HP†44: Final Chapters; Captive

33 5 0
                                    

HunkPrincess†44: Final Chapters; Captive

†RENZ†

As soon as I saw my love silent for a second, I knew he now knows; EVERYTHING. Only the Heavenly Father God knows how our fate would turn out to be. His eyes were glaring, full of negative emotions. But he just looked at me, like the way he did before I mercilessly burnt him to ashes many years ago.

“Dritz…” I tried reaching out to him but he stepped back. I sigh and look upon the sky above us. To where Lucifer’s strong power is coming from. I closed my eyes, I ready myself for a death-strangling hate from Dritz.

The next thing I know, I was choking my lungs out. Ceadny trying to stop him. And then he—Dritz—flew away from me and someone grabbing me from my hair. I was lifted unto my feet. Long black claws playing around my neck. “Lucifer,” I manage to mutter.

“Renz!” I heard Ceadny yell. “Put her down, Lucifer!”

“Nasa Pilipinas tayo, mahal kong pamangkin,” malademonyong ngisi ni Lucifer. “Nasa teritoryo tayo ng mga Pilipino, igalang natin ang kanilang lengguwahe!” nang-aasar nitong sabi.

Sa pagitan ng sakit sa pagkakasabunot sa akin ni Lucifer at ng nakabadyang mahahabang kuko nito sa leeg ko, nagawa kong tingnan si Dritz. Ililigtas ba niya ako? O nakatakda talaga akong mamatay? O mas masama, ililigtas nga niya ako sa kamay ni Lucifer pero siya ring papatay sa akin dahil sa kasalanan ko?

“Dritzcher! Nagkita tayong muli!” pekeng pagkagalak na sabi ni Lucifer. Nakakairita siya! Gusto ko siyang pagpira-pirasuhin! “Alam kong naninibugho ka sa pamangkin ko, pero hindi mo siya maaaring patayin.” Nagpumiglas ako nang halikan niya ang gilid ng ulo ko.

“Bitiwan mo ko! Nakakadiri ka!” Sigaw ko.

“Aww, alam mo pamangkin ko, hindi problema sa ating mga nakatataas na nilalang ang incest. Kaya wala kang dapat na ikabahala, naiintindihan mo?” nagpakawala siya ng nakakabuwisit na tawa.

“Sa tingin ko nahuli na ako para pigilan ang pagbabalik ng alaala mo.” Nagkibit-balikat siya. “Pero di bale, nasa kamay ko naman na ang susi para maging hari ako kaya hindi na kailangan pang abalahin ko ang sarili ko sa iyo. Oh, paano? Aalis na kami, ah? May mahalagang seremonya pa kaming gagawin ng mahal kong pamangkin, paalam!”

Bago makalipad paalis si Lucifer paalis bitbit ako sa buhok at leeg ay sumigaw si Dritz. “ Lucifer!”

Humarap ang walanghiya kong amain sa asawa ko.

“Bakit mo binura ang alaala ko?”

“Tinatanong mo kung bakit?” tumawa ito. “Hindi ko maaaring hayaan na saktan na lamang ng kahit na sino ang mahal kong pamangkin habang inaayos ko ang daan patungo sa paghahari naming dalawa. Ako, isang hari, ay si Lau Renzuellia bilang reyna ko. At alam ko namang aalagaan mo siya habang wala ako.” Tumawa itong muli na mas nakakairita pa kaysa sa mga nauna.

Baliw na ang isang to! Halang ang bituka! Kung kakayanin ko lang sanang ipagtanggol ang sarili ko at ang mga mahal ko sa buhay, hindi ko na ibabalik ang alaala ni Dritz! Pero hindi ibig sabihin nitong hindi ko susubukan pabagsakin ang amain ko sa mga sarili kong kamay!

Sinubukan kong gamitin ang itim na apoy para makawala. Pero masyadong mabilis si Lucifer at walang awang kinagat ang leeg ko ng walang pasubali kung masakit ba iyon o hindi.

Napahiyaw ako sa sakit. Talagang inuubos niya ang lakas ko hanggang sa nawalan ako ng malay. Blangkong ekspresyon lamang ni Dritz ang huli kong natatandaan bago nagdilim ang lahat.

†•†•†

Nawalan na ako ng bilang sa mga araw at oras na nakagapos ako sa napakaruming selda na gawa sa malalaking ugat ng isang napakalaking puno. Dito binabalak ni Lucifer na gawin ang rituwal ng pagiging pinuno, ang angkinin ako.

Hinang-hina na ako. Bawat ‘pagbisita’ niya ay panay ang sipsip niya ng dugo ko na sinasamahan niya ng pagtatangkang hawakan ako sa kahit saan mang gusto niya.

Nakakadiri. Nakakadisgusto. Nakakapanibugho. Wala akong magawa. Hindi ko inaakalang ganito ang mangyayari sa pagtakas ko sa pagsasanay ko.

Oo hindi pa tapos ang pagsasanay ko sa kapangyarihan ko. Sinabihan na ako ng guro ko pero nagmatigas ako. Wala itong nagawa kungdi ang balaan na lamang ako sa balak ko. At ito na nga ang nangyari, nakuha ako ni Lucifer at nalalapit na ang oras para kumpletuhin niya ang rituwal para maging tunay na siyang hari.

Tuyong-tuyo na ang lalamunan ko, sinasadya niya akong mauhaw para sa oras ng pang-angkin niya sa akin, walang dudang kakagat ako sa pain niya.

“…Dritz…” pilit na tawag ko sa pinakamamahal ko. Sa kaniya nakasalalay ang buhay ko ngayon. Nasa sa kaniya kung ililigtas niya ako o hahayaang maangkin ng isang impakto na saksakan ng demonyo at maghatid ng lagim sa kamunduhan.

Isang nakakadiring amoy ang umalingasaw sa pang-amoy ko.

“Oras na, pamangkin ko.”

Kung ibang personalidad lang ako, may posibilidad na nagkukumahog akong sumamba sa taglay na kaguwapuhan ng hayop na to sa kabila ng edad nito. Oo, nananatiling bata ang pigura ng walangyang to. Pero hindi ko sinasabing papayag ako sa balak niya! Si Dritz ang mahal ko! At sa kaniya lang ako hanggang sa huling hininga ng buhay ko!

†•†•†

†DRITZ†

“Punyeta naman, Devious! Iligtas mo ang kapatid ko!” binigyan ako ni Ceadny ng isang malakas na suntok sa mukha subalit nanatiling nakahawak sa kuwelyo ko. “Buwisit! Ilang araw nang nasa kamay ng hayop nayon ang kapatid ko! Wala ka man lang gagawin? Mamayang gabi na ang kabilugan ng buwan! Tatanga ka na lang ba dito?!”

“Sinabi ko na sa iyo, sa gusto ko mang iligtas si Renz, siya namang ayaw kong makita siya! Siya ang dahilan ng lahat ng pangungulila ko sa pamilya!” binawi ko ang kuwelyo ko sa kaniya. Wala akong pakialam kahit na prinsipe siya, basta sa ayaw ko, ayaw ko!

“Bugok! Gago! Siraulo! Hindi siya ang dahilan ng pangungulila mo sa pamilya! Pinatay man niya ang mga magulang mo, o ikaw, hindi pa rin siya ang dahilan na hiwalay ang mga magulang mo at nagdesisyong mamuhay ng kaniya-kaniya! Ngayon inuutusan kita hindi bilang mas nakatataas sayo kungdi kapatid ng asawa mo! Iligtas mo siya bago pa mahuli ang lahat, buwisit!”

†•†•†

VasiliasVampirMou

Hunk PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon