HunkPrincess†31: Dead
=†††=
"RENZ!!!" sinalo ni Dritz ang walang malay na dalaga. Sinalo naman ni Bryann ang katawan ni Jamil. "Renz, Renz, wakeup. Wakeup..." tinapik-tapik pa niya ang pisngi nito. Nabuhayan siya ng loob nang gumising naman ito.
"Dritz...?"
"My God! Renz, anong nangyare? May sugat ka ba?"
"Dritz..." hinawakan nito ang pisngi niya. "Dritz... tama si Tita..."
"Tita? Si Sofia? Pano? Bakit?"
"Mahal niya tayo...-" sumuka ng dugo si Renz.
Todo himas naman siya sa likod nito. "Ayos ka lang ba? Ano bang nangyayari sayo?"
"I'm supposed to be dead."
"Ano?"
"My brother...*cough*...protect him..." Yumakap ito sa kaniya.
Gumanti siya ng yakap. "Ano bang pinagsasasabi mo. Ayos ka lang ba?"
"I'm not... H-...Hades' Vessel. My brother, he is the vessel... help him... before-"
"Stop talking, Renz." Hinigpitan niya ang yakap dito. "Magpahinga ka na, ihahatid kita sa SCU." Akmang bubuhatin na niya ang dalaga nang pigilan siiya nito.
"I'll... I'll rest for a bit... Goodbye..." dahan-dahang pumikit ang mga mata nito.
Naramdaman niya ang paghina ng pulso nito. "Renz? Renz!" paulit-ulit niyang inuusal ang pangalan nito na parang nanalangin.
"REEEEENZ!!!!!"
"JAMIIIIIIIL!!!!"
ILANG linggo na ang nakalilipas mula nang mamatay si Sofia. Muling naibalik at naiayos ang mga nasira sa SCU. Sa ngayon ay bumalik na sa dati ang lahat, puwero sa Royal Vampire Element's Descendants or Guardians. Itinigil na nila ang kunwa ay pag-aaral sa naturang paaralan at naghiwa-hiwalay kasama ang mga Kapareha nila. Si Bryann ay nasa Amerika para mag-wind out sa pagkamatay ng sana ay anak nila ni Jamil, at ng huli din pala. Si Jaecobb naman ay dinala si Lili sa hometown nito sa Australia. Si Wilson naman ay nasa Greece para tulungan ang mga kapatid nito sa pag-aayos ng "Last Party".
Itinapon ni Dritz or mas kilalang Devious ang sigarilyo sa lupa at inapakan para patayin ang sindi. Pigil-pigil niya ang mga luha at galit sa dibdib. Dito sa Dark Memorials inilibing sina Jamil at ang ipinagbubuntis nito. Sa katabi naman kung saan siya nakatayo ngayon ay ang libingan ni Renz. Isang linggo na itong nakalibing at isang linggo na rin siyang pabalik-balik sa DM.
Napamura siya. Akala niya handa siya kapag nawalan siyang muli ng mahal sa buhay, pero nagkamali siya, lubusan siyang nasasaktan ngayong wala na si Renz. Walang nakakita kung paano namatay ang dalaga, at wala nakakaalam kung ano ang ikinamatay nito.
As soon as Sofia's dead, the soon Renz died without any words. Wala siyang maintindihan, paanong nangyaring tumigil sa pagpintig ang puso ni Renz? Ano bang nangyari? Walang sinuman ang makakapagsasabi sa kaniya?!?!?!
Handa na ang kamao niyang wasakin ang lapida sa galit nang may pumigil sa balikat niya.
"Dad."
BINABASA MO ANG
Hunk Princess
Vampir(CURRENTLY BEING EDITED) From Lau Renz Crone to Lau Renzuellia Vlood... From ordinary to extraordinary... From common to foreign... Will Renz unravles the truth behind: Elemental Guardians Chosens of Greek Gods Darker, Crone, and Vlood Family And th...