MANDIE'S POVS:
"A-aray!.. Dahan-dahan naman!" Sita kong sermon kay Trich habang nilalagyan ng band-aid ang likod ko.
"Ayan! Saan ka kase lupalop ng mundo napadpad kagabi at may sugat ka. Pinag-alala mo kami kakahanap sa iyo kung hindi ka tumawag nitong umaga! Saan ka ba nagpunta? Oh my god!! Huwag mong sabihin na nakipagtalik ka sa kung kanino lang, Mandie Cruise!!"
Malutong na sigaw nito na kinangiwi ko at lalong dumagdag sa hilong nararamdaman ko.
"Kailangan talagang sumigaw? Lalo mong dinagdagan ang hilo ko." Suway ko at nahilot pa ang noo ko. Maigi naman ako nitong tinitigan habang nakapameywang sa harap ko. Nakasandal ako sa kama niya habang nakatayo naman ito.
Dahil sa pagmamadali ko kanina na umalis sa lugar na iyon ay nasagi ng likod ko ang nakausling pako sa may pinto nito. Paggising ko kanina ay mag-isa na lang ako na hubo't hubad sa ibabaw ng kama. Huli na nun nang marealize kong nakipagtalik ako sa isang lalaki na hindi ko kilala.
"I'm not satisfied, but thanks for the night."
Naiwang note nun sa bedside table nito. Kaya siguro sinabi nito iyon dahil hindi natuloy ang pagtatalik namin sa kalagitnaan ng kasarapan nun dahil nang akma na ako nitong pasukin ay doon naman ako nagsusuka, pati katawan nito ay nasukahan ko kaya ayon... Hindi natuloy ang sex namin.
Pero kahit lasing ako nun ay tandang-tanda ko pa kung paano sambahin ng mga labi nito ang katawan ko. Kung paano ako umungol sa mga labi at haplos nito sa katawan ko. Nagbilin pa nga ng marka sa balat ko, marami kaseng kissed mark.
Ang he's really big and long!
"Hoy, Mandie!! Bakit namumula ka diyan?! Huwag mong sabihin na tuluyan mo nang isinuko ang bataan mo?!" Sunod-sunod na hiyaw nitong si Trich na nagpangiwi na naman sa akin. Takip na nga ang mga tenga ko.
"Pwede ba pakizipper ng bunganga mo? Dinadagdagan mo ang hilo ko. Manahimik pa pwede?" Irita kong saad sabay higa at talukbong ng kumot. Panay naman ang bunganga nito sa panenermon sa akin.
Sa tatlong mga kaibigan ko ay si Trich ang pinakamalapit sa akin. Parang ate kung manermon sa akin. Pero masaya ako dahil nag-aalala siya sa akin at pakiramdam ko ay may kakampi ako sa katauhan niya. She's over protective kung ako ang pag-uusapan.
Kaya sa kaniya ako tumawag kanina na magpasundo at dito tumuloy sa unit niya. Nalaman ko kase na pati ang isang condo unit ko ay kinuha din ni Dad, pati kotse ko na naiwan sa bar ay kinuha din nito. Kaya heto ako walang mauuwian, walang magulang, walang pamilya na matatakbuhan.
Tanging si Trich na lang ang matatakbuhan ko. Nagpapasalamat ako sa kaniya kaya mahal na mahal ko ang best friend kong ito. Kasama ko sa lahat ng kalokohan ko noong elementary hanggang grumaduate kami ng kolehiyo.
Iisang course lang din ang kinuha namin. Nursing. Kahit ayaw ni Dad sa course ko dahil gusto nito ang Business sana na kurso ay hindi ako nagpatinag sa nais nito. Si Trich ay nurse sa isang kilalang hospital habang ako naman ay tamad na mag-apply, kahit nakapasa naman ako sa Examination for Nursing.
Gusto ko kaseng pagpahingain muna ang sarili ko sa ilang taon kong pag-aaral na wala naman palang silbi dahil sa mga magulang ko na hindi yata proud na nakatapos ang anak nila sa kolehiyo. Parang wala lang na nakatapos ako ng pag-aaral.
Naiinggit ako noon sa mga batchmates ko na proud na proud sa kanila ang mga magulang nila dahil nakapagtapos sila ng pag-aaral, habang ako ay nag-iisa. Dumating nga noon si Dad pero tapos na ang seremonya. Pampakita lang ng sarili na dumating siya at may pa-bouquet pang pera na iniabot sa akin, pero ang totoo ay pakitang tao lang nito sa maganda nitong imahe.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor
RomanceHUNSTMAN 3rd GEN. SERIES CAIOUS HUNSTMAN Mandie Cruise is the daughter of a mayor, known as a spoiled brat daughter. Laman din ng bar gabi-gabi, kaya naman pinutol na ng ama niya ang laman ng credit card niya dahilan para humantong sa pagtatakwilan...