Kabanata 31 - Hinala

3.1K 84 2
                                    

MANDIE'S POVS:

"Hoi, Mandie! Bakit absent ka kagabi? At pansin kong paika-ika ang lakad mo? Ayos ka lang ba, girl?" Pag-alala na tanong ni Shin nang maabutan ako sa table namin. Kakarating ko lang din nang makapasok ito.

Buwisit kase ang Caious na iyon e! Hindi na naman ako tinantanan nang makauwi kami ng apartment. Talagang sinagad nito ang kahinaan ko. Madali na akong bumigay sa mga gusto nito kaya heto ako... Sobrang sakit ng katawan at hiwa ko.

Noong una si doktor Connor, ngayon naman si Shin ang nakapuna sa akin. Sino pa kaya ang makikilala ko na makapupuna ng iniinda ko dahil kay Caious? Argh! Nakakainis! Kaya ang ending ay absent ako ng isang araw dahil hindi nga ako makalakad. Todo sabunot din sa akin si Caious dahil sa gigil at inis ko sa pagmumukha nito.

Sa totoo lang ay ubod nanggigigil ako sa lalaking iyon kanina. Sarap sabunutan ng todo, minsan nga ay sinisipa ko, minsan naman ay tinatadyakan ko. Nakakainis kase. Hindi tuloy ako nakaduty. Ewan ko kung ininform na naman nito sa pinsan nito. Sana naman hindi...

"H-hm... M-medyo masakit kase ang paa ko nang matapilok ako kanina sa entrance." Mahinang pagsisinungaling ko at buti na lang ay hindi na nagtanong pa si Shin.

Nasa table lang ako buong oras dahil pakiramdam ko ay mabigat ang katawan ko. Binugbog talaga ng magaling na lalaking iyon. Napalumbaba ang mukha ko sa mesa at hindi ko namalayan ay nakaidlip ako. Naramdaman ko na lang na parang may bumubuhat sa akin.

Napadilat ako at isang matipunong dibdib ang bumungad sa akin. The scent of his suit was familiar to me. Nag-angat ako ng tingin at tama nga na si Caious ang may buhat sa akin.

"C-caious..." Mahina kong usal. Isang tipid na ngiti ang isinukli niya sa akin.
"S-saan mo ako dadalhin? May trabaho pa ako." Mahina kong patuloy dahil medyo mabigat ang pakiramdam ko. Parang lalagnatin pa ako at medyo nahihilo din ako.

"Just sleep, baby. I'll take you home. Close your eyes and sleep now." Magaan na sabi nito at hindi ko napigilan ang sarili na isubsob ang mukha ko sa leeg niya. Siniksik ko ang mukha dahil sa hiya na pinagtitinginan kami ng madadaanan namin. Palabas na kami sa exit.

Mabilis akong nakatulog at pagmulat ng mga mata ko ay may liwanag na. Sumisinaag na ang haring araw sa bintana ko na saglit kong kinapikit. Pero magaan na ang pakiramdam ko. Pero otomatic nabaling ang tingin ko sa taong nakasiksik sa leeg ko.

Nang makita si Carious na himbing natutulog sa tabi ko ay napahinga ako ng maluwag. I smile while staring at his peaceful face. Parang maamong bata sa pagka-inosente ang natutulog na postura nito. Napahaplos ako sa maitim at makapal nitong buhok, sobrang lambot nito at mabango. Napakatangos talaga ng ilong nito, halatang may lahi e. Mapula ang labi, madipina ang panga, makakapal ang mga kilay at mahahaba ang pilik mata nito, bagay sa mga mata nito.

Bumaba sa braso nito ang palad ko at pinaraanan ang linya ng mga ugat nito. Matipuno ang perpekto nitong mga balikat, mas napalunok ako nang makita ang magkabilang dibdib nito na mamula-mula. May mga marka pa akong naiwan doon. Sarap ulit iyon kagatin at sipsipin———

Oh my gosh!.. Jusko! Ano itong naglalarong landi sa utak ko!

Sa taranta ko at pagkagulat ay sinapak ko ng malakas ang balikat nito dahilan para bumalikwas ito ng bangon sa pagkagulat.

"Who the fucking punch m——— Baby? H-hey!.. Bakit ka umiiyak?" Taranta ito nang makita ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"E-eh... N-nagmumura ka sa akin eh! N-nakakatakot ka!.. Umalis ka dito!.." Tuluyan na akong napahikbi na agad naman pagyakap ni Caious sa akin. Alam kong nanginginig ako sa takot at dama ko din ang malakas na kabog ng dibdib nito. Katulad ng sa akin.

Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon