Chapter 13

89 8 0
                                    

-under attack

•SOPHENE•

Nakahiga ako ngayon, ginagamot ng doctor na gumamot sakit no'ng nakaraang araw. Sinabi ko din sakanya na okay lang ako at hindi na kailangan na gamotin pa nya ako pero si Zadeo daw ang nagsabi na ipagamot ako.

"Magpahinga ka na muna." Ani sa'kin ng doctor at ngumiti.

Sinunod ko naman ang sinabi nya kaya nanatili akong nakahiga sa kama habang inaayos nya ang aking dextrose sa kamay. Medyo nakakaramdam ako ng sakit pero hindi ako nag react, baka mapagsabihan pa ako ng oa.

Binalot kami ng katahimikan kaya hindi ako nagdalawang isip na simulan ang usapan.

"Ah, you're Kate right?" Pagsisimula ko.

Tumango sya. "Yes I am." Napatingin sya sa kanyang name tag. "Siguro pinag-uusapan n'yo ako ni Zadeo 'no?" Saad nya na ikina-iling ko.

"H-hindi po, ang totoo nyan... Hindi kami close ni Zadeo." Mahinang sambit ko pero sapat na 'yon para marinig nya.

"Ano ka ba, biro lang ikaw naman... Oh anyway, you have to drink this tablet para gumaan ang pakiramdam mo." Saad nya sabay bigay sa'kin ng baso ng tubig at ang gamot.

Dali dali ko naman ito kinuha at ininom. Ang totoo nyan, medyo sumasakit pa ang aking ulo dahil naulanan ako no'ng isang gabi.

"Sya nga pala... Inalagaan ka ba ni Zadeo kahapon? Pinainom ka ba nya ng gamot?" Sunod sunod na tanong nya.

Tumango naman ako. Naalala ko kung paano ako bantayan ni Zadeo kahapon at kaninang gabi, pinakain pa nga nya ako at pinainom ng gamot. Hindi ko nga alam kung trip lang ba 'yon or ano, pero wala na akong oras para alamon 'yon.

"Opo." Sagot ko.

Ngumiti sya. "Buti naman. Just tell me if he'll hurt you okay? Susumbagin ko ang lalaking 'yon." Napatawa ako sa sinabi nya at tumawa din sya.

God she's so pretty when smiling, naiinggit ako sa mukha nya dahil maganda talaga sya. Pantay ang mga ngipin, gray na gray ang kanyang mga mata at matangos din ang kanyang ilong.

"Ah kaano ano mo po ba si Zadeo? Bakit hindi ka natatakot sakanya?" Dumaan ang gulat sa mukha nya nang marinig ang tanong ko.

Itinuro nya ang kanyang sarili. "Ako? Matatakot sa lalaking 'yon? Haha! Sa akin nga takot si Zadeo eh. Pero sasagotin na kita, kapatid ko si Zadeo--"

"Po? Kapatid mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango sya. "Hmm. He's my younger brother, bakit hindi ba obvious?" Pabalik na tanong nya.

"Ngayon ko lang po nalaman na magkapatid pala kayong dalawa ni Zadeo..." Nakangiting saad ko.

Kaya pala magkapareho sila ng kulay ng mga mata. 'yon nga lang, hindi ko pa masasabi na magkamukhang magkamukha sila dahil 'di ko pa nakikita na ngumingiti si Zadeo, ito kasing si doctora ay palaging ngumingiti kaya kitang kita ang kanyang kagandahan.

"Hindi lang halata dahil maganda ako ano?" Pabirong Saad nya.

"Haha oonga po eh..." Napakamot ako sa batok ko.

Akalain mo nga naman, mapagbiro pala 'tong doctor na ito.

"How old are you, Sophene?" Tanong nya nang umopo sya sa tabi ko.

"21 po, bakit n'yo po natanong?" Pabalik na tanong ko.

Umiling sya. "Wala lang. Laki pala ng agwatan ninyo ng kapatid ko, I mean si Zadeo..."

Forced To Marry An Abusive And Jealousy Mafia Boss (Under Revision)Where stories live. Discover now