Chapter 16

111 8 0
                                    

-birthday party

ALZADEO

Habang nasa byahe kami, biglang nag ring ang phone ko kaya dali dali ko itong sinagot nang malaman ko kung sino 'yong tumatawag.

"Hello Kaycee?" Panimula ko.

She's Kaycee, my cousin, Eric's sister.

"Are you free today? Pumunta ka sa bahay ngayon ah?" Pagyayaya nya sa'kin.

"Okay, wait for me there." Sagot ko at ibinaba na ang tawag.

But I know what's the reason why she wants me to come, she wants me to visit Eric. And besides, I am the reason why Eric got injured 'cause I'm not around while they're battling. I'm all to blame.

Eric is my cousin and he wanted to be the part of the mafia too. His father and mine are siblings but they're on the same rank as a mafia's. However, his father died first when Eric was only 3 years old because enemies abducted him.

My father is the only one left as a mafia and he told me that when I reached 20, I should take the responsibility as a mafia boss too.

Noong namatay sya kasama si mama, napunta sa'kin lahat ng kayamanan nya pati na rin ang position bilang isang mafia boss ay nailipat sa'kin.

Kaya ngayon, masaya na si Eric kahit assistant ko lang sya. Hindi ko ginusto na isali sya sa organisasyong kinalalagyan ko dahil ayaw kong mapahamak sya, ngunit mapilitin sya kaya pinagbigyan ko.

Napabuntong hininga ako at kinalimutan nalang ang pangyayari, kailangan kong mag-focus sa daan para maiuwi na ng maaga si Sophene.

Hindi nagtagal, dumating na kami sa harapan ng mansion ngunit hindi sa'kin tumitingin si Sophene. Hindi ko nalang pinansin 'yon at ipinark nalang muna ang kotse sa loob.

Nagmadaling lumabas si Sophene kaya may pagkakataon ako para magpaalam muna sakanya. "Sophene?" Tawag ko dahilan para mapalingon sya.

"Oh ano 'yon?"

"I have some important place to visit. Magpalit ka na ng damit mo baka ubohin ka." Damn! Bakit parang nag-aalala ako sakanya?

Ngumiti sya. "Okay then. Pasok na ako?" Magsasalita na sana ako ngunit tuluyan na s'yang nakapasok sa loob.

I sighed as I approached one of my man. "Bantayan n'yo si Sophene, huwag na naman kayo magpapapasok ng mga kalaban dito maliwanag?" Bilin ko sa isa kong tauhan na dumaan.

"Opo boss." Tipid nyang sagot.

Pumasok ulit ako sa aking kotse at agad pinaandar ito. Pupunta ako sa bahay nila Eric para makita ko kung ayos lang ba ang kalagayan nya.

_____

"Oh Zadeo, nandito ka na pala." Bati sa'kin ni Kaycee.

"Kumusta pakiramdam ni Eric?" Nag-aalalang tanong ko sakanya.

Tumango sya. "Ayos lang naman sya, gusto ka nya daw makita kaya pinapapunta kita dito. Ang tagal mo naman sira-- aray!" Ginulo ko ang buhok nya.

Ganito ang nakasanayan namin simula bata, ang mag-asaran. Kakaiba 'tong si Kaycee, mas malapit sya sa'kin kumpara kay Eric. Simula bata, kapag wala si Eric ay sya ang nagiging kalaro ko. Pero ngayong may asawa na sya, bihira lang sya bumibisita dito sa bahay nila dahil doon sya nakatira sa asawa nya sa France.

"Hindi na tayo bata, kung makagulo ng buhok akala mo ikaw gumawa ng hairstyle ko!" Pagmamaktol nya na parang bata.

Tumawa ako. "Bahala ka nga d'yan, nasaan si Eric? H'wag mong sabihing nakakulong na naman sya sa kwarto nya?" Patanong na saad ko.

Forced To Marry An Abusive And Jealousy Mafia Boss (Under Revision)Where stories live. Discover now