Chapter 20

96 10 0
                                    

-romantic night

•SOPHENE•

"Guys bumili tayo ng pancake." Sabi ni Alice sa aming tatlo.

"Sige, gusto ko 'yan!" Sabi ko.

Nagkibit balikat si Minnie na parang bata. "Kakaiba ka ngayon Sophene ah, napapansin ko nagiging masigla ka na ngayon,"

Inakbayan ako ni Lander. "Syempre bumalik na ang dating Sophene natin, yay!" Natawa nalang ako sa sinabi nya.

"At dahil d'yan, bibili tayo ng maraming pancakes!" Ani Alice sabay talon na parang bata.

"Ingay n'yo, bumili na nga tayo." Sabat ko.

"Hmmp, panira ka talaga Sophene kahit kailan. Bumili na nga tayo..." Sabi ni Alice at naglakad na kami papuntang canteen para bumili.

Si Lander ang umorder at kaming tatlo ay umupo sa isang bench sa gilid ng canteen.

"Ito na nga mga pancakes n'yo, kung makautos kayo akala n'yo mga prinsesa kayo," pasimangot na sabi ni Lander.

May biglang dumating na mga grupo ng mga lalaki na nakasuot ng jersey. "Oy ayon si Lander oh, Lander?"

Biglang lumingon sakanila ang lalaki. "Ngayon na pala ang practice natin? Akala ko mamaya?" Patanong na saad ni Lander.

"Nagbago ang isip ni coach, ngayon na daw ang practice." Sabi nya sabay dribble sa kanyang bola.

Lander turned his gaze to us. "Oh paano, may practice kami sa basketball. Mag-enjoy muna kayo d'yan. Mauna na kami," sabi nya at tumalikod na para sumama sa mga team nya.

Minnie sighed. "Kawawa naman sya, hindi nya tayo naka-bonding..." She said as she took a one bite of her pancake.

Ginaya ko sya pero bigla kong nailuwa ang kinagat kong pancake.

"What happened?" Gulat na tanong ni Minnie.

"B-bakit ang baho? Anong klaseng pancake 'yan?" I said disgustingly.

"Huh?" Inamoy ni Alice ang kanya. "Wala naman ah, ano ang pinagsasabi mo d'yan? Ang arte mo naman." Sabi nya sabay kagat sa pancake nya.

Wait Sophene, sign din ba 'to ng isang buntis? Pati paborito kong pancake ay biglang bumaho sa pang-amoy ko?

"Kung ako sa'yo, kainin mo nalang 'yang pancake mo," giit nya.

_____

"Sophene pwedeng pahiram muna ng correction tape mo? Gagamitin ko kasi mamaya." Ani alice habang tinatapos ko ang aking assignment.

Wala pang guro na dumating kaya nakatambay dito si Alice, nakasanayan nya talagang magtambay dito minsan.

"Teka anong nangyayari sa'yo Sophene?" Alice startled with my sudden move.

Bigla akong napatayo dahil parang nasusuka ako, wala naman akong kinain na hindi maganda sa kalusugan ko.

"O-okay lang ako, labas muna ako ah, kunin mo correction tape ko sa loob ng bag ko..." Sabi ko sabay labas sa classroom.

Tumakbo ako patungo sa restroom dahil kung hindi, dito ako masusuka sa hallway. Nang makarating ako, agad akong pumasok sa isang cubicle at nagsuka. Gumaan ang pakiramdam ko nang matapos ako sa pagsuka.

Pinindot ko ang flash ng toilet bago lumabas pero nagulat ako nang bumungad sa aking harapan sina Alice at Minnie.

"Bakit kayo nandito?" I asked.

"Tapatin mo nga kami Sophene. Buntis ka ba? Kung kaya nagsusuka ka ngayon?" Alice asked with concern.

I shook my head. "H-hindi. Nasuka lang ako d-dahil napadami ang kain ko kanina..." My voice almost wistful.

Forced To Marry An Abusive And Jealousy Mafia Boss (Under Revision)Where stories live. Discover now