Kabanata 40 - Patawarin

3.5K 81 3
                                    

MANDIE'S POV'S:

"Don't be scared, I'm here whatever happened." Magaan na sabi ni Caious habang pinipisil ang mga palad ko.

Nandito kase kami ng bahay para makipag-usap ng maayos sa parents ko. Mahigit anim na buwan din ang lumipas nang mapagdesisyunan kong lumayas sa bahay na ito. Ang daming nangyari sa loob ng mga buwan na iyon, at ang pinakamagandang nangyari ay nahanap ko sa isang lalake, a happiness with the man I love. Kay Caious Hunstman.

"Caious, salamat dahil sinamahan mo ako. Hindi ko kase alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nakita ang mga magulang ko." Saad ko habang pilit na tinatago ang kaba sa dibdib ko. Nanlalamig na nga ang mga palad ko sa kaba. I hope everything will be okay between me and my parents. Gusto ko na kaseng magkaayos kaming pamilya, salamat din kay Caious na laging sumusuporta sa akin.

"They're here." Bulong ni Caious kaya napaayos ako ng upo nang matanawan ang mga magulang ko na pumapanaog sa hagdan. "Good morning, Sir and Madam." Magalang na bati niya sa mga magulang ko na tumayo at yumuko habang ako naman ay nakaupo dahil malaki na din ang tiyan ko.

"Magandang umaga din sa iyo, Hijo, Hija." Si Dad na bukas ang pagkakangiti kay Caious bago tumingin sa akin, saka dumako ang tingin nito sa tiyan ko. "Oh, magiging Lolo na ba ako, anak?" Nagningning pa ang mga mata nito.

Naninibago ako ngayon sa pinapakita niyang ugali. Nitong mga nakaraang buwan ay ilang ulit siyang tumatawag sa akin pero hindi ko sinasagot, miski si Mommy ay ganun din pero dedma ako. Galit pa din kase ako sa kanila nun kaya ayoko munang may koneksyon o ang kausapin sila.

Sa tulong ni Caious ay napapayag niya akong harapin ngayon ang mga magulang ko. I want peace and also forgiveness for each of us.

"Mom... Dad..." Tumayo ako at mabilis naman umalalay si Caious. "H-how are you both? I-im miss our home." Mahina kong patuloy at nagbabadya na ang mga luha sa mata ko.

Agad napalapit si Mommy saka hinawakan ang dalawang palad ko na alam kong nanlalamig sa kaba.

"Anak... We miss you too. Miss na miss ka din namin ng Daddy mo. P-patawarin mo kami anak kung nagkulang kami sa pagmamahal at pag-aaruga sa iyo bilang mga magulang mo. Sana mapatawad mo pa kami at bigyan ng pagkakataon na ipakita sa iyo kung gaano kami nagsisisi at kung gaano ka namin kamahal ng Daddy mo. Patawad anak!" Garalgal ang boses ni Mom at ramdam ko naman sa tono ng boses nito ang sincere niyang paghingi ng tawad. Pigil na pigil ang mga luha ko.

"Anak, patawadin mo din ako kung pinagbuhatan kita ng kamay noon at pinagsalitaan ng masama. Sising-sisi din ako noong ipinagkasundo kitang ipakasal sa taong hindi mo kilala at mahal na muntik mo pang ikapahamak sa taong iyon. Patawarin mo ako anak sa lahat ng pagkukulang ko bilang ama mo. Oo, humihingi kami ng ikalawang pagkakataon sa iyo, anak. Mahal na mahal ka namin ng Mommy mo!" Pulang-pula na ang mga mata ni Daddy sa pinipigilan niyang mapaluha.

Wala ng pagdadalawang isip na tumango ako sabay yapos sa kanilang dalawa. Doon ay tuluyan na kaming napaiyak na tatlo. Magaan sa pakiramdam ko habang yakap ako ng mga magulang ko, I've never felt this way before, this kind of happiness and peace of mind.

"Opo, sorry din po kung lagi ko kayong sinusuway noon. Mahal na mahal ko din po kayo, Mommy, Daddy!" Kumalas sila at parehong pinunasan ng mga palad nila ang luha ko sa mata, napapangiti ako sa saya.

"Kami din anak pero huwag na natin balikan ang mga pangyayaring iyon, maging silbi na lang na aral sa atin ang mga kamaliang iyon para ibago at pagtuunan ng pansin ang ngayon sa ikalawang pagkakataon na maging mabuting mga magulang sa iyo, anak." Si Mommy at tumango ako sabay tingin kay Caious at nilahad ang palad ko na agad naman niyang pinagsiklop ang mga palad namin.

Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon