MANDIE'S POVS:
"Nagsex na naman kayo ng boyfriend mo." Walang preno kong sabi na agad kinalaki ng mga mata nito sabay lapit at takip sa bibig ko.
"Hoy, beshy! Ang ingay mo!" Suway nito na kinangisi ko naman dahil sa pamumula ng mukha nito at dahil ang ingay nila kagabi na hindi na ako makatulog ng maayos.
Well, bumabawi lang din ako sa panunukso nito sa akin kanina kaya patas lang kaming dalawa. Mabilis kong kinuha ang kamay nito sa bibig ko at nginisihan pa talaga ito.
"Mas maingay kayo kanina. Sarap na sarap ka talaga sa tukaan niyong dalawa ah!" Pang-aasar ko pa. Mabilis pa akong nakalayo sa akma nitong pagsabunot sa buhok ko.
"I hate you, beshy! Makikita mo may araw ka din!" Inis ng sabi nito na kinatawa ko ng mahina, ganun din sina Sonia at Carol na umiiling na lang habang naglilibot kami dito sa bayan.
Napuno ng iba't-ibang makukulay na ilaw ang bawat lugar na sinamahan pa ng masigabong awitin kung saan nagsasayaw na doon ang karamihan sa mga bisita. Nasa loob iyon ng auditorium sa di-kalayuan. Nagkalat din ang mga paninda sa gilid, mga kainan at iba pang paninda.
"Beshy! Sandali at bumili muna tayo nito!" Paghila sa akin ni Trich sa isang souvenir shop. Iba't-ibang klase ng kwintas at polceras ang nakadisplay.
"Mga Miss, bili na kayo. Pwede niyo ding lagyan ng mga pangalan niyo para souvenir sa isa't-isa." Sabi sa amin ng tindero.
"Oh, gusto ko iyan!" Pagkuha ni Trich sa apat na kwintas na silver na heart shape ang disenyo."Kuya, palagyan ng name namin!"
Pagbigay nito sa tindero na kinuha naman at naupo ulit para ukitan ang kwintas, matapos isulat ni Trich sa papel ang mga pangalan namin.
"Oh, ito ang sa iyo, beshy!" Paglahad niya na kinuha ko naman. Napangiti ako saka isinuot iyon.
"Thanks." Masarap pala isuot ang kwintas dahil libre nito. Bumalik na kaming dalawa sa grupo at binigay naman kila Sonia ang kwintas nila habang sa mga lalaki naman ay bracelet na gawa sa yarn, may naukit na pangalan din nila at ang cool ng design doon. Bagay sa kanila.
Pumunta na kami sa auditorium kung saan kumikinang ang mga ilaw, may events nang nagaganap doon kaya wala ng nagsasayawan doon. Beauty pageant ang kasalukuyang event kaya mas punuan ang mga lalaking nanonood dahil magaganda naman ang mga contestants.
"Trich... Banyo lang ako." Bulong ko sa kaniya na tinanguan naman nito.
"Mag-iingat ka. Dito lang kami." Sagot nito na kinatango ko din at lumakad na. Hinanap ko na lang ang banyo at dahil siksikan ang mga tao ay lumabas na lang ako para maghanap ng banyo. Ihing-ihi na kase ako.
Napangiti ako nang makahanap ako sa loob ng plaza. Pumasok ako sa loob saka nag-ayos na din ako ng sarili. Nasa bungad na ako nang pinto at palabas na nang bigla naman may bumunggo sa akin na babae na papasok naman sa loob.
"Shit! Watch your way!" Galit na boses nito sa likod ko. Nanlilisik ang mga mata nitong hinarap ito habang hawak ko ang brasong medyo namanhid sa pagkakabunggo nito.
"Excuse me?" Taas kilay na sabi ko.
"Watch your way! Bulag ka ba at haharang-harang sa pinto?" Pagtaas din ng kilay nito. Kumulo ang dugo ko sa pinapakita nito na ako pa ang may kasalanan at hindi ko gusto ang tabas ng dila nito.
"Ikaw ang bulag dahil hindi mo nakita na palabas ako at bigla ka na lang susulpot sa pinto na akala mong walang tao sa daan. Watch your way!" Katumbas ng pagsusuplada nito ang inasal ko. Mas maldita ako kompara sa retokadang bruha na ito.
"How dare you———argh!" Daing nito nang mahawakan ko ang kamay nitong akma akong sasampalin.
"Hindi mo alam kung sino ang kinakausap mo kaya huwag mo akong maduro!"
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor
RomanceHUNSTMAN 3rd GEN. SERIES CAIOUS HUNSTMAN Mandie Cruise is the daughter of a mayor, known as a spoiled brat daughter. Laman din ng bar gabi-gabi, kaya naman pinutol na ng ama niya ang laman ng credit card niya dahilan para humantong sa pagtatakwilan...