HP†11: The Story (edited)

152 9 0
                                    

HunkPrincess†11: The Story

†•†•†

Jamil†

"Not until you say what Jae's trying to say."

Lalong humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay ko. Nagngangalit na ang mga ngipin sa inis. There's no need to play nice, I fucking hate it. "Ano bang pakialam niyo! Why don't you figure it out yourselves?"

"This is why we're asking, to figure it out. Say, ano ba iyong sinasabi ni Jaecobb?" ani Bryann.

Nanginig ang kalamnan ko. Iniamba ko ang kamao ko para isapak sa lalaking to pero wala ako sa tamang pag-iisip kaya nagawa niyang hawakan ang kamay ko. "Let me go!" Umatras ako at binawi ang kamao. "Hindi ko o namin pwedeng sabihin sa inyo. Nangako kami kay Renz."

Tila nakuha ko ang atensiyon ni Wilson at Devious. "Anong ipinangako?" sabay pa nilang sabi.

"Hindi niyo na kailangang malaman." Naiiritang itinulak ko si Bryann para makaraan. "I'm tired, magpahinga na ko." Nilagpasan ko si Bryann at pumasok sa kwarto ko.

Sumandal ako sa pinto. "Renz... Utang namin ang bagong buhay namin sayo. Kung hindi dahil sayo, malamang nasa impyerno na kami ngayon."

(A flashback from Jamil's point of view)

Sa sobrang tahimik ng buong kwarto ay ang pagnguya ko lang ng bubble gum ang maririnig. Ang tanging kasama ko sa lumang bodegang to ay ang mga makakasabayan ko sa hazing, ang halos litaw ng kaluluwang si Mika at ang tila mo anghel pero demonyita kapag nakilala mo.

Ilang linggo na rin kaming magkakasama kaya kahit buwisit ako sa kanila ay may napagkakasunduan naman kaming mga bagay-bagay.

Ang nakakatuwa pa nga ay pare-parehas pala kaming ulila kaya nagrerebelde in our own ways.

At ilang minuto pang lumipas ay binasag ng dalawang gaga ang nakakabinging katahimikan.

"Eeew! What the hell, right? Iye-hazing na lang tayo sa wala pang ka-class-class na bodega, tss," maarteng saad ni Mika.

"Yeah, I agree, sana pala 'sarap' na lang ang pinili natin," tugon naman ni Lili.

"Shucks! Hell yeah! Guwapo't mga bata rin naman ang mga boys dito, saka sa hitsura nila, malamang kahit sino nang maging boyfie ko."

"Huh! Eh kung lahatin na lang kaya natin?"

Naiiritang pinukpok ko ang lamesa. "Ano ba kayo? Puro kalanturan iyang pinagsasasabi niyo diyan ah? Alam niyo, kung gusto niyo ng lalaki hindi na lang sana kayo sumali sa fraternity! Nag-GRO na lang sana kayo!" Kairita tong mga hitad na to ah?

"Ano ka ba, Jamil? Puro DOM lang makikita namin don! Yuck kaya! Ni minsan hindi ako tumikim ng matanda no!" tila nandidiri pang saad ni Mika.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Kung makapandiri ka parang virgin ka pa."

"Paki mo ba? Mas type ko iyong bata, guwapo, lalo na't mayaman :D."

"Agree ako diyan!" Nag-thumbs-up pa si Lili.

Bumukas ang nag-iisang pinto sa silid. Iniluwa niyon si Renz, ang nag-recruit samin. Ewan ko ba sa red haired girl na to, bigla na lang lumapit sakin to dalawang linggo na ang nakararaan at binigyan ako ng card. Tatlong iyon, card ng APO, GUARDIANS at TAU GAMMA.

Hunk PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon