-jealous
•SOPHENE•
"What's with that face? Why are you keep staring at me?" Kinurot ko ang aking kanang kamay nang mahuli na naman ako ni Zadeo na nakatitig sakanya.
Pauwi na kami ngunit 'di ko maintindihan ang aking sarili kong bakit ako nakatitig sa kanya.
"Hindi kita tinititigan." Sagot ko sabay iwas ng tingin.
Hindi ko talaga alam, bakit nahulog ako sa kanya nang makita ko kung paano sya naawa sa mag-amang pulubi kanina sa labas ng KFC. Unti unti ko din nare-realize na may maganda din pala s'yang kalooban.
Sa paraan lang ng pagtulong nya sa pulubi kanina, 'di ko na namalayan na nahuhulog na pala ako sakanya.
I'm already fall inlove with him, that's my final answer. But I have to lie, I won't admit my feelings for you, Zadeo.
Biglang nag-ring ang phone ni Zadeo. "Hello Kaycee?" Kumunot ang noo ko sa narinig.
Sino kaya ang babaeng 'yan?
"Are you free today? Pumunta ka sa bahay ngayon ah?" Sabi ng babae.
Huh? Anong pumunta sa bahay? Posible kayang girlfriend 'yon ni Zadeo?
"Okay. Wait for me there." Sagot naman ni Zadeo na ikinalaki ng mga mata ko.
Pinatay na ni Zadeo ang tawag habang ako ay nanatiling nakatingin sa labas ng bintana habang iniisip kung sino ba ang babaeng 'yon.
Hindi ko din naman maaaring itanong 'yon kay Zadeo dahil alam kong magagalit na naman sya. Hindi kami close kaya hindi dapat ako maki-alam sakanila.
Walang nag-iimikan sa amin ni Zadeo hanggang sa makarating kami sa tapat ng mansion. Binuksan ng mga tauhan ang gate kaya agad naman ipinark ni Zadeo ang kotse sa loob.
Nang mai-park na nya ito, lumabas na ako ng kotse at hindi na hinintay na pagbuksan pa nya ako dahil alam kong hindi nya 'yon gagawin.
May date yata sila ng Kaycee na 'yon kaya dapat 'di ko na sya abalahin pa.
"Sophene?" Tawag nya sa'kin nang nasa harapan na ako ng pinto.
Lumingon ako sakanya at hindi ipinahalata ang aking nararamdaman. "Oh ano 'yon?"
"I have some important place to visit. Magpalit ka na ng damit mo baka ubohin ka." Saad nya.
Sus! Kunware nag-aalala pero may date namang pupuntahan!
Binigyan ko sya ng pekeng ngiti. "Okay then. Pasok na ako?" Sabi ko sabay pasok at hindi na hinintay ang sasabihin nya.
Nang makapasok ako, napanganga ako nang makitang maraming naayus sa loob ng bahay. Ang living room na nasira no'ng nagbabarilan sila, ang mga glass wall, mga bintana, at pati na rin ang nabasag na vase ay napalitan ng bago.
"Oh nandito kana pala--"
"Ah sino ka!" Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko at si manang Linda lang pala ito.
Napahawak ako sa dibdib ko. "Ikaw lang pala, manang. Kumusta ka na?"
Kinurot nya ang baiwang ko. "Ayos lang ako. Ikaw nga dapat tanungin ko, balita ko nagkalagnat ka raw?" Sabi nya.
Umiling ako. "Ayos lang naman po ako manang. Medyo gumaling naman po ang lagnat ko. Oo nga pala, sino po ang nag repair dito sa loob?" Tanong ko.
"Pinaayos ito ni sir Zadeo sa amin habang nasa school ka pa. Madami din kaming naglinis dito, sayang kasi 'di mo sila naabutan..." Sabi nya.
YOU ARE READING
Forced To Marry An Abusive And Jealousy Mafia Boss (Under Revision)
RomanceYou think you can escape from me do you? Now let me tell you, there is no place on this earth where you can hide from me. I will find you and when I do, you'll face the consequences of your rebellious behavior. So please my love, don't ever think ab...