HP†15: Mysterious Lydia (2) (edited)

95 7 0
                                    

HunkPrincess†15: Mysterious Lydia (2)

†•†•†

Napansin kong masyado nang kakaiba ang ikinikilos ni Renz. Ang tono ng pananalita, ang paraan ng paggalaw, ang tila propesyon na nito ang paglakad ng naka-heels, at bukod pa doon, she's too feminine.

May lumapit na isang lalaki sa table namin. "Can I have a dance?"

I just eyed Renz on how she'll react. Ang inaaasahan ko ay maiinis ito at babalaking bangasan ang mukha ng pangahas. Pero nagkamali ako.

"Of course. Thank you," aniya at tinanggap ang kamay ng lalaki.

Nanggagalaiting pinanood ko silang magsayaw. The hell?! Does the Princess know that her Half is here?!

"Bakit ba feeling ko may kakaiba kay Renz?" si Bry.

"Nasobrahan ba kami sa pagbili ng mga pambabae at na-influemce ang feminine hormones niya?" taka ni Mika.

"Psh. Hindi ganyan si Renz. Kung ayaw niya, wala nang makapagpapabago pa ng isip niya," sabi naman ni Jamil na sumimsim sa kopita. "Let her be."

"Hoy, wag ka ngang uminom ng marami!" awat ni Bry at inagaw ang inagaw ang kopita kay Jamil.

"Hoy! Ibalik mo nga yan epal ka!" reklamo nito.

"Excuse me, who am I here?"

"A jerk who kisses me whenever he wants."

"Hoy, itigil niyo na nga iyan!" awat ni Lili.

Inakbayan naman Jae si Lili. "Wag mo na silang intindihin nandito naman ako."

"You act like that as always =_=," -El.

Patuloy sa usapan ang mga ito habang ako ay nagpipgil na pugutan ng ulo ang lalaking kasayaw ni Renz.

Just how long are they going to dance? It pisses me off!

Akmang tatayo ako nang pigilan ako ni El. "Dude, if you do that, the party will be damned."

"And who am I to care, huh, El? And this is my Half we're talking about!" palag ko at binawi ang braso sa kanya. Nangagalaiting nilapitan ko ang dalawang nagsasayaw. "Get out'ta here."

Agad naman tumalima ang lalaki at walang nagawang umalis.

"Oh, bakit?" inis na tanong niya nang makitang nakangisi ito.

Umiling siya at tumawa. "So you're this jealous about Mum--I mean, me. Ehehehe!"

"Kyah!!!"

Parehas kaming napatingin sa mga babaeng nagtilian.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatayo ang babaeng may nagliliyab na pulang buhok. Ang mga mata nito ay may naglalabas ng apoy. Kamukha ng suot nito ang suot ni Renz. "Get. Away. From. Him."

Hunk PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon