Kabanata 18 - Pinakilala

3.1K 88 2
                                    

MANDIE'S POVS:

"B-bakit kase sinama mo pa ako dito. Eh, hindi naman ako part ng family niyo." Kanina ko pa iyan bukangbibig dahil naiinis ako sa lalaking ito na blinackmail lang naman ako para sumama dito sa house ng Lolo nito. Birthday daw kase nito. Kaya eto ako at sinama ng magaling na lalaking ito.

"Baby, You'll become one sa araw na ikakasal tayo. Kaya huwag ka ng komontra at ngumiti ka lang, baby. Ang ganda mo ngayon at sexy kaya kanina na din ako tinatayuan dahil sa kasexyhan mo. Pwede ba muna tayong pumasok sa silid ko para naman masolo kita, baby?"

Pang-aasar na tudyo nito na kinasama naman ng husto nitong mukha ko. Kanina pa ako nagpipigil ng inis nang hatakin niya ako dito. Ayoko man sana na pumarito ay nakatatak na sa utak ko ang pangbablackmail nito.

"Birthday ni Lolo Colorado bukas at gusto kitang isama." Natigilan ako nang sabihin nito iyon.

Nandito kami sa loob ng restaurant dahil dito niya ako hinila matapos ang usapan namin doon sa storage. Buti na lang at oras din ito ng hapunan ko kaya walang hassle sa trabaho ko.

"No! Hindi ako sasama. Kung gusto mong may sumama sa iyo ay iyon ang fiance mo at hindi ako." Mariin na pagtutol ko. Gumalaw na naman ang bagang nito habang nakatitig sa akin.

"Wala na kami ng fiance ko. Single ako kaya nga malaya kitang nilalandi, diba?" Umikot lang ang mga mata ko sabay subo ng karne sa bibig ko.

"You're crazy. Pero hindi pa din ako sasama. Susulitin ko ang day-off ko sa pahinga dahil pagod ako sa trabaho. So please, don't ruin my day-off." Pagkontra ko pero seryoso pa din ito at wala 'yatang balak na tumigil.

"Sasama ka o patatalsikin kita sa trabaho mo? Chose wisely because your first answer will be the final." Seryosong banta nito na kinalisik ng mga mata ko pero ngumisi lang nang marinig ang sagot ko.

Kaya eto ako. Sumama sa baliw na lalaking ito dahil blinackmail nga ako. Takot ko naman na mawalan ako ng trabaho. Sayang naman kase ang opportunity na magtrabaho ako sa isang sikat at magaling na Hospital sa buong Pilipinas, kaya ayokong pakawalan. It's my dream to become a Nurse kaya eto, natupad ko ang pangarap ko at sobrang fullfil sa pakiramdam na makatulong ako.

"Pumasok kang mag-isa mo! Puro kalaswaan ang nasa utak mo. P-pwede ba, pakibitaw iyang palad mo sa hita ko? Nananantsing ka na eh, at pwede ba huwag kang dumikit sa akin?"

Sita ko sabay alis ng kamay nito sa ilalim ng lamesa dahil kanina pa iyon humahaplos doon, saka sobrang dikit ng katawan nito sa akin na naghuhurementado ng lihim ang dibdib ko. Kinakabahan na naiilang sa mga titig sa akin, lalo na ang mga lalaking may hawig kay Caious.

But they're all handsome. Kanina pagdating namin dito ay agad akong pinakilala sa pamilya nito. Kinakabahan naman ako pero kaya kong dalhin ang sarili ko at taas noong nakipagkilala sa kanila, especially ang parents ni Caious na sobrang galak naman na tinanggap ako. Pinakilala ba naman akong girlfriend sa harap ng pamilya nito.

Caious Hunstman is really crazy!

Nagulat din ako nung makita ko ang buong angkan ni Caious, dahil ang iba sa kanila ay nakikita at rinig ko lamang sa balita. Mga taong kilala sa lipunan, ngunit pinanatiling pribado ang pamumuhay. But I felt something on their presence, they're all dangerous. Nakakatakot ang mga awra nila na hindi ko maintindihan.

Pero bakit ang daming black men sa labas ng mansion? Siguro protection dahil napakayaman nga talaga ng pamilyang Hunstman.

"Hayaan mo na para malaman ng mga pinsan ko na akin ka. Tingnan mo nga at patingin-tingin sa iyo. Kung ako lang ay sarap nilang pagsusuntukin at dukutin ang mga mata para hindi ka na tingnan." Bulong nito sa tenga ko na kinakilabot ng buong katawan ko.

Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon