga magulang mo. Pakisabi kay Tita na ampunin na lang ako." Pagbibiro kong sabi na agad naman nitong kinatango kaya napatawa ako. "Trich, I'm joking."

"Hay beshy, ewan ko sa iyo. Alam ko naman na hindi ka din papayag na tumira sa bahay. Willing naman kaming adapin ka, willing na willing sila Mommy na bigyan ako ng sister. Lalo pa at ikaw ang magiging sister ko." Pagyakap pa nito sa braso ko.

"I want to, but thank you." Tiningnan ko siya at nginitian ng buong puso. "And I'm grateful to have you, Trich. Thank you so much."

"Nah, don't thank me because Im willing to help you not just my bestfriend but as my sister as well. Sa sarap at landian magkasama tayo, diba?" Biro nito na kinangiti ko at yakap din sa kaniya.

AYAW ko naman ay ginamit na namin ang kotse niya para ihatid ako sa bago kong tirahan. Isa itong apartment na malapit lang sa hospital kaya hindi ko na problemahin pa ang araw-araw na gastos sa biyahe dahil malalakad lang ito papunta sa hospital. Naka-two months down payment na ako na hiniram ko pa kay Trich.

Actually ay magkalapit lang ang apartment namin ni Daniella dahil siya mismo ang nagsabi nito sa akin, na may malapit na apartment dito na malapit lang sa hospital. Kaya ayon, nag-inquire ako at lilipat na ngayon.

Matapos akong tulungan ni Trich ay umalis na din siya dahil may date pa daw sila ng boyfriend niya. Ako naman ay saglit na nagpahinga bago ko nilinis ang buong lugar, bago ko inayos ang mga gamit ko.

"Haist, nakakapagod pala maglinis." Bulong ko habang pinapahid ang pawis sa noo at leeg ko.

Tanghali din ako natapos kaya nag-order na lang ako sa food panda ng makakain ko. Pagka-out ko na lang sa hospital ako bibili ng mga kailangan dito, lalo sa kusina ko. Habang naghihintay ay naligo muna ako at sakto naman nakatapos ako ay dumating ang order ko.

Nilantakan ko agad ito dahil gutom na gutom na ako. Buti na lang at mamayang 6 pm pa ang duty ko kaya nakalipat ako ngayon. Second day ko mamaya at nilipat ako sa night shift. Okay na din iyon para may time pa akong makatulog sa umaga.

Napapitlag ako nang marinig ko ang pagtunog ng cp ko na nasa ibabaw ng lamesita. Kinuha ko iyon habang ngumunguya pa ng burger. Nangunot din ang noo ko nang makita na unknown number ang tumatawag.

Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon