HP†37: Trip to Ferryanto Island {2}

19 4 0
                                    

HunkPrincess†37: Trip to Ferryanto Island {2}

=†††=

Hello readers! It’s still me, Mara Crawford. Dahil pinapili kami ni Jheena ng kwarto, mas pinili ko iyong sa tabi ng hagdan malapit din sa veranda. Apat na sides kasi ang second floor. Tig-dalawang room sa bawat hilera sabi nga ni Jheena.

_ _  ________Kelly_ __|___Morris_____________
Terrace  ================== H/Spring
________     |  stair  |   ________      __________
Mine    |     |---------|                         |     |Voss
======|     |---------|                        |     |====
Trevor  |     |---------|                        |     |Fyia
___________________________________________
____________Vacant___|__Vacant____________

Syempre, doon sa tabi ng room ni Trevor ang pinili ko. At di lang iyon, malapit pa sa terrace. Sa loob ng napili kong kwarto, may maliit ding veranda. Kitang-kita ang malawak na karagatan. Pumapasok mula roon ang sariwang hangin. Sa kanang bahagi ng kwarto pagpasok ng pinto ay ang double size bed. May pinto ng maliit na banyo at sa tabi niyon ay ang log wardrobe.

“Grabe si Jheena, pinadaig pa ang apartment kaysa luxury log cabin,” kausap ko sa sarili ko habang nag-iikot sa loob ng kwarto.

Inilapag ko sa paanan ng kama ang mga gamit ko. Sa tabi ng veranda ay ang set ng coffee table. Fully furnished and kwarto at may mga bakanteng drawers at may saktong laki lang na study table.

Pumasok ako ng banyo. May bathtub at shower. May lababo, may salamin, may hanging cabinet, may first aid kit na parang namang kakailanganin pa ng isang tulad kong imortal, may kubeta, syempre. At ang tiles niya ay nakadisenyo upang magmukhang kahoy.

Hmm.. pwede kayang upahan ito? Hahaha! Lumabas na nga ako ng banyo para bumaba. It’s already been five minutes since I entered my room. At mag-a-alas-said naman na. pagbaba ko ay nandoon na si Trevor. May kausap sa telepono.

“Lance, nasabi ko na sa inyo, ayoko nang bumalik pa kung gusto lang mahiganti ni Jal kay Lau Renz.”

“Laurence? Sino naman kaya iyon?”

Bumaling sa akin si Trevor. Nginitian niya ako bago magpaalam sa kausap. “Sige na, Lance. Sabihin mo na lang kay Jal, salamat.” Ibinaba na nito ang cellphone. “Hungry?”

Tumango ako. “Sino iyong kausap mo?”

“Ah, wala lang iyon. Si Lance, dati kong kakilala.”

“Ah,” nagpatango-tango ako. “Nasaan si Jheena?”

“Nandoon sa kusina, naghahain. Tinutulungan ko sana, eh, tumawag naman iyong si Lance. Tara, tulungan na natin siya.”

“Sige, .”

Pagkahain ay tinawag ko na ang iba pa para maghapunan. Kumain kami ng masaya at puno ng tawanan. Syempre, nakantyaw ako dahil masyado ang titig ko kay Trevor habang kumakain. But I lived. Nakabalik ako sa kwarto ng busog.

Humiga ako sa kama ng pabagsak. Hinawakan ko ang dibdib ko. It doesn’t beat like how it beats with Dritz, but Trevor gives me the warmth I’m yearning to have.

Oo crush ko si Trevor at naglalaway ako sa kaniya. Kinikilig ako at parang unti-unti na akong napo-fall sa kaniya. Pero si Dritz… iba ang tibok ng puso ko pagdating sa kaniya. At dalawa lang ang dahilan kung bakit di ko masabi kung mahal ko ba siya o hindi.

Una, dahil kamukha ko si Renz. Pangalawa, he loves and cares for me because of the possibility that I am Renz. “Dritz, tell me you love me because I’m me…”

Hunk PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon