HP†32: Chosen of Christ

40 5 0
                                    

HunkPrincess†32: Christ's Chosen

=†††=

†Ceadny†

Do you know who I am? Okay, I'll introduce myself to you. I am Caesar Adnille Vlood. Lau Renzuellia Vlood's twin brother. I appeared only on chapter 23 where Renz finally knew why she was adopted by humans. But the "Behold the Truth" part didn't really has the whole story. A chapter is not enough to tell you about it. There are stories yet to be told. Secrets that remains a mystery.

Anyway, I'm in my room studying resurrection -- yes, resurrection. I have the ability to raise dead from their graves and give them the physical body they need. But raising dead people has its consequences. One for sure is that he or she will rise to be alive without a soul. I don't have the time to tell you the other details. I mustn't or the story will fall into pieces.

Tama na ang English. Mano-nosebleed na ako dito taga-kwento lang naman ako. Intindihin niyo na lang, pwede?

Nalaman kong kaya kong bumuhay ng patay nang tangkain kong buhayin ang ama ng future-brother-in-law kong si Dritz or Devious sa unang pagkakaalam ninyo. Oo sinubukan ko siyang buhayin. And my power didn't disappointed me. Nabuhay siya. Kaya lang, wala siyang maalala. Hindi niya kami kilala. Nang ipag-utos ng aking ina na ipadala sa kastilyo si Alfred, nag-iba ito. Iba ang mga ikinikilos nito at bigla na lang nawala -- yeah, he's gone. And no one knows up till now.

May mga katok na nagpalingon sa akin sa pinto ng silid ko. Mula sa pagkakaupo sa one-seater sofa ay tumayo ako pagkasara ng libro sa isang kamay.

"Come in," paanyaya ko.

Pumasok mula roon ang aking nag-iisang mapagmahal na ina. "Ceadny..."

"What brought you here," I asked on behalf of asking.

"She came."

"Bakit? Hindi pa ito ang tamang oras para buhayin ko ang kakambal ko. Masyado pang maaga para bisitahin ako ni Lydia -- ". Naipit sa lalamunan ko ang aking sasabihin nang sumungaw ang crimson-red eyes and silver-haired na babae.

"Caese," ang animoy musika-harmonyang boses nito ay naghatid ng kakaibang damdamin sa akin.

"Adia."

"Nandito siya para kausapin ka," wika ng aking ina.

"Mom, what do you plan to do?" I asked her with a point finger tone.

"Hindi mo na kailangang malaman, Ceadny. Hindi kami maaaring mangialam sa dapar na mangyari," sabi niya at lumabas na ng silid ko.

Napabaling ako kay Adia. "Alam ba ni Lydia to?"

"Hinde. Hindi alam ni Lydia na narito ako." Umupo ito sa kanina'y inuupuan ko katabi ng pinto ng veranda.

Ako naman ay tumayo sa tabi ng kaharap na one-seater. Sa pagitan ng dalawang upuan ay ang bilog na coffee table na yari sa narra. "Bakit ka nagpunta dito?"

"Dahil kailangan kitang tulungan."

"Bakit? Ano bang maitutulong mo sa akin?"

"Bilang Nahirang ni Kristo ng hinaharap, kaya kong buhayin ang sarili kong ina."

"At anong punto ng kaya kong buhayin ang sarili kong kapatid kung narito naman ang anak niya?"

"Dahil kailangan ng dugo at kaunting kapangyarihan ng kakambal niya."

"So, mali ba akong isipin na ako ang bubuhay sa kaniya?"

"Hindi naman. Alam mo kasi, mga nasa impyerno lang ang kaya mong buhayin, hindi tulad ko na nabiyayaan ni Kristo na makapagbigay at bawi ng buhay sa sinuman. Nasa impyerno man siya o nasa langit - or even if he or she is on the other side where lost souls wanders."

Hunk PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon