HunkPrincess†16: Vlood Children (1)
†•†•†
Hindi mapakali si Renz sa higaan kaya't nagparit-parito siya sa loob ng dorm. Hindi siya pinayagan ni Devious na lumabas. And worst of all, hindi nga siya makalabas dahil sa kung anong kapangyarihan ang ginamit nito para palibutan ng harang ang bawat labasan. Ultimo butas na dinadaanan ng langgam may harang!
She's so paranoid! Dalawang araw nang wala si Mika. Sina Jamil at Lili ay nakita nila sa mga dorm nito, pero si Mika, wala ito sa dorm nito kaya talagang nagwala siya.
Kung anu-anong pinaggagawa niya. Binabalibag at binabasag niya lahat ng mahawakan. Kaya ito ang kinahantungan niya. Nakalalabas lang siya kapag oras ng klase. Bantay sarado pa siya ni Dev, sinisiguradong hindi siya magwawala sa classroom.
"Dammit! Kailan ba nila ako palalabasin?!" kausap niya sa sarili habang ikot ng ikot sa maliit na salas.
*tok! tok! tok!*
Agad na binuksan niya iyon. Ang inaasahan niya ay si Dev kaya hinanda na niya ang bunganga para talakan ito. Pero nabigla siya nang isang di kilalang lalaki ang nabungaran niya. Naka-uniporme ito ng mail boy.
"Letter for Ms. Crone?" anito.
Tumango siya at inabot ang itim na sobre. Pagkaabot ay isinara na niya ang pinto. Nagtatakang umupo siya sa couch at ipinatong ang paa sa glass coffee table.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kaparehas na bulaklak ng rosas.
Galing kaya iyon sa tunay niyang mga magulang?
Hindi na nag-aksaya pa ng segundo at binuksan na niya iyon.
Mum:
Death awaits. The crimson blood will fall. A tooth for a tooth, an evil for evil, kill a vampire with a vampire.
Lydia Vlood
Nanggagalaiting nilamukos niya ang sobre kasama ng sulat at saka ibinalibag na lang sa kung saan.
Why does that girl calls her "Mum"? Anak ba niya iyon? Tch. Sinisigurado niyang iihawin niya ang babaeng iyon kapag nakita niya.
†•†•†
Nakapangalumbabang pinanood lang ni Renz ang Teacher sa explanations nito.
Sa gilid ng mata ay nahagilap niya si Devious na nakasandal sa nakabukas na pinto ng classroom.
"Tch, hindi ako tatakbo," naiiritang sabi niya. Isa sa mga vampire insticts ay ang makarinig ng usapan o ingay mula sa malalayo man. Vampires have heightened senses--according to her Google search. At natuklasan niyang pwede silang mag-usap ng kapwa niya bampira ng nagbubulungan lang.
"Just making sure," tugon nito.
"Tch, -_-#."
Nag-ring na ang bell. Salamat, uwian na rin. Tumayo na siya at lumabas. Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang mailang. "For God's sake, Dev! Pangatlong araw ka nang nakabuntot sa akin!" Naiirita na siya sa kawusunod nito tapos ikukulong pa siya sa loob ng dorm.
BINABASA MO ANG
Hunk Princess
Vampire(CURRENTLY BEING EDITED) From Lau Renz Crone to Lau Renzuellia Vlood... From ordinary to extraordinary... From common to foreign... Will Renz unravles the truth behind: Elemental Guardians Chosens of Greek Gods Darker, Crone, and Vlood Family And th...