HunkPrincess†30: Let's End This
=†††=
SINIKMURA ni Renz ang mga nakikita niya. Hindi lang pala siya ang may kinalaman sa lahat ng ito. Pati ang mga kasama niya ay napaglaruan. Ang kailangan na lang niyang isipin ay kung paano tatapusin ang lahat ng ito.
Si Ellia na nagtatanggol sa kaniya, kahit na sa maling mga pamamaraan, ay nakatayo sa harap niya para protektahan siya. she's quite relieved to know that she'll die when she dies.
Natatawang tinunghayan ni Sofia ang lahat. Mas lalo pa itong natuwa nang dumating ang sina Wilson at Lydia. "Lydia! My dear, dear grandchild!"
Inungusan nito si Sofia.
"Aww, how's the future? Ibati mo naman ako sa lahat kapag nakabalik ka na sa hinaharap ah? Oh, wait, did Wilson find out you're his mate?" Tumawa ito ng parang isang mangkukulam. "Oh, come on! Mabubulok ka pa yata bago ka makabalik sa pinanggalingan mo."
"Shut up!"
"Your veins are already rotting. Hindi ka na aabot sa pag-iisang dibdib niyo ni Wilson."
Ang lahat ay napasinghap. Lalo na si Renz.
"Oh, hindi ba sinabi sa inyo ni Lydia? Na ang kaniyang Kapareha ay si Wilson? Hahaha! At ngayong nalaman na ninyong lahat, mabubulok siya hanggang kamatayan!"
Hindi na nakapagpigil si Renz. "Hayop ka!!!!" hindi agad siya napigil ni Ellia. gamit ang matutulis at matalim na kuko ay hiniwa niya ang braso nito. Hindi ito agad nakaiwas sa sobrang bilis ng kaniyang kilos.
Susugod na rin sana si Wilson at iba la nang pigilan ito ni Lydia. "Don't interupt. Parating na si Lucifer, protektahan niyong Guardians si Mummy."
Isang nanunuyang ngiti ang ibinigay ni Sofia kay Renz. Any sugat nito ay unti-unting naghilom. "Kung ikaw, kapangyarihan ng mga griyego ang nakuha, mas malakas ako. Mga dragon naman ang sa akin. Sanara!"
Napamura siya nang mula sa parang tattoo nito sa ibabang bahagi ng braso ay nagliwanag iyon ng kulay putiing asul. Lumitaw ang dragon na may nagyeyelong katawan. Hinampas siya ng malamig nitong yelo. Dahilan para mapasadsad siya sa lupa. Humarang si Ellia nang magbuga ng yelo ang dragon. Ikinumpas nito ang kamay at may apoy na humarang para protektahan sila.
"Back off, Ellia!" sigaw ni Sofia. Ikinumpas ang kamay upang muling bugahan sila ng yelo.
"Haphaestus!" Muli, humarang apoy. Si Ellia naman sana ang titira nang isang kisap-mata ay nasa ere na si Renz. itim na itim ang mga mata na may naglalarong pula. Isang spin kick lang niya ay nabasag ang kalahati ng mukha ng dragon. Isang hammer fist pa sa ulo at nawarak na ang mukha nito.
Maayos na lumapag si Renz. "Ischys." Out of no where ay lumitaw ang isang griyegang ingles. "You call, my highness?" anito sa salitang griyego.
"Call Hades for me. I need that shit now."
Sinunod nito ang ipinag-uutos niya at umusal ito ng ilang kataga bago may maitim na liwanag na sumabog. Mula doon ay may itim na usok ay pumalibot kay Renz na para bang nag-aanyayang mag-ballet. "Renz... anong karapatan mong tawagin ako?" isang mabigat na boses na tanging siya lamang ang nakakaririnig bukod kay Iscys at Ellia.
BINABASA MO ANG
Hunk Princess
Vampire(CURRENTLY BEING EDITED) From Lau Renz Crone to Lau Renzuellia Vlood... From ordinary to extraordinary... From common to foreign... Will Renz unravles the truth behind: Elemental Guardians Chosens of Greek Gods Darker, Crone, and Vlood Family And th...