-developed feelings
•SOPHENE•
"Get ready. Ako ang maghahatid sa'yo sa school n'yo." My jaw dropped when I heard Zadeo's words.
Dahil sa pagka excited, nagmadali akong bumangon sa kama. Nagtataka ako kung bakit sya na ngayon ang nagsasabi na mag-aral ako at sya na rin ang maghahatid sa'kin. Ngunit parang natatakot parin ako, hindi lang kay Zadeo, pati na rin sa mga tao 'pag nakita nila kami.
Bahala na, pwede namang ideny sakanila at sasabihing nakisakay lang ako sa 'di ko kakilalang lalaki, which is si Zadeo.
"You don't want to go?" Napaatras ako ng konti nang lumapit sya sa'kin.
Tumayo ako. "H-hindi... Syempre gusto ko." Sabi ko sabay takbo papunta sa banyo.
Isinara ko ang pintuan ng banyo dahil baka pumasok dito si Zadeo. Binilisan ko maligo at iniisip na baka mainip si Zadeo kakahintay sa'kin, 'di ko pa naman alam paano pakalmahin 'yon dahil hindi naman kami close.
Nang matapos na ako, sumilip ako sa labas ng pinto kng nandoon pa rin ba ang lalaking 'yon. Napahinga ako ng maluwag nang makitang wala sya doon, nagmadali akong lumabas sa banyo at nagtungo sa wardrobe para kumuha ng masusuot ko.
Nagsuot ako ng uniform at inihanda ko na din ang mga gamit ko sa school. Pagkatapos non, bumaba na ako para makita si Zadeo ngunit wala sya sa labas.
"So you're here--"
"Huh?" Napalingon ako sa likod ko nang magsalita si Zadeo. "S-sorry... Ginulat mo kasi ako..." Dagdag ko.
"Eat first." Sabi nya sabay lakad sa kusina.
Alam kong pinapasunod nya ako kaya sinundan ko din sya patungo sa kusina. May nakahanda na pagkain pero hindi ko na inalam kung sino ang nagluto, 'di ko din naman masasabi na sya ang nagluto dahil 'di ko pa sya nakikitang nagluluto.
E paano ba naman kasi, puro pakikipaglaban ang inaatupag! Akala mo naman sundalo ang isang 'to haha!
"Sit." Utos nya kaya dali dali akong umupo.
Kailangan kong maging masunurin ngayon at ayaw kong maging matigasin ang aking ulo para 'di sya magalit sa'kin at para 'di nya ako maparusahan.
Nagsimula na kaming kumain na walang nag-iimikan. Hindi ko naman sya ka close para makipag kwentohan, at sigurado akong 'di sya interested makipag close sa'kin.
Napatingin sya sa akin nang makitang tapos na ako kumain. Pero nabigla ako dahil tumayo na sya nang hindi inuubos ang pagkain.
Tumayo din ako para sundan sya, sya naman talaga ang hahatid sa'kin kaya dapat lang na sundan ko sya. Pero napatigil sya sa gawi ko at hindi ko maiwasang matakot baka bumalik na naman ang kanyang nakasanayang gawain.
"Look at me." Utos nya kaya napatingala ako para tignan sya.
Napakatangkad nya kung kaya nakatingala ako sakanya. Hindi ko din alam bakit nya ako pinapatingin sakanya, wala syang sinasabi kung'di ang tumitig lang sa'kin.
"Don't flirt with other guy at school, I'm warning you..." Huh? 'yon lang pala ang sasabihin nya?
"Oo... W-wala naman akong nilalandi doon kaya wala kang dapat ipag-alala." Sagot ko.
Umiitig ang kanyang panga bago naglakad at nilagpasan ako. Iniwan nya ako na hindi nagsasalita pero napasunod ako sakanya nang mapagtanto na mali-late ako sa school.
Hinabol ko sya nang maabotan kong nakatayo sya sa labas ng kanyang kotse. Mukhang hinihintay nya ako kung kaya nakatayo sya habang nakatingin sa'kin habang papalapit ako sa puwesto nya.
YOU ARE READING
Forced To Marry An Abusive And Jealousy Mafia Boss (Under Revision)
RomanceYou think you can escape from me do you? Now let me tell you, there is no place on this earth where you can hide from me. I will find you and when I do, you'll face the consequences of your rebellious behavior. So please my love, don't ever think ab...