HP†35: Mara Crawford

29 5 0
                                    

HunkPrincess†35: Mara Crawford

=†††=

16 Years Later

“MAMA! PAPA!” tumatakbo si Mara pasugod sa mga magulang na nasa gazebo. Ang kaniyang buhok na kasing-kulay ng kasoy na umaabot hanggang balakang niya ay nililipad ng hangin. Habang ang kaniyang mga matang kulay bughay na langit ay nagniningning sa sinag ng araw.

Nang makarating sa gazebo kung nasaan si Jamil at Bryann ay sandaling hinabol nito ang hininga.

Nagtaka naman ang dalawa. “Anong nangyari sa iyo, Mara? Bakit humahangos ka?”

Hinigop ni Bryann ang kape niya sa tasa. Napapailing na lamang sa inaasta ng anak. Hindi talaga nalalayo ang ugali nito sa ugali ni Renz. At ang mas nakakapagtaka roon ay ang pagkakamukha nito at ng yumaong prinsesa. But, they believe, Mara — his daughter — is Lau Renzuellia Vlood’s reincarnation. And at some point, Mara will soon be remembering everything. “Mara, wag mong pagurin si Dritzcher kakahabol sa iyo.”

Sumimangot ito at pumeywang. “Papa, ayoko nang maging bodyguard si Dritz!” anitong may pagkadisgusto sa naturan.

“That’s a no, Mara,” he said sipping his coffee and then looking up sides with his wife.

Nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin. “Ah! Anak, alam mo kasi, mas magandang safe ka lalo na at — ”.

“Mama!” ungot nito. “Ayoko na ng bodyguard! It sucks to be tied on the neck!”

Tumikhim si Bryann. “Mara, you do understand why Dritz needs to guard you right?”

“Yes, he guards me because some ‘Lucifer’ after’s me. But you said nothing but that! What is the reason why can’t I be alone myself? I am a vampire, I can handle myself.”

“Still no.”

“Papa, bakit ba kasi kailangan pa niya akong bantayan? Tsaka bakit ba ako kailangan ng Lucifer na iyon?”

Hinawakan ni Jamil ang kamay niya. “Bry, sa tingin ko ay panahon na para malaman ni Mara ang katotohanan.”

Napabuntong-hininga siya. Siguro nga’y tama si Jamil. Sixteen years of secrecy is enough. Hindi na bata ang kaniyang anak.

Umupo si Mara sa bakanteng upuan. “What is it, Papa?”

Huminga siya ng malalim. Mahaba-habang istorya muna ang sasabihin niya bago ang huling mga pangyayaring nabuhay muli ang kaniyang mag-ina. Una niyang ikinuwento ang pag-uutos sa kanilang Royal Vampire Elements’ Descendants na bantayan ang hindi nakakaalalang prinsesa. Kitang-kita ng dalawang mga mata niya kung gaano kainteresado ang anak sa kwento ni Renz.

“Whaaa?! Mom died with me inside?!” hindi makapaniwalang saad nito.

“Yeah. At halos sirain ko ang sarili ko sa paggala-gala sa kung saan dahil sa pagkamatay ng iyong ina.” Piniga niya ang kamay ng asawa at matamis itong nginitian. “But when I came back on the right timing…”

†Bryann†

16 years earlier

NAGPAPALAKAD-LAKAD ako papuntang Dark Mermorials para sana bisitahin ang puntod ni Jamil. A week of grieving is enough. I should just accept the truth that my Mate is… is gone. I don’t want to use the term ‘dead’ for my own consciousness.

Napahinto ako sa paglalakad nang makaramdam ng malakas na enerhiya. Bakit ngayon ko lang napansin iyon? Napakalakas ng enerhiya. At habang papalapit ako ay mas lalo ko iyong nasasagap. Napagtanto kong pamilyar sa akin ang mga enerhiya, pwero ang isa. Napakalakas niyon.

Hunk PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon