HunkPrincess†45: Final Chapters; Cruel
†•†•†
†Renz†
Hindi ko na kaya! Tuyong-tuyo na ang lalamunan ko! Pakiramdam ko kapag nagtagal pa tong uhaw ko, maaari na akong mamatay!
Pero hindi ako susuko! Hinadi ako mawawalan ng pag-asa, darating si Dritz. Ililigtas niya ako at patutumbahin niya si Lucifer! I know he loves me... I know it...
Tears started to fall one by one. At sa kamalasan, naabutan pa ako ng walanghiyang Lucifer na umiiyak.
Nagbigay daan ang matatabang ugat para makapasok siya. He wore this fvcking grin on his face. "You don't have to cry over that young Darker. I will love you better, dear." He stoop down at me. Mariin niyang hinawakan ang panga ko para iharap sa kaniya.
Nagngalit ang mga ngipin ko. If I'm not cuffed, I would strangle him to death myself. My throat's too dry to even say anything.
"I love that fierce eyes of yours. Better than Sofia's. Now, shall we go?" The cuffs unleashes my wrists and ankles themselves. Binitbit lang niya ako sa braso at hinila palabas. Halos kaladkarin--wait--kinakaladkad niya ko papuntang bangin kung saan saksi ang bilog na buwan.
Sa malaking bato na sinadya yata para mapaglagakan ko, basta na lang niya akong binitawan. Sa hina ko, napahiga lang ako. Kahit anong lakas ko, kung wala naman akong dugong nainom, walang saysay ang mga kakayahan ko. I need blood. I need Dritz' blood to regain strength. "Dritz... Where are you..."
"There's no need to call out for him. I'm here. Kapag nakamit ko na ang kailangan ko, parehas tayong magiging pinakamalakas ^_^. Magagawa mo ang lahat ng gusto mo. Makukuha mo ang maibigan mo. Igagalang ka ng lahat. Walang sinumang kakalaban sayo."
Wala akong magawa kungdi ang manibugho. Nakakadisgusto. Nasaan ka na ba Dritz? Patayin mo ako kung gusto mo! Mas maganda pa iyon kaysa sa makuha ni Lucifer ang gusto niya! "Kung may utak ka, gamitin mo, Dritzcher Darker!"
That then lumipad palayo si Lucifer sa malakas na puwersang tumama sa mukha niya. Tumurumpit siya palayo. Dritz' blurry figure blocked the moonlight. "Damn, I'm sorry Renz."
Sa sobrang galak, nagawa kong yumakap sa kaniya. "I.... Love you..."
†•†•†
†Dritz†
"I love you, too." Hinayaan kong mawalan ng malay si Renz sa mga bisig ko. Maingat ko siyang inilapag sa malaking bato. Ipinapangako ko, Renz, tatapusin ko ang lalaking nagsimula ng lahat ng to.
"Huwag ka nang mangialam, Dritz. Sinira ni Renz ang buhay mo. Hayaan mo na siya sa kamay ko.” Nakakabanas na tawa ang pinakawalan nito. “But I can say, she’s delicious.” Sa ginawa niyang pagdila sa mga labi niya na para bang ipinakikita niya pa mismo ang reaksiyon niya nang matikman niya ang dugo ni Renz.
Kumulo ang dugo ko sa galit. Walang pasubaling itinapat ko ang mga palad ko sa kaniya. Nagpakawala ako ng napakalakas at malaking apoy. Tinamaan ko siya.
Pero walang nangyayaring lumalakad siya palapit sa akin. ‘Buwisit!’ mura ko sa isipan ko. Nagdesisyon akong idaan da pisikal na labanan. Nagpalitan kami ng suntok, sipa, tadyak, tuhod. Pero walang tumatama kahit isa man sa amin.
Hanggang sa nasagad na ang pasensiya niya. “Buwisit! Sinasayang mo ang oras ko, Darker!” naging itim ang mga mata niya. Iyong parang nakikita mo sa mata ng mga alien. Itim na apoy ang bumalot sa kaniya at naging dahilan ng paglipad ko. Bumulusok ako sa lupa. Masakit ang nagasgas kong balat sa likod pero wala iyon kumpara sa nakikita kong hitsura ni Renz. Hindi ako titigil hangga’t walang latay lahat kay Lucifer!
Bumangon ako. “Wala rin akong oras para sayo. Kaya kung pwede lang, mawala ka na!”
Nagwa-warm up lang ako. Tumindig ako. Hinayaan kong palibutan ako ng malakas na aura. Nagliyab ang mga kamao ko. At ang apoy na lumalabas ay naging asul. Mas nakakatakot ang asul kaysa sa pula.
“Huh! Mukhang tulad ng walang silbi mong ama, namana mo ang walang kwenta niyang kakayahan! Mag-ama nga kayo. Kaya magsama kayo sa impyerno!”
Nagtagisan kami ng apoy. Itim laban sa asul. Asul laban sa itim. Sa one-on-one fight na ginagawa namin, umaangat ang bawat isa. Mas nagiging dominante. Mas agresibo. Mas mabilis at mas malakas ang bawat tira. Hanggang sa natamaan ng itim na apoy ang braso ko.
Napaigik ako sa hapdi. Tumatawa naman sa pagmamalaki ang damoho.
“Walang silbi! Magkatulad lang kayong mag-ama! Humaharang sa daan ko! Ano bang problema niyong mga Darker sa akin? Peste! Nauubos lang ang panahon ko sa walang kwentang bagay!” lumapit siya para tapusin na ako.
Hindi man gumagaling ang nasunog kong balat dahil itim na apoy iyon, hindi ibig sabihin niyon mahina na ako. Hindi ako basta-basta sumusko.
Ngumisi ako. “Hinding-hindi ka magiging hari!” Sumugod ako. At isang mala-super saiyan na tira ang pinakawalan ko. “Wala akong oras sayo, buwisit ka!”
BINABASA MO ANG
Hunk Princess
Vampiros(CURRENTLY BEING EDITED) From Lau Renz Crone to Lau Renzuellia Vlood... From ordinary to extraordinary... From common to foreign... Will Renz unravles the truth behind: Elemental Guardians Chosens of Greek Gods Darker, Crone, and Vlood Family And th...