HP†24: Jamil's Feelings (edited)

54 7 0
                                    

HunkPrincess†24: Jamil's Feelings

=†††=

†Jamil†

Napansin kong ilang araw nang hindi namin nakakasama si Renz. Ay, hindi lang pala araw, linggo na. Nakakainis! Porke si Devious na ang pinagkukuhanan niya ng dugo hindi na niya kami sinasamahan? I hate the thought, but Renz most likely to be with him or alone more than we spend altogether.

Lalo na noong nasira ang party at... pinatay si Mika. Ang akala namin hindi kakayanin ni Renz. Pero nagpakatatag siya. Pinilit niyang maging masaya.

Mula nang tumuntong kami rito sa Palawan, pulos problema na lang pumapasok sa buhay niya. Hindi naman lingid ang lahat sa amin. At hanggang ngayon nga hindi pa rin kami makapaniwala ni Lili na isa siyang prinsesa ng mga bampira!

Gustong-gusto naming samahan si Renz kaya lang alam naming may mabigat siyang mga problemang dinadala at si Devious at ang mga kasama lang nito ang makakatulong.

"Oy, Jam, anong problema mo?" tanong ni Lili.

Nasa Art Club kami ngayon at nag-aayos ng mga kagamitan. Katatapos lang kasi ng club activity.

"Eh... nami-miss ko na kasi si Renz. Ilang linggo na nating hindi siya nakakasama."

Napabuntong-hininga siya. "Anong magagawa natin? We're just humans. At si Renz, ano? Prinsesa di ba? May malalaking responsibilidad siyang nakakaharap at makakaharap pa ngayon. Nandito lang tayo para suportahan siya kung sakaling kailangan niya tayo."

Inilihis ko ang wrist band sa pulsuhan ko. "When would she accept our blood again?"

Tinitigan ni Lili ang mga bakas ng kagat ni Renz sa pulso ko. "Well, nandiyan naman si Devious para bigyan siya ng mas sapat na dugo. He's her mate after all."

"Mate?" taka ko. "Saan mo naman nakuha iyon?" Minsan nang sinabi sa akin ni Bryann iyon. But I still don't get it.

Naging malikot ang mga mata niya. "Ahm..."

"Ahm ano?"

"Kay Jaecobb."

"Jae???"

"Oo."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Di ko alam na nagkakamabutihan na kayo ng lalaking iyon. Tandaan mo, hindi bagay ang tao sa bampira."

"Pero, Jam... Si Bry din naman ah? Lagi siyang nakadikit sayo?"

"Iba naman iyon. Ako, lagi ko siyang nilalayuan. Gumagawa ako ng paraan para makalayo sa kaniya. Mahirap na no. Inaamin ko namang attractive siya kaya lang bampira siya, sila ni Jae. Tao lang tayo. They can live for how long they want. While, we, DIE."

"Pero, ang sabi ni Jeacobb mate daw niya ko."

Nabitawan ko ang hawak na paint brush.

"Ang mate daw, iyon iyong makakasama ng isang bampira habang buhay. Pwedeng maging bampira ang isang tao kung mahal ng bampira ang tao-"

"Tama na."

Nagulat si Lili sa bahagyang pagtaas ng boses ko.

Hunk PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon