Chapter 2

122 14 0
                                    

-punishment

SOPHENE

Nagdi-discuss ang Professor namin sa math nguni't hindi pumapasok sa isip ko ang itinuturo nya ngayon. Nag-iisip pa ako kung ano ang gagawin sa'kin ni Zadeo mamaya pag-uwi ko dahil nakita nya kanina kung paano ako akbayan ni Rocky.

Nakita ba talaga ni zadeo kanina ang nangyari o namamalik mata lang ako? Hayyyst! naguguluhan na talaga ako! Ano na ang gagawin ko mamaya pag-uwi ko?

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang may tumapik sa balikat ko. "Ano ba 'yan Minnie!" Pagtataray ko sa kaibigan ko.

Napalabi sya. "Bakit parang lutang ka ngayon?" Tanong nya sa'kin.

"Huh? Hindi ah... Baka ikaw 'yon." Sagot ko dito.

Tinaas nya ang kilay niya. "Hmm? Sure ka?" Hindi ako nakasagot dahil tinawag kami ng professor namin.

"Miss Ulysses and miss Velasquez. Are you with us?" Napalingon lahat ng kaklase namin dahil sa tanong ng Professor namin.

Tumayo kami ni minnie at humingi ng tawad sa hindi namin pakikinig.

"Sorry po, Professor." Paghingi ko ng tawad at ganon din ang ginawa ni minnie.

"Okay maupo na kayo, don't ever do that again especially in my class understood?" Saad ng Professor namin.

Tumango kaming dalawa ni minnie at binigyan ko sya ng masamang tingin. Mahina syang tumawa, mapang-asar talaga si Minnie. Walang pinag-pipiliang lugar ang isang 'to.

____

Natapos na ang klase namin sa umaga kaya pinuntahan ako ng mga kaibigan ko mula sa ibang section. Siguro iwasan ko muna sila dahil gagala na naman sila at ayaw kong maparusahan mamaya.

"What's up Sophene?" Bati sa'kin ni Lander.

"Mukhang nagmamadali yata si Sophene oh..." Natatawang saad ni Alice.

Silang dalawa ay ang mga kaibigan namin, kaso hindi namin sila kaklase dahil magkaiba kami ng piniling course. Pero kahit nasa first floor ang kanilang klase at ang amin naman ah nasa third floor, parati nila ako dito pinupuntahan para gumala kaya dapat iwasan ko muna sila ngayon dahil uuwi ako.

"Ahh pasensya na guys ah? Pero uuwi muna ako dahil--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang akbayan na naman ako ni Rocky.

Mabilis kong inalis ang kamay nya. "Rocky pwedi ba tigil tigilan mo na kakaakbay sa'kin?" Pagtataray ko dito sabay lakad papalabas ng room namin.

"Hala ka, Rocky! binadtrip mo sya!" Rinig kong pang-aasar ni Lander kay Rocky.

Bababa na sana ako sa hagdan nang tawagin nila akong apat. "Hoy girl hintayin mo kami, ayaw mo bang mag-study tayo?" Paghahabol sa'kin ni Minnie at nakasunod sakanya ang tatlo.

Tumigil ako at lumingon sakanila. "Hindi ako sasama. Alam ko naman na ibang study ang tinutukoy niyo eh." Saad ko sakanya.

Umiling silang apat. "No, mag s-study talaga tayo, 'diba mag e-exam tayo this coming monday? Kung ayaw mong pumasa idi wag." Pagtataray ni Alice sa'kin.

Lumapit sa'kin si Minnie at hinawakan ang kamay ko. "Trust us, kilala mo naman kami hindi ba? Hindi ba guys?" Tumango silang tatlo

"Tignan mo papayag na 'yan..." Saad nilang apat.

Kung sasama ako sakanila, malalagot na naman ako kay zadeo at sasabihin na naman nya na sumama ako sa ibang lalaki. Argh! Bahala na, sasabihin ko nalang sakanya mamaya na nag-study kami ng mga kaklase ko.

Forced To Marry An Abusive And Jealousy Mafia Boss (Under Revision)Where stories live. Discover now