Chapter 11

112 10 0
                                    

-sick

•SOPHENE

"Where are you going?" Tanong ni Zadeo nang makababa na ako sa hagdan.

Kasama nya 'yong babaeng kausap nya no'ng nag attend kami ng isang party. Inaakbayan nya si Zadeo habang nakatingin silang dalawa sa'kin.

Napayuko ako. "Sa school lang, Zadeo."

"Ang sabi ko walang--"

"Hayaan mo sya Zadeo." Bahagya kong inangat ang aking ulo nang magsalita ang babae.

In fact, she was the only one who can stop Zadeo from being fiery.

"Hayaan mo sya sa gusto nya, hindi mo sya dapat pigilan sa kaligayahan nya." Buti pa sya, naiintindihan ako.

Lumayo ang babae kay Zadeo at nakangiting lumapit sa'kin. Alam kong bago itong kasintahan ni Zadeo pero wala akong karapatang mag selos, mas mahal pa sya ni Zadeo kaysa sa'kin at mukhang bagay naman silang dalawa.

"Pumasok ka na sa school n'yo Sophene. Huwag kang mag-alala, kakausapin ko 'tong si Zadeo kaya wala kang dapat ikatakot okay?" Sabi nya sabay ngiti sa'kin.

"Ah ma'am, bakit alam mo ang pangalan ko?" Bigla s'yang tumawa sa tanong ko.

"Of course I already know you, Zadeo used to talk--"

"Stop talking." Pagpuputol ni Zadeo.

Inilahad nya ang kanyang kamay. "I'm Jane, nice to meet you Sophene." Hindi ako nagdalawang isip na makipagkamayan sakanya.

Ang ganda nya talaga, pati ang mga ngiti nya hindi mo masasabing peke ito. Hindi mo maipagkakait na isa s'yang mabuting tao.

"Oh sya, baka ma late ka pa... Pumunta ka na sa school n'yo." Saad nya sa'kin at napatingin sya kay Zadeo.

"Oh wait, bakit hindi ko ihatid si Sophene Zadeo? Total wala ka namang gagawin 'di ba?" Dali dali akong umiling.

"Leave it to Eric, where the hell is Eric?" Tanong ni Zadeo sa dumaang tatlo nyang mga tauhan.

"Boss, pinatawag mo ba ako?" Mabilis na dumating si Eric.

"Ihatid mo si Sophene sa school." 'yon lang ang sinabi nya sa lalaki.

Nagsimula na kaming maglakad papalabas pero bigla akong tinawag ni Jane dahilan para mapalingon ako sakanya.

"Mag-iingat ka ha?" Saad nya sabay kaway sa'kin.

Tumango nalang ako at lumabas na kami ni Eric. Agad akong pumasok sa kotse nya at dito ako umopo sa backseat, hindi naman ako dapat tumabi sa front seat dahil baka magalit si Zadeo kapag nalaman nya, sasabihin na naman nya na si Eric na naman ang lalandiin ko.

Habang nasa byahe kami, hindi ko maiwasang isipin si Jane. Ang ganda nya talaga, bakit pa kailangan mag-asawa ni Zadeo kung may girlfriend naman syang maganda katulad ni Jane.

_____

ALZADEO

"Bakit kanina ka pa nakatulala d'yan? May problema ba?" Jane asked me while I'm staring at void.

Nandito kami ngayon sa secret office ko at umiinom kami ng alak. Nanatili kaming tahimik at walang nag-iimikan sa aming dalawa.

"Is it about Lucy?" Ininom ko ang isang bote ng alak nang marinig ko ang pangalan na matagal ko nang pilit kalimutan.

"Dahan dahan lang Zadeo, kalmahan mo pag-inom mo." Pag-pipigil sa'kin ni Jane.

Ibinaba ko ang bote. "Stop mentioning her name Jane, I'm trying to move on. And because I'm quite, it doesn't mean  I am thinking of her.

Forced To Marry An Abusive And Jealousy Mafia Boss (Under Revision)Where stories live. Discover now