HP†22: Hidden Emotion (edited)

46 6 0
                                    

HunkPrincess†22: Hidden Emotion (edited)

=†††=
a

yaka_sama - para sa pagvote mo every chapter ^_^…

ISANG tapik sa mukha ang nagpabalik sa kaniya sa reyalidad. Pagkatapos niyang ikurap-kurap ang mga mata ay mukha ng isang binata ang unang bumati sa paningin niya.

"D-Dev?" Wala sa sariling napaatras siya mula rito.

"Renz? Anong ginagawa mo rito?" kunot-noong tanong nito.

"A-ah...bakit? Nasaan ba ako?" Tumalikod siya rito. Baka mahalata ni Devious na kinakabahan siya. Inilibot niya ang paningin. Dark Memorials???!!!

"Renz, ayos ka lang ba?" Nang hawakan siya nito sa balikat ay napapiksi siya. Lalong lumalim ang pagkakunot ng noo nito.

"Ayos lang ako..." Napahawak siya sa lalamunan nang pumiyok ang boses niya sa huling sinabi. Tuyot na tuyot ang lalamunan niya.

"Why the fuck are you here? Especially why are you so dehydrated?!" sermon nito sa kaniya at iniumang ang pulso sa bibig niya.

Sa uhaw ay tinanggap na niya iyon. She licked his pulse before sinking her blood-thirsty fangs against it.

Inantay ni Dev na matapos siya. Ang lakas na naman ng tibok ng puso niya. Her heart raced as of in a marathon, especially whenever she's with him. Niyakap siya nito, bagay na ikinagulat niya.

"May problema na naman ba, Renz? You can tell me..." masuyo nitong sabi at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

Sa ulo lang iyon but it send little tingling electricity from her head to toe. She somewhat felt warmed. But the facts from her regaining memories refuses to say she is heart-whelmed.

"Answer me, what are you doing here?"

Sasagutin ba niya? Sasabihin ba niyang naalala na niyang hinayaan siya nitong halos mapatay noon? And those words... "Dapat lang na mamatay ka na." Is it really for her?

"I... Uhm... Wala lang akong magawa kaya nagpasya akong maglibot," pagsisinungaling niya.

"God, you scared me earlier!"

Nagtaas siya ng mukha. "Bakit naman?"

"Nang makasalubong kita sa entrance hall ay nakita kong wala ka sa sarili. Walang kababakasan ni katiting na emosyon diyan sa mukha mo. Tinawag at kinausap kita pero hindi ka nagsalita. But enough, unwinding is good to lessen your stresses."

"T-tama ka..." tugon niya.

"Well, well, well, would you look at here. My Mum, and my Dad in their sweet young ages."

Nalingunan nila si Lydia na nakaupo sa isang nitso. Pinanonood silang magdrama.

"Anong ginagawa mo rito?" si Devious.

"Well, ang tanong ay, bakit kayo nandito. And to answer your question, I live here."

"Dito?"

Hunk PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon