HunkPrincess†41: Clarity
=†††=
With nothing other than Dritzcher’s black polo shirt, wala na akong ibang suot habang magkaharap kaming kumakain ng naka-Indian sit sa kama niya.
Sumubo ako ng ice cream. “So, anong una mong katanungan?”
Inilapag niya sa tray ang tasa ng ice cream niya. “First of all, gusto kong malaman kung bakit ka nawala ng labing-anim na taon. Pati si Lydia at Adia, nasaan sila? Nakabalik na ba sila sa hinaharap?”
“Sa huling tanong mo, oo, nakabalik na sila. Their purpose is done.”
“Purpose talaga, ah? Eh, sino iyong Lydia at Adia na sinabi mong magbabantay kay Trevor at Mara?”
“Ah, kapangalan nila. That's why maybe our twins were named after them.”
“Makes sense. So bakit mo nga kinailangang umalis at magtago? Wag mong kalilimutang masama pa rin ang loob ko doon.”
“Sorry na nga di ba? Anyways, kinailangan kong gawin iyon dahil nagsanay ako.”
“Nagsanay?”
“Noong araw din iyong mismo na nawala ako, lumapit ako kina Mommy at Daddy. Naisip ko kasi, bakit ko sasayangin ang buhay ko kung ang tanging lalaking gusto kong mapasaya at nagmamahal sa akin ang magdudusa? At isa pa, biniyayaan ako ng kapangyarihan na walang ibang nakakakamit. Naisip ko, may dahilan, eh. May dahilan kung bakit ako biniyayaan ng kapangyarihan. Kaya lang tayo dumaraan sa hirap ay dahil tinatakasan ko ang katotohanan ng di ko namamalayan.”
“Well, that’s partly true. Pero kinailangan pa bang iwan mo ko?”
“Yes. It’s necessary para hindi distracted. At ikaw ang inpirasyon ko. Alam mo bang kinailangan ko pang mag-Indian sit sa ilalim ng waterfalls? Isang oras na mag-balance mga libro at bato? Iba-ibang combat skills ang sinasanay ko sa loob ng limang taon.”
“Ang tagal naman.”
“Talagang matagal. Diyos ko, akala ko mamamatay na ako at dumadating sa puntong gusto ko nang sumuko, umuwi sayo at hayaan kang ipagtanggol ako.” Ngumisi ako at sumubo ng ice cream. “Pero hindi iyon pwede. Ako ang nakatakdang umupo sa trono. Pinakamataas na trono. Hindi ako pupwedeng hihina-hina. Ang sabi ng trainer ko, kung kaya ko daw dalhin ang pasakit na mangyayari sa hinaharap kapag nakaupo na ako, ayos lang naman daw na hindi na ako magsanay. Pwede daw akong magbuhay corrupt dahil walang hindi susunod sa akin. Pero dahil may puso ako, alam kong hindi ko kakayanin. Dadalhin ko hanggang kamatayan ang konsensiya na hinayaan kong may mapahamak sa pamumuno ko.”
“Naiintindihan kita, Renz. Pero napakaimportante bang isa’t-kalahating dekada kang magsanay? At ng hindi ako kasama?”
Tumango ako kasabay ng pagkibit-balikat. “Distraction ka lang daw.”
Itinuro niya ang sarili. “Ako? Ako na nga ang inspiration mo ako pa ang distraction?”
“Alam mo, naisip ko na rin iyan, no. Pero soon, na-realize kong ang inspiration ay isang bagay na nagpapalakas sa isang tao o nilalang. At ang inspiration ay parang priority na dapat na makamit dala ng hirap. Life Goal kumbaga.”
“Well, I respect and appreciate that. Kung nadalian ka bang matutunan ang mga dapat mong malaman, ilang taon ang aabutin mo?”
“Mahina ako, Dritz. Dapat ay sampong taon lang ako mawawala. Pero hindi ko kinaya ung iba sa simula. Minsang malala ang pinsala sa katawan ko ng mga ginagawang pagsasanay kaya natatagalan ang pagpapahinga ko.”
BINABASA MO ANG
Hunk Princess
Wampiry(CURRENTLY BEING EDITED) From Lau Renz Crone to Lau Renzuellia Vlood... From ordinary to extraordinary... From common to foreign... Will Renz unravles the truth behind: Elemental Guardians Chosens of Greek Gods Darker, Crone, and Vlood Family And th...