Chapter 19

90 10 0
                                    

-kidnap

•SOPHENE•

Nasa kotse kami ngayon, papuntang school ngunit nanatili akong nakatulala sa labas ng bintana dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin sa akin ni Zadeo pag-uwi nya.

Hindi ko maiwasang matakot dahil alam na nya ang pagbubuntis ko ngunit hindi pa rin sya umuuwi. Isang buwan na s'yang nasa France at wala pa ring umuuwi na Zadeo pero alam ko na pag-uwi nya, hindi nya tanggap ang pagbubuntis ko at baka saktan nya ako.

Natatakot ako na baka pag-uwi nya, sasaktan nya ako at ang pinagbubuntis ko. Hinihiniling ko na sana hindi muna sya umuwi para wala nang masamang mangyari sa akin at sa anak ko. Ilang beses sa akin sinasabi nina Kate na walang mangyayari sa akin na masama dahil sigurado daw sila na tanggap ni Zadeo ang pinagbubuntis ko ngunit hindi ako naniniwala, kilala ko si Zadeo.

Napabuntong hininga ako bago hawakan ang aking t'yan. "Huwag mong takutin ang sarili mo. Trust me, he will never hurt you, he changed now..." Ani Eric.

Hindi ko pa rin sya nililingon, ayaw ko nang makipagsagutan sakanya dahil palagi nalang nyang pinagtatanggol si Zadeo. Hindi nila alam ang nararamdaman ko, palibhasa kasi magpinsan sila kaya palaging good side nalang ni Zadeo ang sinasabi nya.

"Pagpasok mo sa school, magpahinga ka. Don't stress yourself kasi hindi maganda sa kalusugan mo 'yan at ang baby mo." Giit nya.

"Oh pumasok ka na, dumating na tayo sa school n'yo."

Agad akong lumabas ng kotse nang makitang dumating na kami sa school. Hindi pa naman lumulubo ang t'yan ko pero concerned pa rin ako at natatakot ako na baka matuklasan nila na buntis ako.

"Hintayin mo ako dito mamaya, pumasok ka na." Sabi ni Eric at umalis na sya.

Naglakad na ako papunta sa building namin at hindi ko maiwasang mapayuko sa tingin ng mga tao. Hindi ko naman masasabi na nilalait nila ang t'yan ko dahil hindi pa naman lumalaki ito, hindi ko nalang pinansin 'yon at naglakad nalang patungo sa room namin.

Pagpasok ko sa room, agad akong umupo sa desk ko dahil pakiramdam ko, pagod na ako e hindi naman ako tumakbo at wala akong ginawa para ikapagod ko.

Lumapit sa akin si Minnie. "May sakit ka ba Sophene? Palagi ka nalang namumutla ah..." She asked as she placed her palm on my forehead.

Dali dali akong umiling. "H-hndi ah, i-ito lang kasi ang kulay ko, palaging namumutla." I said, my voice wistful.

"Medyo tumataba ka rin ah, ano ba ang kinakain mo? No'ng una, pumapayat ka tapos ngayon parang nadadagdagan ang timbang mo," she said.

"Ang dami mong sinasabi, syempre kumakain ako ng marami para tumaba. Umupo ka na nga lang dahil nariyan na si sir..." Agad s'yang napatingin sa front at nakita nya si sir.

Mabilis s'yang umupo sa kanyang upuan. Napatawa nalang ako ng konti bago umupo ng maigi. Hindi ko pa sinasabi may Minnie ang aking sekreto dahil nahihiya ako, baka laitin nya ako at sabihin nyang sinadya ko ang nagpabuntis Zadeo.

"Kompleto ba kayong lahat? May test tayo ngayon kaya dapat masagutan n'yo ito ng tama," our Professor prompted.

"Yes po, Sir. kompleto po kaming lahat." Our classmate responded.

Sinimulan nang ipasa sa amin ng aming Professor ang test paper at muntikan na akong matumba dahil sa nakita, wala man lang akong alam na sasagutan dito. Aaminin ko, absent ako nang ipamigay ng instructor ang ere-review namin kaya ito ako ngayon, nganga na naman sa test.

Bahala na, magta-tyamba nalang ako.

_____

"Bakit gano'n ang score mo?" Minnie asked in concern.

Forced To Marry An Abusive And Jealousy Mafia Boss (Under Revision)Where stories live. Discover now