MANDIE'S POVS:
"Thanks sa masarap mong luto at nabusog ako, asawa ko." Kampanteng sabi nito habang cool na namang nakahilig sa sofa habang nanonood ng tv. Ang kapal talaga ng pagmumukha.
Habang ako naman ay hindi na maipinta ang mukha at kanina pa nanggagalaiti sa mga kataga nito, lalo ang katagang asawa ko na pumantig talaga sa tenga ko.
"Pwede ba Mister umalis ka na at ibigay ang kwintas ko? Kanina ka pa ah at napupuno na ako. Kung hindi ako makatiis ay ipapapulis na kita!" Banta ko pero hindi man lang ito natinag, bagkus ay ngumisi lang.
"I'm Caious, not Mister." Pagdiin pa talaga nito sa katagang ginamit ko.
"Okay Mister Caious, pwede ba umalis ka na? Hindi ito ang bahay ko at nakikitira lang ako kaya ayaw ko sana na may ibang tao ang nakapasok dito dahil magagalit ang kaibigan ko." Muli kong pagbanta sabay turo ko ng pinto na sinasabing umalis na ito.
Tumayo naman ito at akala ko ay lalabas na ito ng pinto pero napaatras ako nang humakbang ito palapit sa akin. Dahil sa sunod-sunod na pag-atras ko ay nakorner ako nito sa pinto. Akma akong lalayo nang dumantay ang isang braso nito sa gilid ko patukod sa pinto.
"Pinapaalis mo na ako?" Bulong nito at hindi ko naman maiangat ang mukha ko dahil sa lapit ng mukha nito at tumatama ang hininga nito.
"Yes." Nag-angat na ako ng tingin at gahibla na lang nga ang lapit ng mga mukha namin, kay init ng hininga nito na tumatama sa pisngi ko.
"Pero gusto pa kitang makita at makasama." Saad pa nito sabay hawak ng isang palad nito sa baba ko.
"Ayokong masabunutan ng fiance mo. Ayokong makipag-away sa fiance mo." Nakipagtitigan ako dito.
"Pero ikaw ang Asawa ko." Paggiit na naman nito sa katagang iyon.
"Pinanghahawakan mo na talaga ang walang kwentang biro na iyon?" Pagkontra ko. Seryoso naman itong nakatitig sa mga mata ko.
"Nanggaling mismo sa labi mo kaya panghahawakan ko iyon, Asawa ko."
Ayan na naman ito sa kataga nito."Binibiro lang nga kita. Hindi mo ba alam ang salitang iyon? Gusto mo ipatindi ko pa sa iyo? Diba may fiance ka? Kaya iyon ang asawa mo." Pagdiin ko ng husto sa huling salita ko.
Pero wala pa din talaga itong reaksyon dahil napakaseryoso lang nito habang nakatitig sa akin, lumilihis pa iyon sa labi ko kapag bumubuka ito na kinailang ko.
"Pinapanghawakan ko ang biro mo." Saad pa nito saka marahan na pinisil ang baba ko. Pilit kong iiwas ang mukha ko pero hindi ko magawa sa hawak nito sa baba ko.
"Pwes! Bahala ka sa buhay m——" Nanlaki naman ang mga mata ko nang halikan nito ang labi ko.
Dumapo ang palad nito sa ulo ko at gumapang sa beywang ko ang isa kaya mas lalong nadiin ang katawan ko sa kaniya. Napaungol ako nang tuluyan makapasok ang dila nito sa bibig ko at naglumikot doon na may kasamang sipsip at kagat and dila ko.
"H-hmmpp!.." Ungol na pagpumiglas ko pero isinandal pa niya ako sa pinto para mapadaing ako sa konting kirot ng likod ko. "H-hmp!.."
Ang palad nito ay dumapo sa pang-upo ko at pinisil iyon na lalo kong kinaungol. Gumapang na din ang bibig nito sa tenga ko at kinagt nito iyon bago lumandas sa likod ng tenga ko, muli akong napaungol habang habol ko ang paghinga.
Ngunit mas naalerto ako nang magsimulang gumapang ang palad nito sa may hita ko papasok sa maikli kong short, dahilan para mabilis kong inipit ang mga hita ko kaya naipit doon ang palad nito. Muntik na iyon makapasok sa short ko.
"I already seen all of you, baby." Naunukso ang tingin nito na agad ko naman pinandilatan.
"Pwes, hindi ako lasing at hindi ko na hahayaan na makita mo ako sa ganoong ayos." Pagkontra ko at pilit na tinabig ang nakaipit nitong palad sa may hita ko.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor
RomanceHUNSTMAN 3rd GEN. SERIES CAIOUS HUNSTMAN Mandie Cruise is the daughter of a mayor, known as a spoiled brat daughter. Laman din ng bar gabi-gabi, kaya naman pinutol na ng ama niya ang laman ng credit card niya dahilan para humantong sa pagtatakwilan...