HunkPrincess†21: Chosens and Memories (edited)
@ayaka_sama
=†††=
Nakaupo si Renz sa swivel chair na may symbol ni Hades. Ang iba naman ay nakaupo sa iba't-ibang swivels. Ang kaharap naman niya sa dulo ay ang may Zeus symbol sa inuupuan nito. Iyon ang kaklase niyang lalaki na nakasalamin at tahimik lang sa isang sulok. Pinsan pala niya ang isang to.
But seriously, her regular school day has once again lasted the minute she entered the conference room. And why? Dahil kutob na niyang may panibago na namang problemang darating.
"Bakit kayo nagdesisyong mag-set-up ng meeting?" sira niya sa katahimikan. Wala siyang oras para makipagpormalan sa ngayon. "Ano ba talagang balak ng mga magulang ko? Mas nauna ko pang nakilala ang mga Guardians kaysa sa kanila. At bakit kayo ang kaharap ko ngayon? Wala ba silang balak na harapin ang nag-iisang anak nilang ipinaampon nila?"
Nagsalita ang cheeky girl na si Emma. Nakilala niya ang mga pangalan nito sa plate name sa uniform na nasa tapat ng puso ng mga ito. "Uhm, sa totoo lang, hindi namin madalas nakakausap o nakikita man lang ang hari't reyna, Frenzy."
"Frenzy?" Si Eve lang ang hinahayaan niyang tumawag sa kaniya ng ganoong nickname.
"Ah, my little sweet endearment for you," anitong may kiming ngiti.
Napailing siya. Mapapalampas niya ang endearment. Pero naiinis siyang wala naman pala siyang mapapala sa walang kwentang meeting na to. "What exactly is the meaning of this nothing-but-useless-meeting?" hindi niya naiwasan ang pagkasarkastiko sa boses. Eh, sa naiinis na talaga siya, eh! Ano ba namang klaseng mga magulang ang natitiis ang anak nilang mag-isa? "Pwedeng sa mahal na hari at reyna niyo ako ipag-set-up ng meeting? I'm alone for their information!"
"You are not forsakenly alone," si Frank, ang may Poseidon symbol.
"Ano?" kunot-noong tanong niya.
Tumayo ang nagngangalang George. "Wag mo nang pansinin si Frank, Renz. Alam mo kasi, hindi mo naman kami actually blood related cousins. But first, let me introduce each one of us." Iminuwestra nito ang mga kasama. Introducing each one with their Greek God and Goddesses resemblance. "Me, George; Hera. Frank; Poseidon. Emma; Athena. Kristella; Ares. Julius; Demeter. Seong; Artemis. Xanny; Apollo. And Harley; Zeus."
Sumabat si Xanny. "Lahat tayo dito ay mga Chosen Ones."
"Chosen Ones ng ano?" muli ay tanong niya.
"Mga napiling nilalang ng bawat Griyegong Diyos upang magpanatili ng balanse sa mundo."
Mula sa pagkakatahimik ay nagsalita si Harley na akala niyang pipe. Kasi naman talagang shut na shut lang ang bibig nito. "Princess Lau Renz. Hades' Chosen One is rarely once in a hundred years. Makibahagi ka sa amin. Hindi namin iyon maa-accomplish kung hindi ka aanib sa amin."
"Woah! Excuse me? Sarili ko ngang mga gamit di ko kayang isaayos sa dapat kalagyan. Ang mamuno pa kaya sa mundo?" Ano iyon? Charon Cuneta? Ipapasan niya ang mundo sa mga balikat niya?
"Tutulungan ka naman namin. We can teach you. Pero kaunti lang naman ang gagampanan mo."
"Wala akong pakialam. Hindi ako interesado," walang kaabog-abog na sabi niya.
"Renz.." Ipinatong ni Kristella ang baba sa magkasalikop na kamay. "Hindi mo ba gustong makamit lahat ng gusto mo? Ayaw mo bang mamuno sa mundo? And besides, you are the most important person here. You can communicate with the other world and underworld. Call the dead spirit, demons, devils, have black magics, and guess what, you can BRING THE DEAD BACK TO LIFE."
BINABASA MO ANG
Hunk Princess
Vampiros(CURRENTLY BEING EDITED) From Lau Renz Crone to Lau Renzuellia Vlood... From ordinary to extraordinary... From common to foreign... Will Renz unravles the truth behind: Elemental Guardians Chosens of Greek Gods Darker, Crone, and Vlood Family And th...