HP†20: Untitled (edited)

58 8 0
                                    

HunkPrincess†20: Untitled (edited)

=†††=

First day ni Renz sa eskwelahan ng regular na pagpasok. Ang di lang niya inaaasahan ay iyong kilala na pala siya sa buong SCU bilang "Vampire Princess". Napansin niyang halos lahat din ay shock.

"Akala ko ba walang anak ang mga Royal Vlood?"

"Napakakinis ng kutis. Talagang prinsesa nga."

"Ang swerte niya."

Iyon ang madalas na naririnig niya sa mga nadadaanan o nakakasalubong na kung sino. Minsan nga ay nahihiya na siyang maglakad-lakad sa mga hallway at corridors. Hindi naman ito tulad ng dati na isa lamang siyang pangkaraniwang tao. Isa siyang maangas. Kapag may nang maliit sa kaniya ay triple ang bawing ginagawa niyang pambawe.

On the way na siyang pumasok sa classroom niya nang makasalubong niya si Evelynn. Napaangat ang kilay at napasinghap. "Oh my god, Frenzy! mukha kang timang sa suot mo! Pero di bale, mukha ka pa rin namang disente kahit ganyan ang hitsura mo. Palong-palo XD."

Natawa si Renz. "Di ka na nasanay. Lagi ko naming binubuksan ang coat ko at tinatanggal ang pagkaka-tuck-in."

Pabirong hinampas siya nito sa braso. "Ano ba, Renz? Kailan mo ba maa-appreciate ang gandang taglay mo? Hindi ka naging prinsesa para lang maging ganyan."

"Anong magagawa ko?"

"Hmp! Tara na nga," hinawakan siya nito sa braso at hinila papasok ng classroom.

"H-A-P-P-Y F-I-R-S-T R-E-G-U-L-A-R C-L-A-S-S" ang tumambad sa mga mata niyang nakasulat sa chalk board.

"Hello, Princess! We welcome you to class Optimism! Hi, I'm Jericah, the class president."

"Romeo, vice p."

"Jona, class representative."

"Marco, second representative."

Isa-isang nagpakilala ang mga bagong kaklase niya at nakipagkamay. Pagkatapos naman ay inabot ni Jericah ang kamay niya. "Wag kang mag-alala, Prinsesa. We promise to take good care of you. Kung may problema ka,wag kang mahiyang magsabi sa amin ah?"

Tumango siya. Napaka-heart-whelming naman!

Napansin niyang may isang lalaking nakasalamin sa bandang likuran ng classroom. Hindi pa ito nagpapakilala sa kaniya.

Napansin iyon ni Marco. "Si Harley nga pala, Prinsesa. Hindi siya marunong makipag-interact masyado sa ibang mga estudyante kaya pagpasensiyahan mo na."

"Ah, sige," aniya na sinabayan pa ng tango.

"Ayan na, Renz, hindi ka na mao-OP niyan," biro ni Eve.

"Sinong mao-OP?" tinaasan niya ng kilay ang kaibigan.

"Joke lang." Kinindatan siya nito at muling humarap sa klase. "Anyway, guys, uulitin ko. Take good care of our Princess, ah? Or else I would change my mind."

"Anong or else ka diyan?" sabat nya.

"Or else ililipat kita sa ibang classroom."

"Kaya mo?"

"Of course, ako ang dean ng SCU kaya walang makakapagpabago ng isip ko."

"Eh, estudyante ka lang din naman, ah? Buti pinayagan kang maging dean?"

Iniikot nito ang mga mata. "Alam mo kasi, parents mo ang nagbigay basbas sa aking maging dean ng eskwelahang ito. Kaya bawal silang magrebelde kung ayaw nilang matagpuan ang mga sarili nila sa kangkungan sa likod ng bahay ng hardinero dito. By the way, gotta go, Frenzy, kailangan ko pang pamahalaan ang pag-aayos sa mga nasira noong nagkagulo."

Hunk PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon