Kabanata 15 - Pumapag-ibig

3.2K 94 1
                                    

Caious - (Keyos)

CAIOUS' POV'S:

"Coz! Para kang sira diyan na ngumingisi ng mag-isa! May magandang nangyari ba kung kaya't nagkakaganito ka? Dali, talk to me!" Pagsuntok sa braso ko na utos sa akin ni Condor, ang pinsan ko habang kaharap ko ito ngayon.

He is uncle Conan's son. The 3rd in the triplets. Barumbado ito at maloko kaya naman laging kainitan ni uncle Conan sa bahay nila. Tsaka lagi din itong napapasubo sa away sa bar.

Nandito kami sa loob ng opisina ko at bumisita ito para asarin na naman ang inosente kong secretary. He loves to annoy my new secretary and I know that he likes her. Isang buwan palang ang secretary ko ay mahigit isang linggo na nitong inaasar, para lang mapansin ng 'Nerd' kong secretary na palagi naman naaasar. Binaliw ba naman nito ang pinsan kong barumbado kaya ewan na lang.

"Secret." Tanging nasabi ko bago ito kinunutan ng noo. "And why are you here at this early time?"

Lumapad ang pagkakangisi nito sabay tingin nito sa labas ng opisina ko kung saan nakatable ang secretary ko.

"Alam mo naman Coz na nandito ang pakay ko kaya ako nandito ng maaga kase igigreat ko pa. Hayaan mo na ako dahil hindi mo naman ako mapapaalis." Sabi nito at ibinalik na ang tingin sa akin. Napailing lang ako.

"Bukas na ang kaarawan ni Lolo Colorado. Ano, pupunta ka? You should because he wants to see us all." Pag-iiba ko ng usapan. Napatango naman ito.

"Oo naman. Pero isama mo si Karen, coz. Dahil kung ako ay ayaw niyang sumama pero kung utusan mo ay papayag iyon." Pagngisi na naman nito pero sumersyoso din. "Gusto ko kase siyang ipakilala kay Lolo."

"You talk to her. I have with my wife. Baka magselos iyon na may kasama akong ibang babae." Bigla itong natawa sa sinabi ko.

"Iyong fiance mo ba na masama ang ugali at parang malandi——oh! Sorry for my bad words, but that's what I feel on her." Pagtikhim nito at umayos ng upo nang makita ang seryoso kong mukha. "I said, I'm sorry Coz."

"It's not her."

"Oh? Really? Then, good for you. It's true that I don't like her, coz." Walang paligoy-ligoy na turan nito. "Even Tito Conrad and Tita Heresa aren't liking her too because of her attitude. Buti naman at nagkamalay ka na pakasalan ito, coz." Patuloy nito.

Ramdam ko naman na ayaw nila sa fiance ko noon pero dahil gusto ko ito ay hindi nila ako kinompronta. Ayaw nila na masaktan ako kung sabihin iyon ng harapan kaya nanahimik sila.

But I should be thankful to Heriese, my sister for bringing me on that bar. Because of her, I've met my woman. The woman whose name is Mandie. The woman who made my heart beat flustered. The woman who stole everything from me. My heart, body and soul are being robbed by her.

"I am, coz. I am thankful that Mandie came to me." Nakangiting sabi ko. Tumango naman ito at napangisi din na tinapik pa ang balikat ko.

"May bago na bang miyembro ng pamilya natin ang paparating?"

Nangunot ang noo ko sa pinapahiwatig nito pero nang matanto kung ano iyon ay napangisi na lang ako bago sumandal sa upuan ko habang iniisip ko si Mandie.

"Mahirap paamuhin e, pero pasasaan ba at makukuha ko din siya. Magtitiis muna ako sa pagsusuplada niya dahil malapit ko na din siyang makuha. I can see that on her reaction when I'm kissing her or near with her."

Kwento ko habang inaalala ang reaksyon niya kanina. Hinatid ko lang siya sa apartment niya bago ako umalis nun. Ayoko man sana na ewan siya at gustong makasama pa ay hindi maaari dahil nais ko din na magpahinga siya dahil alam kong pagod iyon sa trabaho niya.

Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon