HP†23: Behold the Truth (edited)

55 7 0
                                    

HunkPrincess†23: Behold the Truth

=†††=

NAKATAYO si Renz sa harap ng malaking salamin. Nakikita niya mula sa sariling repleksyon ang hinanakit, sakit, at kalungkutan. Ngayong alam na niya ang tunay na kadahilanan kung bakit niya pinagdadaanan ang lahat ay hindi na niya mababago pa ang kaniyang kapalaran. Ipinagpapasalamat na niya ang buhay na isa siyang ordinaryong "tao" sa mata ng karamihan.

Ngayon, siya na ang bagong Lau Renzuellia Vlood. She's not a Crone or anything. Isa na siyang ganap na prinsesa at ngayon... Dapat na niyang yakapin ang tawag ng kapalaran.

Earlier...

PUMUNTA si Renz sa Greece, kung saan nakatayo ang isang cabin na pinagbabakasyunan ng mga magulang niya. Positibong naroon ang mga ito dahil iyon ang sinabi ni Dritz. Oh, yes, she decided to call him Dritzcher from now on. Tutal naman iyon ang tunay nitong pangalan.

Ang problema na lang niya ay hindi niya alam ang eksaktong lugar kung nasaan ang cabin. Pero hindi problema iyon, nakuha naman niya ang address ng cabin mula sa laptop ni Dritz.

Sumakay siya ng taxi at ibinigay ang address sa driver. Sa wikang gresyano ay nakipag-usap siya rito. "Pakidala ako sa address na iyan."

"Sige po, ma'm," sagot nito. "Kaya lang ma'am, sa loob po ito ng pribadong subdibisyon. Hanggang sa labas lang ako ng gate."

"Ayos lang."

Habang tinatahak ang daan papuntang cabin ay tinitigan ni Renz ang cellphone. Ilang missed calls na ng mga kasama niya ang nakatala. Ang pinakamarami ay ang kay Dritz.

MULA SA malaking salamin na human size length ay pinanonood ng mag-asawang Vlood ang kanilang anak. Nalalapit na ang panahon upang makilala ng lahat ang kanilang mga anak.

Masuyong hinapit ni Vladimir si Media. "Malapit nang dumating si Renzuellia."

"Yeah." Nilingon nito binatang nakaupo sa couch. "Ceadny, would you mind fetching your sister?"


"Walang nalalaman si Renz sa ngayon. Go and bring your twin here," may awtoridad sa tinig ni Vladmir.

Walang magawang tumayo si Ceadny. Partly he wants to see her sister and hug her for longing. But they can't. Ayos nang makita lang niya ito.

NAKAALIS na ang taxi pero nakatayo lang si Renz sa harapan ng malaking gate. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ngayon. Kung matutuwa ba o magagalit, o kakabahan.

Hindi na yata nakatiis ang security guard at lumapit na sa kaniya. "Miss, sino hong pakay niyo?"

"Media Vlood."

"Pasensiya na pero wala sila ngayon, binibini."

"Ganun ba..."

"Toni, it's fine."

Parehas silang napalingon sa lalaking naka-itim na t-shirt at maong na pantalon.

Napasinghap si Renz. Itim na itim na buhok na may ilang blonde, at hazel na mga mata. Hindi maipagkakailang kamukha ito ng ama. "Who are you?" biglang natanong niya.

Hunk PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon