Chapter 10

100 9 0
                                    

-Lost hope

SOPHENE

Nagising ako ng gabing 'yon nang makaramdam ako ng pagkauhaw. Tumingin ako sa wall clock at napagtanto na alas nuwebe na pala ng gabi at napakatahimik ng paligid.

Napagpasyahan ko na bumaba papuntang kusina para uminom ng tubig. Habang bumababa ako sa hagdan, napapansin ko na medyo madilim ang paligid pero medyo naaaninag ko naman ang paligid.

"Tatakas ka?" Napahinto ako sa paglalakad nang madaanan ko ang living room.

Nakaupo ro'n si Zadeo, kasama ang mga tauhan nya at naglalaro sila ng baraha. Umuusok ang paligid dahil ang iba sakanila ay nagsisigarilyo at gayundin si Zadeo.

Hindi ko kasi sila napansin dahil medyo madilim ang paligid kaya hindi ko namalayan na naglalaro lang pala sila ng baraha dito sa living room.

"Tinatanong kita, tatakas ka naman ba?" Pag-uulit ni Zadeo.

Agad akong umiling. "Hindi, iinom lang ako dahil nakakaramdam ako ng pagkauhaw."

Ininom muna nya ang baso ng alak bago tumayo para lapitan ako. "Good. Umakyat ka kaagad pagkatapos mo uminom." Sabi nya sa'kin.

Medyo nalalasing na sya kung kaya't kakaiba ang boses nya ngayon. Agad akong tumalikod at pumunta na sa kusina para uminom ng tubig.

Hindi din naman matagal 'yon kaya mabilis akong umakyat papunta sa itaas ng hindi nya napapansin. Nang makapasok na ako sa kwarto, hindi ako nagdalawang isip na isara ang pintuan dahil baka may gawing masama si Zadeo, nakainom pa naman sya.

____

Maaga akong gumising ng umagang 'yon dahil gusto kong pumasok sa school ng maaga. Gaya ng nakasanayan ko, agad akong nagtungo sa banyo para maligo.

Nang matapos na ako, agad akong lumabas sa banyo para magbihis.

Mabuti naman wala si Zadeo dito sa loob dahil kung hindi, makikita na naman nya ako na naka tuwalya lang.

Nakalock din naman ang pintuan kaya imposibleng makapasok sya dito maliban nalang kung kumatok sya.

Natapos na ako magbihis kaya ni ready ko na mga gamit ko papuntang school. Nguni't bago ko mabuksan ang pintuan, nagulat ako nang malakas na kumatok si Zadeo.

"Open this goddamn door!" Dahil sa gulat ko ay mabilis ko s'yang pinagbuksan ng pinto.

"Ah Z-zadeo, ikaw pala-- aray!" Malakas nyang hinawakan ang aking pulso.

"Where the fuck are you going?" Galit na tanong nya.

"Sa school lang ako pupunta, hindi naman ako sasama sa ibang--"

"Walang lalabas." Nagulat ako sa sinabi nya.

"A-ano? Zadeo, sa school lang ako pupunta. Wala akong ibang pupuntahan at wala na si Rocky, wala kang dapat ikagalit dahil wala na sya..." Sambit ko sakanya.

"Did you fucking heard my words? Walang lalabas at hindi kita pinayagan na pumunta sa school nyo kaya dapat makinig ka sa'kin maliwanag!"

"Pero Zadeo, gusto kong mag-aral at--"

"At para makipag-landian sa ibang lalaki? Gano'n ba 'yon ha?" Ang magkabilang balikat ko na naman ang hinawakan nya.

Umiling ako. "H-hindi..."

"You're disobeying me aren't you?" Nagulat ako nang kinaladkad nya ako palabas ng kwarto.

"Zadeo saan mo'ko dadalhin?" Walang ka ide-ideyang tanong ko.

Forced To Marry An Abusive And Jealousy Mafia Boss (Under Revision)Where stories live. Discover now