HunkPrincess†26: Kill the Chosens
=†††=
†Renz†
Nagdilat ako ng mga mata. Pero madilim pa rin. Napakadilim at wala akong makitang kahit na ano. Matigas ang kinahihigaan ko. Masakit ang katawan ko. May malalagkit at makikirot pang mga bahagi sa katawan ko. Nasa impyerno na ba ako? Bakit napakainit? Sinubukan kong itaas ang mga kamay ko. May matigas na bagay at lubhang mabigat, hindi ko magawang maitulak.
Nanghina ang mga braso kaya't muli'y napahiga ako sa dilim. Ngunit nabuhayan ako ng loob nang may nagtulak nito mula sa labas. Nasilaw ako sa napakaliwanag na kalangitan.
Nang sumungaw ang isang napakagwapong nilalang sa mga mata ko... hindi ko napigilan ang mapaluha. "Dritz...?"
Agad niya akong pinangko at inilabas sa tila mo libingan pala na nasa gitna ng templo. Nagtaka ako sa mahigpit na yakap na iginawad niya sa akin, pero kahit nanghihina ay gumanti rin ako. Hinalikan niya ako sa noo.
"My god, akala ko hindi na kita makikita uli," sabi niya at mahigpit na niyakap ako.
Hindi ko alam pero bumalong ang mga luha ko. Oh, how I love this guy... Laging nandito kapag nangangailangan ako. Bakit ko nga ba kailangan ko na magpakamatay? Oh, yeah, dahil sawa na ako sa buhay ko, nagpakaisip bata ako at hinayaang ang mga problemang lukubin ako samantalang nandito si Dritz na handang tumulong sakin. At isa sigurong dahilan na dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya ay di ko kakayaning siya pa mismo ang pumatay sa akin... uli.
Binuhat na niya ako at naglakad palapit kina Jaecobb, Bryann, at Wilson. "Babalik ako sa cabin para pagpahingahin si Renz. Kayo, hanapin niyo si Ellia. Siguruhin ninyong maipapakita ninyo siya sa akin."
Nagsitanguan ang mga ito. Nang maglisawan na ang mga to ay saka naman parang nakipaglaro sa hangin si Dritz. Tumalon-talon siya pababa ng bangin.
Naisip ko habang nakatitig sa seryoso niyang mukha, matatanggap ba niyang ako ang pumatay sa ama niya? Alam ba niya? Pati ang mama niya? Si Ninang Claude, pano siya? I love this guy holding me possessively, but nothing would ever gonna change the fact that I ruined his family. I need to get away from him.
"Dritz..." Tiningnan niya ako. "Huminto ka muna." Huminto nga siya. "Ibaba mo ako." As soon as my feet touched the ground, I grabbed his nape and sealed him with a passionate kiss. Nabigla siya noong una, pero kalaunan ay hinapit niya ang beywang ko at mas lalong pinalalim ang halik. "Mahal kita, Dritz..." pag-amin ko ng damdamin nang saglit na maghiwalay ang mga labi namin.
"Damn..." habol rin ang hiningang sabi niya. "I love you more, Renz. Please don't you ever run away again..."
I know he loves me. But the thought of me ruining his family makes me puke over myself. "I'm sorry, Dritzcher..."
"What for?"
Isang halik ang iginawad ko sa mga labi niya. "Pero kailangan ko munang tapusin ang ilang mga bagay."
"Ano?"
"Ellia."
Napamura ito kasabay ng pagtugak malayo sa akin. Lumitaw sa harap ko si Ellia, pero nakaharap kay Dritz at may ngising di matutularan. "Hello, Dritz! Na-miss mo ko?"
BINABASA MO ANG
Hunk Princess
Vampiros(CURRENTLY BEING EDITED) From Lau Renz Crone to Lau Renzuellia Vlood... From ordinary to extraordinary... From common to foreign... Will Renz unravles the truth behind: Elemental Guardians Chosens of Greek Gods Darker, Crone, and Vlood Family And th...