HunkPrincess†27: Vampire Inside Bryann x Jamil)
=†††=
ILANG araw nang wala si Bryann. Di maiwasan ni Jamil na makaramdam ng inis. Alam naman niyang may mahalaga itong misyon ngayon at mahalaga rin iyon sa kaniya; ang hanapin si Renz. Kaya lang nitong mga nakaraang araw ay masyado ang init ng ulo niya. Puro siya mood swings kaya binigyan siya ni Eve ng one week leave sa club activities nila.
Wala naman siyang nagawa kaya lang tuwing nasa klase ay nahihilo at naduduwal siya. At ang unang pumasok sa isip niya ay kung buntis siya. Pero pwede ba iyon? Isang beses pa lamang may nangyayari sa kanila si Bryann. At ayaw pa niya kung nagkataon. Kasi hindi malusog ang pangangatawan niya ngayon, noong araw lang na may maganap ay ang siyang huling pagtikim niya ng droga.
Paano kung mapano ang bata? May mga pagkakataon pa ngang bigla na lang bumibigay ang tuhod niya.
Kailangan na niyang makita si Bryann. Kaya lang ay malayo ito ngayon. "Nasaan ka na ba, Bry?" aniya na para bang maririnig siya nito.
Nanghihina ang katawan niya sa ngayon at nakahimlay lang siya sa kama. Wala siyang gustong kainin. Nauuhaw siya pero isinusuka lang niya ang tubig. Nag-aalala na nga si Lili sa kaniya dahil ilang araw na din siyang nagkukulong sa kwarto niya. Lagi niyang excuse ay ayos lang siya at pagsasaraduhan ito ng pinto.
Pinilit niyang bumangon at pumasok ng banyo. Sa malaking salamin ay nakita niya ang sobrang pangangayayat niya. May eyebags din siya buhat ng di makatulog sa gabi.
Napamura siya. Mas mukha pa siyang everyday-user nito kesa sa buntis na ang ama ay bampira.
May naririnig siyang katok mula sa labas. Pero para siyang binge na nakatutok lang ang paningin sa salamin.
"Jamil! Open up or I'll crash this fucking door!"
"Ano, Jamil? Iniisip mo pa rin bang dahil buntis ka kaya ka nagkakaganito?"
Napahawak siya sa ulo. Ito na naman ang boses na naririnig niya. Boses din niya iyon pero di niya alam kung saan nanggagaling.
"Yeah... pretend that I don't exist. It's fine... but once the time comes... I'll easily devour you whole and claim your baby as mine! Hahaha!"
"TAMA NA!!!!! AAAAAAAAHHHHH!!!!!!" tili niya at sinuntok ang salamin.
Tumilapon pabukas ang pinto ng banyo. Gulantang na napatingin si Bryann sa estado niya. "Fuck! Jamil!" Lumuhod ito sa tabi niya at ikinulong ang mukha niya sa mga kamay nito. "Jamil, sweety, look at me. Look at me in the eye." Tumingin siya. "My God! What's gotten in to you?"
Yumakap siya rito at umiyak. "Bryann... si Sofia...."
Natigilan ito. Pero agad ding gumanti naman ito ng yakap at hinalikan siya sa tuktok ng ulo. "What about her, sweety? Tell me..."
"Pinili niya ko... Pinili niya ko..."
NAGUGULUHAN si Bryann sa iniiiyak ni Jamil. Pero isa lang ang pagkakaintindi niya. Ito ang pinili ni Jamil para muling bumalik sa mundong ibabaw. Nalasahan niya sa dugo nito ang lasa ng dugo ni Sofia. "Sofia..." puno ng pagkadisgusto niyang sabi sa sarili.
Stepmother niya si Sofia. Noong bata pa siya ay hilig siya nitong alilain. Ang ama naman niya ay naging sunud-sunuran dito dahil isang prinsesa si Sofia. At nakalaan ang buhay ng mga Guardians para sa royal family. Malaya man ang Guardians, tungkulin pa rin nitong protektahan ang mga Kamahalan.
Anyway, she was cruel. She makes him drink her blood. At dahil doon, officially ay isa na siyang Guardian kahit na buhay pa ang ama niya. At isang nakakapanghihilakbot na araw ang patayin ni Sofia ang ama niya sa mismong mga mata niya. Nagtiis siya hanggang sa dumating si Lucifer sa buhay niya. Iyong mga panahong iyon ay nagtatago si Sofia. Kasama nito si Dritz na animo'y isang robot na hindi mo kakikitaan maski anong bahid ng emosyon.
"Malaya ka na, Bryann. Wala na si Sofia. Pero tandaan mo, nasa iyo ang dugo niya. Oras na matagpuan mo ang Kapareha mo at kagatin, gagamitin niya ang babaeng iyon upang muling magbalik-buhay. At iyon na ang panahon para magsimula ang mga nasimulan ngayon."
Hindi niya naintindihan iyon pero ngayon ay damang-dama na niya ang nais nitong sabihin. Shit! Sinigurado pa naman niyang magbubunga ang itinanim niya kay Jamil!
"I'm so sorry, Jam. This is my fault!" Binuhat niya ito at inihiga sa kama nito. Nagulat siya nang yumakap ito sa kaniya. Napahiga siya sa kama at kumubabaw ito sa kaniya. "Argh!" ungol niya nang kagatin nito ang leeg niya. Wala naman itong pangil. Pagkatapos ay dinilaan ang leeg niya.
"Bryann... Bryann... Nauuhaw ako..." paungol nitong sabi. "Bakit ba ko nagkakaganito?"
Hindi siya nagsalita. Bagkus ay humaba ang kuko niya at ipinanghiwa sa leeg niya. Tumulo ang mainit-init na kulay pulang likido sa leeg niya. Parang isang hayop naman na sinunggaban ni Jamil ang leeg niya. Hinawakan niya ang ulo nito at hinayaang sipsipin nito ang dugo niya. "Para sa mag-ina ko... Titiisin ko..."
~~END~~
BINABASA MO ANG
Hunk Princess
Vampiro(CURRENTLY BEING EDITED) From Lau Renz Crone to Lau Renzuellia Vlood... From ordinary to extraordinary... From common to foreign... Will Renz unravles the truth behind: Elemental Guardians Chosens of Greek Gods Darker, Crone, and Vlood Family And th...