Kabanata 6 - Nakasalo

3.4K 89 2
                                    

MANDIE'S POVS:

"Aray!.." Hiyaw ni Trich nang matamaan ito ng wisik ng mantica habang kaharap nito ang kawali. "Pesteng Lumpia ka! Dudungisan mo pa ang makinis kong face!"

Duro pa nito sa pinipritong Lumpia na sinasalang nito lahat sa kawali na may kumukulong mantica.

"Isa-isahin mo muna kase para hindi ka matalsikan." Payo ko naman habang umiiling na pinagpatuloy ang paghahalo ko naman ng sauce ng spaghetti. Malapit na itong maluto. Hindi naman mahirap lutuin ito dahil nakuha ko agad ang instructions.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Brent para makitulong sa pagluluto. Nagkataon naman kase na kulang sila sa tagaluto kaya nagprisinta na kaming dalawa ni Trich. Habang Sina Sonia at Carol naman ay tumutulong sa pagdedecorate ng venue kung saan ang reception area para sa kasal. Doon sa malawak na bakuran nila ni Brent gaganapin ang reception.

Ayaw naman nilang kumuha ng catering dahil daw mapapalaki sila ng gastos kompara sa magagastos nila kung sila na lang ang gagawa, mas doble pa daw ang magagawa kaysa ang kumuha sila ng catering service.

Wedding day din kase ngayon ng kapatid nitong babae kaya isinabay na sa fiesta para isang gastuhan na lang sa mga pagkain at iba pa. Kaya nga naman abala ang lahat sa pag-aayos at pagluluto para mamaya.

"Ouch! Pesteng Lumpia ka! Umayon ka naman sa akin!" Pagmumura na nito habang nakangiwi ang mukha.

"Matuto ka ng magluto para sa future niyo ni Marky. Huwag kang aasa sa order or take-out palagi dahil masama din kung doon ka aasa lagi. Sige ka, baka ewan ka niyan dahil hindi ka marunong magluto!" Sulsol na pananakot ko na kinatingin nito sa pwesto ko.

"Che! Ikaw ba marunong? Huwag mo na nga akong takutin! Oo, sige na! Kailangan ko na ngang matutong magluto alang-alang sa future namin ni Marky!" Pagtataray pa nito sabay irap sa akin.

Napangisi at tawa na lang ako ng mahina. Ang galing kong sabihin iyon pero ako nga ay hindi din marunong magluto. Pero nang itaboy ako ni Dad ay unti-unti ko na din iyon inaaral. Kase magmula ng umalis ako ng bahay ay sarili ko na lang ang aasahan ko. Wala ng pera na kikilos sa lahat.

Mabuti din naman siguro iyon para tumayo ako sa sarili kong mga paa. Nagmulat na ang mga mata ko na hindi lahat ng bagay ay iaasa lang sa pera. Well, kung rich kid ka, edi solve na lahat ng problema.

Nangyari na ang nangyari sa akin kaya wala na akong magawa pa para ibalik iyon. Simulan ko na ang paghahanap ng trabaho para mabuhay ako at ng makahanap ng matitirhan, kahit paupahan lang. Ayoko naman na aasa lang kay Trich.

Natapos ang lahat na maayos ng nakalatag sa mahabang lamesa ang mga pagkain. Ang couple na ikakasal na lang ang hinihintay na kanina pa nandoon sa Simbahan. Sa mga oras na ito ay tiyak na patapos na din ang seremonya, tanghali naman kase.

Hanggang sa dumating na nga ang ikinasal. Sunod-sunod na nun ang parada ng mga kotse sa bakuran nila ni Brent, huling dumating ang bridal car. Nakapwesto na kami sa lamesa namin nang sunod-sunod na din ang pag-upo ng mga bisita sa nakalaan na lamesa nila.

Napatingin ako sa bride nang mangunot ang noo ko kung sino ang dalawang tao ang lumalakad sa unahan ng groom na buhat ang bride nito, in a bridal style.

Nagtama ang mga mata namin nang mapatingin ito sa gawi ko. Nagkatitigan kami ng ilang minuto at pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang tao dito. Napakurap lang ako nang may tumikhim at siko sa akin.

"Hoy!.. Kilala mo ba iyang tinititigan mo?" Bulong sa akin ni Trich na agad kong kinaiwas ng tingin.

"H-hindi..." Tanging nasabi ko at umayos ng upo. Sakto naman ang pagsalita ng emcee para sa pagkakasunod ng events ng reception.

Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon